Chapter Five: Broken Marriage
"Kumain na po ba kayo?" tanong ko sa magulang kong nasa backseat. Tinignan lang nila si Clade na nagmamaneho, sumunod sakin.
"Itanong mo diyan sa magaling mong ama." umismid si mama kasabay ng pagcross arm at tumingin sa bintana. Napailing ako, "Pa, kumain na ba kayo?"
"Hindi pa anak. Tanungin mo nga sa magaling mong ina, kung bakit kasi iniwan iwan ang wallet ko." sagot ni papa. Umismid ulit si Mama kasabay ng pag-irap.
"Sabihin mo sa tatay mo, kung hindi ako hinadali. Di ko maiiwan! Atat na atat kasing makapunta para lang makalamon ng pastillas, Isinama pa ko!" aniya.
"Aba't nung nakaraan lang ay siya ang nagyaya sa text! Iyon ang sabihin mo sakanya." depensa ng papa. Napailing ako kasabay ng pagsandal. Tumingin na lang ako sa bintana. Para silang mga timang, magkatabi naman at naririnig ang isa't isa kailangan pang ako ang magsabi. Madalas ganyang ang sitwasyon sa bahay kaya umalis na din ako doon, sa manila nagtrabaho. Umuuwi lang ako kapag walang pasok at christmas break. Nakakastress kasi, noon pa silang ganyan. Bata palang ako. Sanay na ako, immune na nga kaso minsan talaga maasar ka na ewan, sino ba ang matutuwa sa ganyang relasyon meron ang mga magulang mo?
Ang communication nila kapag wala ako, dahil ako ang nagiging messenger nila ay ang cellphone. Magkatext sila sa loob ng iisang bahay. Nakakaloka, nakakabaliw.
"Diyan lang sa pagliko." turo ko kay Clade sa bahay namin ng mga magulang kong baliw. Nakarating na kami at ipinarada niya ang kotse sa harap ng bahay na may second floor. Naunang lumabas ang papa habang si mama ay pinagmamasdan si Clade na kasalukuyang tumitingin sa cellphone. Kanina ko pa nakikita ang pasulyap sulyap niya kay Clade, siguradong may nabubuong maling naiisip na 'yan, pati sa papa sa utak nilang kay hirap ispelingin.
Tumikhim si Mama kaya naitago ni Clade ang cellphone niya at nilingon si mama. "Clade diba?"
"Opo." ngumiti si Clade. Nginitian din ni mama ng pabalik. "Pasok ka muna sa loob. Wag kang mahiya ha?" nagpacute pa si mama kaya parang naloka ako. Talaga lang?
Tumango lang ng tumango si Clade hanggang lumabas ng kotse si Mama. Nagkatama ang mata namin ni Clade. "S-sorry sa nakita mo kanina. Ganon kasi talaga sila sa isa't isa. B-broken marriage,"
"It's okay. Im sorry too." aniya. I shrugged, "Halika na sa loob, nakatingin na ang papa ko." yaya ko dahil ang papa ko ay nasa may pintuan at nakabantay sa amin. Lumabas na kami ng kotse. Nauna kong pumasok sa loob ng bahay, naamoy ko kaagad ang pamilyar na amoy ng sala. Walang pinagbago, ganun pa din simula ng iniwan ko. May biglang humatak sa kamay ko, "Siya ba?"
"Ang ano?" tanong ko pabalik kay mama kasabay ng paghila niya sakin sa sofa. Kasunod niya sa upuan ay si Papa na di namalayang nakahawak siya sa braso ng asawa.
"Hoy stranger, pakitanggal ang kamay." paninita ni Mama ng di nililingon si papa. Napaangil naman si papa. "Magtigil ka na hanger, kausapin mo ang anak natin."
"Oo na, oo na. Tse." ani mama sabay irap. Napailing ako. Minsan ganyan sila, parinigan. Iyan ang endearments nila, stranger and hanger. Literal ang kay mama, kay papa naman ay iyon ang tawag niya sa asawa dahil panghampas sa kanya nito kapag nag-aaway sila.
Alam ko naman ang balak itanong ni mama. Kung boyfriend ko ba ang lalaking kasama ko, di kasi nila alam ang identity ng boyfriend ko sa maynila. Ayaw kong sabihin at di ko alam hanggang sa ngayon kung sino ang nagbalita sa kanila na meron nga akong boyfriend.
"So boyfriend mo ba 'nak?" pag-uulit niya. Hinampas pa ko sa balikat. "Ma naman eh!"
Mangungulit pa dapat sila ng bumukas ang pinto. Lumapit kaagad ako kay Clade na dala-dala ang mga gamit namin. Di naman kasi namin planong dito matulog! Tsk.
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
General FictionLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...