ChapterTwo: Wake-up Call
"Kung sa bahay na lang kaya si Clade? Doon mas maaalagaan natin siyang lahat. Hindi na rin kayo mahihirapan ni mommy magpalit palit dahil nandoon ako." ani Lynne. Buong hapon ay iyon ang naisipan ko. It was a good and smart idea but it has a own disadvantages. Paano kung biglang may masamang mangyari kay Clade? Walang doktor sa amin kaya mahihirapan kaming dalhin siya sa ospital, lalo pa sa ganong lagay. At ayokong mangyari ang kinatatakutan ko. No damn way I'll let that happens.
"Anak magpahinga ka na muna. Umuwi ka muna sa apartment o kaya ay sa bahay ni balae." sabi ni mama habang pinisil ang pagkakahawak sa balikat ko. Hinawakan ko lang 'yon at natayo na ng upuan. Siya ang pumalit sa akin ng hapon na 'yon para magbantay. Dumiretso ko sa bahay nila Tita Karylle kesa sa apartment kung saan nandoon sila papa at Cydney. Hindi ko alam ang real reason pero nahihiya akong makipagkita sa kanila-sa buong pamilya namin. Pati sila ay naabala at bumyahe pa para lang sa akin. Nag-aalala na raw sila sa kalagayan ko. Puro na lang daw ako bahay-ospital, para na daw akong patay na may buhay. Hindi na lang ako nagsalita nung iniyakan na ko ni mama dahil nahihirapan daw siya sa kalagayan ko. Lahat naman nahihirapan. And it's all my fault. I knew it and somehow I deserve to be punish like this din siguro.
"Nagtext ang mama mo na pupunta ka, magpahinga ka na muna." saad ni Tita Karylle ng pinagbuksan ako ng pinto ng kasambahay. Pinaupo niya ako sa sofa at inutusan ang mga kasambahay na kumuha ng makakain. Kinausap niya ko tungkol sa idea ni Lynne at pati siya ay naguguluhan na rin sa pagdesisyon. Nakatulala lang ako all the time dahil nawalan na ko ng gana makipag-usap sa kanilang lahat. I let myself build a thick wall. I turn my back on them. Yes, I did it again. Nagiging bitch na naman ako.
Masisisi ba nila ko? I lost myself. Nang ma-coma si Clade, parang unti na unti na kong pinapatay sa loob. It was like the whole world beginning to be doom. I was devastated. Sa pagkacoma niya, parang natangay na din ako. My half is dead. I just let myself live because he's still here. I breathe because he's still breathing. Kaunting kaunti na lang ay alam ko ng I will lose my sanity. And I pray that he will wake up before I lose my whole self and forget them all.
I take a long rest that day. Nagising ako sa kwarto namin ni Clade ng gabi na. Tinignan ko ang cellphone kong kanina pa ring na ring. Axel is calling...
"Kailan mo ba ititigil ang kahibangan na 'to?" Balandra niya ng sinagot ko ang tawag. Napakunot noo ako. Break na sila ni Ivy, malamang. At dahil doon ay ang bi naming kaibigan ay nasaktan at nakamoved on din naman. Sa tagal ba naman ng panahon ang lumipas, hindi pa ba siya makakamoved on?
At ayun na nga, I was caught off guard. I don't know what to say and there's a flinch of pain in my system. Diniretsa niya ko ng sagot bago ko pa masabi ang galit ko sa sinabi niya. Punyeta, hindi ako nakailag at tinamaan ako sa mga pinagsasabi niya bago pa ko magalit ng sobra.
"Eto ha, prangkahan na tayo, Cy. Magalit ka man o hindi okay lang sa'kin dahil atleast napayuhan kita as your friend. A true friend will say the truth no matter what circumstances. Kahit masaktan pa kita sa sasabihin ko. Kailangan mong matauhan-kayong lahat pati si Alliah. And I'm a friend of Clade also so pinag-isipan ko talaga ng mabuti 'to. Ilang buwan ng nakacoma si Clade hindi pa din nagigising. Lahat kayo nahihirapan na masyado. Hindi ba sapat ng rason 'yon para pakawalan siya? Kasi hindi lang naman kayo, tayo ang nahihirapan, e. Pati si Clade. Oo sabihin na nating walang nakakaalam ng mangyayari o nararamdaman niya. Pero hindi ka ba naaawa sa sarili mo, sa mga taong nakapaligid sayo at higit sa lahat 'yung nakaratay. Hindi ba sumagi sa utak mo na baka gusto na niyang magpahinga? Cy, aminin na natin kahit masakit. Makina na lang ang bumubuhay sa kanya. Himala at panalangin na lang ang sagot... pero hanggang kelan tayo aasa sa mga 'yon? Hanggang kelan natin pahihirapan ang mga sarili natin? 'Wag na tayong magpaka selfish, Cy. Let him go. Let him rest."
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
General FictionLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...