Love: The Legal Boyfriend

6.3K 86 7
                                    

Chapter Seven: The legal boyfriend

"if you love two people at the same time, choose the second. Because if you really loved the first one, you wouldn't have fallen for the second."

― Johnny Depp

Ouch, bull's eye. Edi ako na, ako na ang... torn between two lovers feeling like a fool, loving both of you is breaking all the rules.

"Sige, biruin mo pa ang kagagahan mo, Cy." bulong ko sa sarili. Nilapag ko na yung laptop sa table, nag-fb ako tapos iyon ang makikita ko? The heck. Tumayo ako para sana kumuha ng juice sa ref. Muntik pa kong mapamura nung nagplay sa radio ng kapitbahay yung kanta ni Mary MacGregor. Nanandya ba ang kapitbahay?!

"There are times when a woman has to say what's on her mind

Even though she knows how much it's gonna hurt

Before I say another word let me tell you, I love you

Let me hold you close and say these words as gently as I can."

Napaupo ako sa sofa pabalik. Napatakip ako sa mukha ng marealize na sumasakto yung kanta sakin. Ano ba 'to! Ginawa ba ang kantang 'to para sa'kin?

Naalala ko tuloy ang paghalik ko kay Clade, smack lang siya pero ngayon ko naramdaman ang hiya sa katawan! Di naman sa liberated ako pero kahit na! Ugh!

"There's been another man that I've needed and I've loved

But that doesn't mean I love you less

And he knows he can't possess me and he knows he never will

There's just this empty place inside of me that only he can fill."

"Bullshit." sigaw ko at nanggigil sa sofa ng nakahiga. Nagtakip na ko ng throw pillow para di ko marinig. Tinatamaan ako sa kanta! Aminado ko! Ang nakakayamot pa dito, 'yung kapitbahay nilakasan pa ang volume ng radio at sinabayan. Nakakarindi na nakakainis!!

"Torn between two lovers, feelin' like a fool

Lovin' both of you is breakin' all the rules

Torn between two lovers, feelin' like a fool

Lovin' you both is breakin' all the rules."

Amp! May alam ba sila sa buhay ko at ganito? "Ayoko na, stop. Please!" I muttered. Tinakpan ko ang tenga ko ng dalawang kamay. Napangiwi pa ko ng bumirit ang kapitbahay na babae na wala sa tono.

"Oh my gosh, let me die!" nasabi ko sa huli dahil ayoko ng marinig talaga. Nagkulong ako sa banyo ng halos 5 minutes para pag lumabas na ko ay di ko na maririnig. Sinakto ko ng five, para safe. Nakakarindi kasi, apektado talaga ko nung kanta. Alam mo yung bawat lines, tatamaan ka. Sapul na sapul. Para kang sinasaksak nung bawat words na naririnig mo hanggang sa makaramdaman ka ng di maganda, mag-iisip ka na ng di ayos. Tss!

Kung bakit ba naman kasi di soundproof ang mga apartment dito. Kaasar! Bumalik na ko ng mini sala ng apartment ko na may dalang juice. Wala na yung sound ng radio, buti naman. Nilapag ko sa center table ang juice at kinuha naman ang laptop ko. Naupo ako sa sofa at pinatong sa lap ang laptop. Minimize ko muna ang FB dahil doon ako unang tinamaan sa nagpost nung kay Johnny Depp. Mablock nga yung taong 'yon, siya may pasimuno nito e.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon