Obsessive Love: Complication begins

3.8K 50 1
                                    

Chapter One: Complications begins

"You didn't asked my opinion." saad ko pagkapasok namin sa kwarto. I'm upset with his decision. Hindi niya ko tinanong kung ano ang nararamdaman ko. Kung ayaw ko ba o hindi. He just looked at me with pleased eyes then he said yes to his mother.

"Alam mo namang di ko siya matitiis. Afterall, ako lang ang kasama niya dito sa bahay mula pa noon."

Tinignan ko lang siya at dumiretso sa bathroom. Tinanggal ko ang earrings at nilapag sa sink. Di ako umimik ng sumunod siya sa'kin. Nakasandal siya sa pintuan habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

"Cyrish.." Naglakad siya papalapit sa'kin. I flinched when he touched my shoulder. "Saglit lang tayo dito. I promise."

"Don't make promises," tinanggal ko ang bracelet at nilapag din sa sink. Tinignan ko siya sa salamin. "If you didn't keep it."

Hindi niya kayang tiisin? Paano na ko? E'di kapag nagpa-extend ang mama niya ng pagstay ulit dito ay tutuparin na naman niya. Wala na. Dito na ko at habangbuhay mapressure sa mama niya. Masama ang loob ko ngayon. Di ko pa alam kung paano i-digest ang sinabi at ang totoong si Tita Karylle. Hindi na talaga ko masasanay na tawagin siyang mom. She only accept me in this family because of his son.

Lumayo ako at dumiretso sa closet room na connected sa bathroom. Kumuha ko ng nightgown sa cabinet at ipinalit sa suot ko. Bumalik na ko sa bathroom at nandoon pa din siyang nakatingin sa'kin. Ang mga mata niya ay malungkot sa kinikilos ko. Bigla akong nakaramdam ng guilt pero isinantabi ko muna. Lumabas na ko at dumiretso ng higa sa kama.

Napapagod na ko sa ngayon. I need myself to make rest. Kung ganitong may sama ng loob, pagod sa nangyayari ay makikipag usap ako sakanya. Walang mangyayari. Mag-aaway lang kami.

Nakaharap ako sa pwesto ni Clade. Walang pinagkaiba ang kwarto niya. Hindi nabago katulad ng kay Lynne. Siguro ay di pinagalaw ni Tita dahil alam niyang magagalit ang anak niya.

We used to be partners. Kailangan pag-usapan muna naming dalawa ang mga bagay bagay bago magdesisyon. Ngayon ang bilis lang nasira ng mga 'yon.

Narinig ko naman ang lagaslas ng shower at ilang sandali ay natigil na din ito. Pumikit na ko ng makaramdam ng antok at ang pagkarinig ng yapak ng paa ni Clade. Lumundo ang kama at naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa buhok ko.

"I'm sorry. Don't be mad, baby. We'll talk tommorrow. I knew your tired. Sleep tight." bulong niya at hinalikan ang noo ko. I rolled sideways against him, my soft cheek against his shoulder as I hugged him. Yeah right, tomorrow. Another day.

Sana pala di muna ko nagpumilit umuwi. Sana pala inihanda ko muna ang sarili ko sa mga ganito. Sana maibalik ang oras kung saan nasa Paris kami, ako at siya lang ang iniintindi ko sa mundo.

-

"Good morning, wake up sleepyhead." Hinalikan niya ko sa noo. I shrieked. Napatakip ako sa mukha ng tumama ang liwanag na nanggagaling sa bintana. Naupo ako mula sa pagkakahiga at nakita siyang may hawak na tray.

"Breakfast in bed." I mumbled. Ngumiti lang siya sa'kin at nilapag sa kama. Nagutom kaagad ako ng makita ang prinepare niya. Pancakes with chocolate syrup and strawberries. Bacon, eggs and toasted bread. Orange juice.

"Thank you." sabi ko habang kinukuha ang fork and spoon. Ngumiti ako sakanya at tumikim ng slice ng pancake.

"Bumabawi ka a," biro ko kasunod ng pag-inom ng juice. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nawala ang ngiti niya at kinabahan. Akala niya nakalimutan ko na? Yes my love, naalala ko pa din. Pero nawala na kahit papaano ang sama ng loob ko. May mali din ako sa nangyari. Dapat ako 'yung umintindi sakanya. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, baka iyon din ang gawin ko. Kahit kailan di ko ata matitiis ang kapamilya ko.

Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya. "Kumain ka na din ba?"

