Obsessive Love: He was wrecked, she was hurt [ Part II ]

3.5K 58 1
                                    

Chapter Eleven: He was wrecked, she was hurt

"Can you please stop it?" singhal ko ng nililigpit ang mga bote ng alak na nakakalat sa table. Ngumisi lang siya at nagpatuloy sa pagtungga ng ika pito na niyang alak. My lips turned into grim line.

"Bahala ka na nga!" sigaw ko sa inis dahil para siyang walang naririnig. Umagang umaga iyan ang dadatnan ko sa kusina na naman. "Napapagod na ko sayo! Bahala ka na, bahala ka na sa buhay mo."

Ibinaba ko lahat ng hawak ko sa table at dumiretso ng kwarto sa taas. Nakakasawa na kasi. Three days na siyang ganyan, iinom lang ng iinom ng alak. Nilunod na ang sarili sa alcohol. Nakailang saway na nga ko pero wala pa rin. Para siyang bingi sa sinasabi ko, para kong hangin.

Tatlong araw na nga 'yang di pumapasok. Pati din ako ay di na nakakapasok kakaalaga sakanya kapag nagpassed out sa alak. Ang dami ng naghahanap sakanya at puro naman kasinungalingan ang sinasabi ko. Alangan naman kung magsabi ako ng "Nag-away ho kami at nilunod na niya ang sarili sa alak. Tumawag kayo kapag lusaw na ang atay niya kakainom."

Humiga ako sa kama at tinakpan ang sarili ng comforter. Narinig ko ang yapak ng paa niya at ang palapit na amoy ng alak. Napapikit ako ng mariin ng hinaplos niya ang buhok ko papunta sa pisngi.

Nanatili akong nakapikit dahil nasa harapan ko siya, nakaupo sa gilid ko. "A-are you done with me, Cy?" pumiyok ang boses niya.

Hindi ako umimik. "Alam mo ba ang kinatatakutan ko? That you'll be done with me. You're my greatest fear, Cyrish."

"Are you tired of my attitude?" He sighed. "Napagod ka na ba? Alam kong pagod ka ng intindihin ako. Alam kong pagod ka ng alagaan ako. Alam kong pagod ka ng marinig ang sorry ko. But, I'm sorry for everything I did. It's all because of my love. Ako rin naman pagod na, lahat ng ginawa ko ay para sayo rin.. sainyo."

Humigpit ang hawak ko sa comforter. I'm not tired being with you, Clade. Its just that the things you did was not right. At anong para sa'kin din ang lahat? Wala akong maintindihan.

How can a perfect relationship goes to nothing? Akala ko ayos na ang lahat. Akala ko lang pala. Bakit hindi na lang palaging smooth sailing? Bakit hindi na lang perfect ang lahat. Ang hirap hirap kasi.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Naramdaman ko ang mainit na likido na umagos sa pisngi ko. My heart was breaking and it hurts like hell.

"I can't leave without you. I can't imagine my day that you'll be not here lying beside me. There is no life without you. I rather die." Narinig ko ang ngisi niya, he's drunk. I knew it. "Je vais me suicider si vous allez me laisser."

Pinunasan ng isang kamay niya ang luha sa pisngi ko. Ilang minuto din siyang tahimik na tinititigan ako. Hinalikan niya ko sa noo at akmang tatayo na mula sa pagkakaupo ng humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Binuksan ko ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang mga mata niyang mapula pula. Hindi ko alam kung sa alak o dahil sa nahihirapan din siya sa sitwasyon namin katulad ko.

"I always try... try hard to understand." Napahilamos ako ng mukha kasabay ng pag-upo. "Pero kahit kelan, hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa 'yon. Ang babaw kasi para sa'kin. Kung para sa akin iyon, para sa apartment ang pera na kinuha mo. Kahit kailan hindi ako humingi sa 'yo ng materyal na bagay, Clade. All I want from you is your love. Wala akong pakialam sa yate, resort at apartment na 'yan. Aanhin ko ang lahat ng 'yan kung wala ka naman sa'kin? Kung sira na ang tiwala ko sa 'yo?

Ilang araw na kong naghihintay para kausapin mo ko, para sabihin sa 'kin ang totoong dahilan pero wala pa din, e. You did nothing. You just sat there looking at me with that face reaction that I didn't know. Drinking alcohol all day, all night. Ako naman 'tong asawa, inaalagaan ka. Naghihintay na suyuin mo ako. Sabihin sa 'kin ang lahat. Gawin ang tama. Wala e, you did nothing. Nag sorry ka nga sa 'kin pero ayaw mong gawin ang dapat. Hindi sapat iyon." Umiling ako at tumayo sa kama. He still just looking at me with that gaze that I do not know the meaning. "Hindi mahaba ang pisi ko, Clade. Napapagod din ako. Hindi sa 'yo pero sa mga mali mong ginagawa."

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon