Chapter Sixteen: The Naked Truth
Sa hindi inaaasahan
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sintaBa't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo
-Tadhana, Up Dharma Down
-Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig. "Ikaw 'yung babaeng kahalikan ni Rod noon?"
She nodded and open her eyes. "Yes, it was me."
Napatawa ko ng medyo alangan. Napapikit siya at pinagdikit ang mga kamay. "Do whatever you want. Sampalin mo ako o anupaman, tatangapin ko. I deserve it by the way. I betrayed you."
"Lynne, ano ka ba." sita ni Axel at hinawakan pa sa braso ito. "Baka mamaya itulak ka niyan at sabunutan. Delikado sa 'yo."
Naningkit ang mata ko at natawa ng napakalakas. Nanlaki ang mga mata nila at nagtaka sa reaksyon ko. Mga gaga ba sila?
"Ano bang akala ninyo sa akin brutal? Hindi pa rin nakakamove on?" tinuro ko pa ang sarili ko. Hindi sila umimik kaya tumikhim ako at tumigil kakatawa.
"Okay lang sa 'yo? Hindi ka man lang magwawala?" tanong ni Axel ng hindi makapaniwala. Para namang napakabitch ko kung ganoon.
"No! Ba't naman ako magwawala aber? Ang tagal na niyan. Move on din kayo 'pag may time ha." biro ko nang hindi sila matawa ay nagserious mode na ako. "Alam ninyo ang tagal na niyan. Hindi sa hindi ko minahal si Rod pero ano pang rason para magalit ako? Nonsense na 'yan kasi ang tagal na nun pero wala na sa akin talaga. Ang weird nga kasi di ako nakaramdam ng galit kahit kakaunti. Siguro dahil tanggap ko namang hindi talaga kami para sa isa't isa. Idagdag mo pa na may asawa na ko at kung hindi dahil sa pakikipaghalikan mo kay Rod, baka ngayon hindi ako masaya katulad ng binigay ng kuya mo sa'kin. Yes, nasaktan pero gagawa kami ng bagong buhay. Kaya thankful pa nga ako at may relasyon na pala kayo nun."
"Akalain mo 'yon ha. True love." Side comment ni Axel. Pinandilatan ko ng mata si Axel ng biglang nalungkot ang buntis.
"Not really. I don't know, may Zyra siya." humina ang boses niya. Hinawakan ko ang kamay niya at piniga ito.
"Wag ka ng magkwento kung nahihirapan ka. Maiistress ka at maapektuhan ang baby mo." nasabi ko na lang dahil hindi ko magawang i- comfort siyang magiging okay sila ni Rod. Ang hirap kasi ng kalagayan nila. Kung i-based sa sinabi ni Axel na mahal nung dalawa ang isa't isa. Naawa naman ako kay Zyra. Kung hindi dahil sa akin —ako kasi ang naging tulay nung dalawa. Malay ko bang may secret relationship ang dalawang 'to. Ang dapat sisihin si Rod! The nerve of that guy!
"No, sasabihin ko ang reason minus ang sa amin ni Rod. And then, bago pa kayo ni Clade ay may nangyari na sa company na nakawan. Tanda mo 'yung bago ka umalis na may nakawan? 'Yung tumunog ang phone mo, doon na 'yun. At doon na involve si Ivy ni Axel,"
"She's not mine." Axel corrected.
"Atleast may nagawa siyang tama sa 'yo kahit niloko ka. Naging lalaki ka naman." sagot ni Lynne. Tumango tango si Axel at sumagot. "Lalaki naman talaga ko, hindi nyo lang napapansin."
"At dahil nga may nawawalang pera sa kompanya. Ako ang naghanap at-"
"Nagpakadetective Conan ang gaga. Siya tuloy ang nadali." Napailing pa si Axel.
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
General FictionLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...