Nakakunot ang noo niya. I hissed. "Hindi pa. Kumain ka nga." Kumuha ko ng slice at itinapat sa bibig niya. Ang hilig magspoiled, pinababayaan naman ang sarili.

"I'm not upset anymore. 'Wag kang mag-alala. Magagalit lang ako kapag di ka pa kumain. You spoiled me so much." sabi ko at isinubo na niya ang pancake. I leaned forward to kissed him in the lips. I missed his kisses already.

"I missed you. Nalayo lang ako sayo ng kalahating araw pero parang ilang araw ang lumipas." pag-amin ko. Napakagat labi ako ng hinaplos niya ang pisngi ko.

"I'm sorry, baby. Di ko lang talaga matiis-"

"I understand. Ngayon ko lang din naisip na ganon din ang gagawin ko kung sa akin nangyari. I'm sorry too. Napagod lang siguro kahapon. Plus the pressure of the baby room." Napairap ako sa sinabi ko sa huli. He chuckled.

"Don't be pressure. Hindi naman kita hinahadali." Yeah, hindi nga ikaw. Ang mom mo naman ang naghahadali. Parang ganon lang kadali ang hinihiling.

-

"Hanky hanky.." bulong ko habang humahanap ng panyo sa closet. "Clade! Saan ang panyo dito?"

Hirap ng hindi pamilyar sa mga lalagyanan. Napakadami pa ng cabinets at drawer. Di ko alam kung saan maghahahanap. Kalalaking tao may closet room pa.

Pumasok siya sa closet room ng nagsusuot ng polong kulay dark blue. "Here." Binuksan niya ang drawer sa ibaba. Naupo ako para tignan, ang daming panyo.

"Sa Villafuerte company ka diba?" He asked while looking at the full length mirror. Tumango ako, "Sunduin mo na lang ako. Malapit lang naman ang pupuntahan mo diba?"

"Okay, bye. See you later." Lumapit siya sa'kin at yumuko para halikan ako. "I love you."

"I love you too." I whispered, nakadikit ang noo niya sa noo ko. I could feel his breath against my face.

Lumayo na siya at iniwan ako doon. Napakagat labi ako ng marinig ang pagsara ng pinto. Saan naman kaya pupunta ang isang 'yon?

Napailing na lang ako at humanap na ng panyo. May isang hanky doon na nagpapansin sa'kin. 'Yung handkerchief na pinahiram ko sakanya nung unang nagpunta kami sa Bulacan. Tinatago pa din pala niya. Dati palang pala head over heels na siya sa'kin. I grinned like an idiot at my thoughts

"Oh my Gosh!" bulalas ni Zyra ng dumating ako sa building ng Villafuerte. Sumakto pa na nasa reception sila nila Gerald at Jess.

Lumapit kaagad sila sa'kin at niyakap ako. "Look at yourself. Lalo kang gumanda!"

"Di naman Zyra. Grabe ka," ngumisi ako. Pinasadahan naman ni Jess ang suot ko. I'm wearing a leather skirt and nollie top. Dati nagsusuot na ko ng ganito kaya hindi na ko naaalangan.

Hinila nila ko paupo sa coffee table at doon nagkwentuhan. Madalas ay ako ang inuusisa nila. Kung ano ang ginawa namin sa Paris. Kung babalik na sa trabaho o hindi pa. Sa ngayon ay wala pa kong maisagot. Hindi pa namin napag-uusapan ni Clade.

"Ang dominant ng asawa mo."

Umiling ako kay Jess. "Hindi naman."

"Kung ganon naman kagwapo. Okay lang! Magpapaka submissive ako." Humagikgik si Zyra. Napanganga ko sa sinabi niya.

"Wag mo ng pansinin. Naluluka," bulong ni Gerald. Bigla siyang hinampas sa braso ni Zyra.

"Ano na namang binubulong mo diyan ha?" sinamaan niya ng tingin si Gerald. Ngumisi si Gerald at nangalumbabang tumingin sa'kin.

"Cyrish, pagbakasyunin mo naman kami sa resort."

Napataas ang kilay ko, "Saan? Anong resort?"

"Yung sa kasal mo. Binili pala ng asawa mo 'yon." sagot ni Jess. Napatikhim ako. Binili niya? Di ko alam. Anong binili?

"Di niya sinabi sayo?" takang tanong ni Gerald.

"Baka suprise." sagot ni Zyra.

Di ako umimik. Another secret of him, huh? Kababati lang namin tapos eto na naman.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon