Special Chapter: The First Love of Alliah (Part I)

4.8K 40 0
                                    

Mahaba haba ang chapter na 'to so pagtiyagaan nyo na dahil nandito ang karamihan sa sagot at eksena na hindi sakop ng POV ni Cyrish :))

Alliah's POV

Our whirlwind romance starts when I'm still studying Bachelor of Science in Management, while him... Oh well, we were block mates.

Nung una ay nagpapansin lang siya sa akin but I didn't budge. Until one day, habang naglalakad ako sa hallway ay bigla siyang sumigaw sa gitna ng campus na gusto daw niyang magkabalikan kami. And I was like, what the hell he was saying? Hindi naging kami at we are never been friends.

Sinugod ko siya noon at hinila papunta sa bakanteng classroom. Naalala ko pa ang sinabi ng mga kakilala kong nakakita ng paghila ko sakanya sa kwelyo, "Make out session! Bawal 'yan! PDA!' Hindi ako nagpa epekto at sinita siya sa vacant room.

"What are you saying kanina? Are you crazy or such a stupid jerk?" singhal ko. Imbis na sumagot ay tumawa lang siya. The nerve of this guy! He even have the guts to laughed!

"I like you, Alliah. Hindi ba halata?" I scoffed. My eyebrows went up. "Oh really? Pasagasa ka muna bago kita sagutin."

I cocked my head, at itinuro ang pintong nahaharangan niya. Nagets naman ni arogante at gumilid. Naglakad na ko ng palabas ng may maalala, "oh, feel my sarcastic remark on that." Ngumiti ako at inirapan siya bago umalis.

The next day, I found myself running. Lintik na lalaking 'yon! Gagawin nga ang sinabi kong sagasa. At ang pagka agorante nga naman niya ay aabot hanggang langit, talagang pinabroadcast pa niya sa buong campus na magpapasagasa siya dahil sa akin. He even said my full name! Syempre, kargo ng konsensya ko ang lalaking 'yon kapag nasagasaan talaga. At baka mapa pulis pa ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Sakit sa ulo!

"Oh, you're finally here. Watch me, okay?" sabi pa niya at may kotseng nasa malayo na buhay ang makina. Pinalilibutan pa siya ng mga students na chismosa at papanuorin ang suicide kuno ni Rod Reego Castillo. Lintik talaga ang lalaking 'to!

Nung time na ang lintik na kotse ay papalapit na sakanya, bigla akong sumigaw na ihinto na niya ang kalokohan na 'yon. He walks towards me, at inakbayan ako. "You're mine, Alliah Lynne Hererra." he said and I punched his face because of frustration.

After that day, we're officially together. Napalitan akong sumama sakanya at hindi naman ako nagsisi sa ilang buwan na naging kami, he showed me the real him. Bukod sa pagiging ignorante ay mapagmahal, maalalahanin at mabait naman pala ang lintik. We loved each other until one day nagkasawaan na. Nakipag date ako sa isang guy na party goer-kabaligtaran ni Rod na puro pag-aaral ang date namin. One year na kami ni Rod ng malaman niya na may iba ako bukod sakanya. Nakipagbreak ako kay second boyfriend kaso huli na. Napagod siya sa pag-intindi sa akin hanggang sa we decided na magbreak na lang dahil puro kami away at hindi daw niya ko mapagkatiwalaan ulit ng buo.

Fourth year ako nung malaman na may kapalit na siya sa akin. The name of that girl was Cyrish Mariella Aguilar. Nothing special about her. Nagtagal sila ng taon rin. Ang tibay nga kasi hanggang sa pagkagraduate ay sila pa din hanggang sa nawalan na ko ng balita sa kanya. Nagtrabaho ko sa company namin as a plain office girl. Wala lang, trip ko lang maging ordinaryo. Ayoko ng stress katulad ng sa posisyon ng kapatid kong pangalawa, si Clade na madalas tawagin ritong Russell. He is the CEO of the company. Ysmael was our brother, too. First son. May sariling buhay ang isang 'yon at ayaw makialam sa business dahil hindi niya trip. And also, Clade was our mom's favorite so obviously, he was the one who will inherit the company. Anyway, pake ko rin sa pamamalakad ng kompanya? It will just give me a non stop headache and stress.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon