LITS: Facts and Questions

4.4K 41 8
                                    

Facts about LITS

- Sinulat ko ito dahil sa gusto kong makagawa ng story ng Two-timer hahaha! De, joke lang. Dapat ang story na 'to ay medyo SPG kaso di ko talaga keri kaya ayun, General fiction pa din pero dahil na lang sa may mga scenes tulad ng heavy scenes, betrayals, early pregnancy, scenes na may usapang ano, mga two timing na 'yan. Meaning matured scenes. At syempre, hindi na sila teens kaya nasa non-teen fiction. LOL

- Karamihan sa mga pangalan ng mga characters ay mga highschool classmates ko. Lalo ang Cyrish Mariella. Dalawang tao pinagsama ko para magawa ang pangalan ng bida.

- December 15 , totoong natapos ang story na 'to kaso sadyang may hinintay lang akong araw, which is December 25 para isakto doon ang chapter 13 (Obsessive Love) kung saan ang timeline din ay Pasko. Para the feels, hahaha.

- 2AM ako madalas matulog para lang makagawa ng mga chapters nito. Kaya pag umaga, bangag ang dating ko.

- Yung mga huling twist (kung twist nga ba 'yon) naisip ko na lang nung time na sinusulat ko na. Pinagtagpi tagpi ko lang at hindi sadya lahat ng connections ng mga characters. Ang story na 'to ay planado na mula nung una pa lang kaso hindi natupad dahil sa magulo kong utak. At satisfied naman ako sa kinalabasan dahil mas maganda kesa sa planadong plot ng story.

- Ang pinagbasehan ko ng face nila Clade at Cyrish ay ang mga bida ng Just my luck, movie. Tuwang tuwa kasi ko sa kanila dahil minsan ay may mga scenes na parang sila Clade at Cyrish, ang loveteam na nabuo lang sa isipan ko. Highly recommended, must watch movie kahit matagal na siya. 2006 pa ata ang year.

- about Wattpad books (Cydney) and The Mortal Instruments (Cyrish)

Ang adik talaga sa pag collect at pagbabasa ng Wattpad books at TMI ay AKO. Bibliophile. Wala talagang kamalay malay ang Aguilar sisters at naisip ko lang na gawin nilang hobby at favorites ang mga lovie doves kong books and stories. Especially, TMI. Clace forever ❤

- Clash, Clyde, Morisette and Claude.

My new babies! Clash for Clade and Cyrish. Morisette for Mariella and Marisella. Claude for Clade. Clyde for Clade and Cyrish. Soon magawan ko ng mga storya 'yan. Kapag natapos na lahat ng ongoings at on holds ko.

- Ang dapat na ending nito ay TRAGIC. Mamatay si Clade at magsisisi hanggang huli si Cy. Kaso naawa naman ako, mahal na mahal ko sila para pahirapan. At pati pala sarili ko, baka balde na ang iiyak ko. Bawat scenes na heavy scenes lalo na sa Christmas eve, hala, iniyakan ko lahat yan habang tina-type. Kapag di ako naiyak, it means walang kwenta pagkakasulat ko ng mga heavy scenes.

Ano pa ba? Ah, I will surely miss them all. All the characters I gave life on my mind. Sa bawat scenes, buhay na buhay sila sa akin. Minsan mukha kong tanga, pinagkakausap ko pa kung ano trip nilang gawin next scene. Syempre ako din sasagot. Yes, I'm weird. Crazy weirdo in a good way naman.

- At kaya ko ginawan si Lynne ng POV kasi may mga scenes na siya ang nandoon at involve kung saan walang alam ang ating bida. Siya ang parang pampalinaw ng mga HINDI natanong at nalaman ni Cyrish dahil sa ugali nitong hindi gaanong mausisa.

Questions:

Bakit hindi ko na lang nilagay o siningit sa story?

Nah, ayoko nga. Kasi challenge para sa akin ang walang changing of POV's ngayon. (bawat stories ko may challenge akong ginagawa) Gusto ko ang focus sa isang bida lang. Kanyang POV lang, kanyang side lang ang maririnig. Kaya ang nangyari, Special Chapter na lang si Lynne. 'La lang, kaartehan ko lang naman 'yun kaya 'was seryosohin haha.

Bakit ganong kadali iniwan ni Cy si Clade? Is his love is not enough?

His love was enough. It's just that so many problems and peer pressure that Cyrish cannot handle on her own. That's the main conflict, sa lahat ng pag prepare sa kanya para sa pagpapakasal kay Clade. She totally forget to readied herself-not physically but emotional. Yes, na prepare niya ang physical pero 'yung hina ng loob niya. Doon siya nadali ng mga scenes and problems that they encountered.

Sabi nila, kapag daw bago o hindi pa nakaka isang taon ang mag-asawa doon ang pinakamahirap. Kasi kailangang mag adjust ninyo sa isa't isa. Kahit na ilang taon kayong mag-on, iba pa din ang magkasama na sa bahay. Doon na makikita ang mga ugali o mga problema na dapat harapin. Doon na peer pressure si Cy. Sa sobrang dami ng kailangan niyang i-digest, sa dami ng life transitions na naganap. Hindi niya nagawang lunukin lahat. Hindi siya nakasunod sa agos ng buhay. Sa dami at patong patong na stress, pressure at problems. So sa aking gumawa sakanya, feeling ko naman ay napakalaking reason na non para gawin niya ang pag-iwan. Plus the fact, 'yung mga maling akala niya na mas dumagdag sa reasons ng pag-alis. The thing is the real opponent of Cyrish is her own self. Her mind and her heart. Ang hirap kalaban kapag ang sarili mo na, nakakapagod at nakakabaliw.

Oh yes, I almost forgot. May sumagi sa utak ko noon na gawin ko kayang baliw si Cy? Kasi sa lahat ng nangyari feeling ko mababaliw ako kapag sa'kin nangyari. HAHAHAHA! Pero isinantabi ko 'yon dahil pangit sa tingin ko ay walang patutunguhan ang kwento.

Ang problema hindi sinasarili, dahil kapag hindi mo sinabi sa partner mo ang problema, hindi kayo magkakaayos at lalaki lang ng lalaki ang problems. At kapag 'yan sumabog, boom hindi maganda ang kalalabasan.

'Yan din ang isa sa mga factors ng conflict. Sinarili nung isa, 'yung isa naman kinimkim lahat. Ayun ang nangyari nag-iwanan. Nawalan kasi ng communication which is needed in a relationship. Mapa anong relationship 'yan, kailangan ng communication to earn trust.

Bakit iniwan kung babalikan lang din pala niya?

Seriously? Hahaha! Ako nag imbento ng tanong na 'yan. Mahilig akong mangontra ng sarili ko. Yes, weird. Anyways, syempre pahinga din naman 'pag may time jusko! Need a break, men! Kung ang gamit nga nasisira din kapag madalas ginagamit ng walang tigil, tao pa kaya? Syempre she needed some fresh air. Kung ako man 'yon, lalayo muna ako. Ayokong mamatay in pain. At 'yung mabilis na pag-oo niya na bati na ulit sila. Hello, papademure pa ba? E'di humaba pa ng humaba ang storya. HAHAHAHA! JOKE LANG,

Kasi nga MAHAL PA DIN KASI NIYA! Kung 'yung iba nga naloko na at nahuli ng lantaran. Nagsorry lang okay na ulit sila pa ba? Bakit pa papatagalin kung oo din naman siyang makipagbalikan. E di sana ang pinatagal na lang nila ay ang pagsasama at pagbabalik ng dating sila. Ganong kasimple.

-

Request naman oh, comment kayo ng mga feels nyo sa una hanggang huling chapter. Kanino ka inis, natuwa, natawa, kinilig etc. Kaninong love team? Anong dapat i-improve ni writer. 'Yung mga ganon ba.

Huling request ko na, pagbigyan nyo na. Haha!

And, Thanks for reading this story

Also sa comments and votes. Thank you po ng sobra! Sana nagustuhan ninyo. Na appreciate ko ng sobra lahat ng feedbacks.

Next priority na story ko:

Most ambitious story so far, My Bewildered Heartbeat. General, fiction, Fantasy, Adventure and Romance. Medyo challenge para sa akin dahil Medieval Period. If you love King and Queens, Palace and all about other world like me, read this :) ang setting pa ay France and Scotland so ka excite isulat.

Academy of Bloodwood (Fantasy)

[ Special thanks kay @junekittylove13 for always sharing your thoughts and opinions. Voting and syempre, pagbabasa nito. Kaya ko natapos 'to ng maaga dahil nakakatuwa kang magcomment. 'Yung bawat notifs na comment nakakakaba tapos mapapangiti ka sa huli o matatawa. Basta ang cute. At kay ano pala, @artemiseos Thank you so much! ]

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon