Possessive: All About Us

3.6K 56 2
                                    

Chapter Eight: All about us

"Congrats!"

"Just married. Yieee!"

"So happy for you!"

"Nasakal ka na!"

Siniko ni Zyra si Gerald. "Anong nasakal? Kasal ano ka ba naman! Ang gwapo nga ng napangasawa, sakal?"

Nagkatawanan kaming mga katrabaho ko sa away pusa nung dalawa. Palagi silang nagtatalo sa mabababaw na bagay. Nakakantyawan tuloy na meant to be. The more you hate, the more you love ang quote namin para sakanila.

"Eto ang gift namin para sa'yo. Pinagsama sama na namin sa isang regalo para mahal naman kahit papaano. Nakakahiya sa mga nagregalo sa inyo ng bigatin." Litanya ni Zyra. Nagtanguan naman silang lahat.

I let out a squawk. Nagpamewang ako sa kanilang nasa round table. May candles and pink roses na nasa center ng table, design.

"Ano ba kayo! Mas gusto ko 'tong mga ganitong regalo." Naupo ako sa vacant na upuan, tinulungan ako ni Zyra sa pag-upo dahil siya ang katabi ng vacant na upuan. At dahil sa gown kaya nahirapan.

"Aanhin ko naman ang mga gifts nila, hindi ko nga sila kilala lahat." I muttered. Pinasadahan ko ng tingin ang ibang tables na hinahatiran ng foods. Marami kong hindi kakilala, siguradong business partners ni Clade. At ang mga maiingay na nagtatawanang mga matatandang babae sa may bandang likuran ay ang mga amiga siguro ni Tita Karylle. Sophisticated and unreachable middle-age womans.

Nagkibit balikat si Jess, pinaglalaruan ang steak na nasa harap niya. "Well point." Sabay ngisi.

I bit my my lower lip, wala akong masabi. Lahat naman sila ay nagkanya kanyang daldalan. "Punta lang ako sa kabilang table. Enjoy kayo ha? Thanks sa gift." pagpapaalam ko,

Tinulungan ako ni Gerald na tumayo sa upuan. Ang hirap kasing tumayo at maupo sa klase ng wedding gown ko, trumpet style. Hapit na hapit sa katawan, pagdating sa may tuhod ay pabagsak na. Kitang kita ang curves ko, buti meron naman ako kahit papaano.

"Thanks, Gerald." I smiled at him. Nagsalute lang siya sa'kin at naupo ng muli. Pinatawag ko 'yung isa sa mga assistant kuno at pinakuha ko 'yung gift nilang nakalapag sa table.

Naglakad na ko papunta sa table nila Axel. Ngumiti pa ko sa mga bisitang nakakasalubong ko.

"Aanhin 'tong mga candles, Cy?" tanong ni Axel, curious sa mga kandila sa table na walang sindi. Inamoy pa niya ito at tumango tango, binalik sa pwesto ang kandila.

"Mabango siya. Scented, fairness."

Ngumisi ako, nakatayo na lang ako dahil nahihirapan akong maupo.

"Later, Axel. Malalaman mo rin." Nagwinked ako sakanya.

Pumalakpak si bakla, "Bongga! Suprise. Ikaw na girl."

Tumawa ako, nadako ang tingin ko sa iba niyang kasama sa table. Kumakain si papa ng nakatahimik. Di ako pinapansin. Nahihiya siguro dahil maiyak iyak siya kanina habang hinahatid ako sa altar. Si Cydney naman ay umiinom ng juice, ngumiti siya sa'kin pagkatapos uminom at busy na ulit sa pagkain. Nadako ang mata ko sa katabi ni Cydney.

"Ma naman..." tinignan ko si Mama ng may pagmamakaawa. No more cries, iyon ang sabi ko kanina. Pero hanggang sa ngayon ay umiiyak pa rin siya kahit nasa reception na kaming lahat. Pinisil niya ang kamay kong kanina pa hawak ng lumapit ako sa table nila.

Magkakasama sila sa isang table nila Papa, Cydney, Axel, Ivy, Lynne at ang boyfriend nito. Hanggang ngayon ay di pa ko pinapansin totally ni Lynne kahit siya ang brides maid ko. Nginitian at binati lang ako. Pinakilala din niya sa'kin 'yung boyfriend niya, si Martin. But still, hindi ko pa rin feel na ayos na kami. May wall pa rin sa pagitan naming dalawa. First time nga naming nagtalo, ang tagal pang magkabati ulit.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon