Chapter Twelve: Changes and assurance
"Je ne peux pas partir sans vous." He whispered in my ears. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Anong ibig sabihin non?"
He kissed the tip of my nose, "Di ko sasabihin."
Napairap ako sa kaartehan niya. Palagi niyang sinasabi 'yon, di ko naman alam ang meaning. May isa pa siyang sinasabi na napakahaba, di ko lang matandaan.
"Ano nga?" pangungulit ko pa. Hinalikan lang niya ang ulo ko at tumingin na sa bintana. I sighed. Wala talagang balak sabihin?
Kinuha ko ang kamay niya at pinaglaruan. "Clade, I want to know. Please?"
"I can't leave without you."
Napataas kilay ako, binalingan ko siyang nakasandal ang ulo. Nakatitig siya sa'kin, pinag-aaralan ang reaksyon ko.
"Ano nga 'yung meaning? Kulit mo naman."
Pinagsalikop niya ang kamay namin at inulit ulit ang sinabi. "I can't leave without you. That's it."
Napauwang ang labi ko. Di ko na inisip na makikita ng driver ang gagawin ko, basta ang nararamdaman ko ngayon ay naiiyak ako. Naiiyak dahil sa kasiyahan na mahal na mahal ako ng lalaking pinakasalan ko. I'm so thankful for being with him. I'm blessed.
I put my arms around his neck and gently brushed my lip in his. Hinila niya ko paupo sa kandungan niya. Kinurot niya pa ang tagiliran ko ng lumalim ang halik. Natigil lang kami ng tumikhim ang driver at nakahinto na ang kotse.
Namula ko sa kahihiyan ng sinabi ng driver na nasa bahay na kami nila Clade. Tumingin na lang ako sa bintana habang kinakausap ni Clade ang driver. Nagpasalamat ako at tinted ang sasakyan dahil naghihintay sila Tita Karylle at Lynne sa paglabas namin. Mas nakakahiya at baka magpakain na ko sa lupa kung makikita pa nilang naghahalikan kami ni Clade sa loob ng kotse.
"Halika na?" Napatingin ako kay Clade. Wala na sa unahan ang driver. Huminga ko ng malalim at tumango.
Hinawakan ni Clade ang kamay ko at piniga ito. "Hey, don't be nervous. I'm here." sabay ngiti.
Parang umurong ang dila ko at tanging tango at ngiti na lang ang naisagot. Binuksan niya ang pinto at una siyang lumabas. Narinig ko kaagad ang pagtawag ni Tita Karylle sa anak.
"Cyrish," pagtawag ni Clade. Tumango ako at tinanggap ang kamay niya. Nang makalabas ay ang pamilyar na boses kaagad ni Lynne ang sumalubong.
"Cyrish!" tumakbo siya papalapit sakin habang si Clade ay isinasara ang pinto ng kotse. Inipit ko sa likod ng tenga ang nakasagabal na buhok sa mukha ko. Ngunit nakatingin ako kay Lynne na sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ngayon ng pink midriff top at pencil skirt.
Binalingan niya si Tita Karylle na nakangiti sa akin. "I told you, Ma. She's not.'
Umirap si Tita Karylle sa anak at bumeso sa'kin. "Okay you won, Alliah. Kunin mo mamaya sa akin ang susi."
Napalakpak si Lynne sa kasiyahan. Di talaga ko sanay tinatawag siyang Alliah. Ganon din kay Clade bilang Rusell. May mga bagay atang kahit kelan ay hindi ako masasanay.
"Rusell, sumunod na kayo sa loob. Mainit dito sa labas." Sabi ni Tita habang itinuturo sa maids ang mga gamit namin ni Clade. Nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay, naiwan kaming tatlo.
"You look radiant, Cy. Pinapasaya ka ni Clade masyado." Ngumisi si Lynne. Clade snorted.
"Shut up, Alliah."
"Whatever, Clade. Pahiram muna ng asawa mo. You selfish bastard!" Hinigit ako ni Lynne palayo sa asawa kong nanganga sa sinabi ng kapatid. Kung magsalitaan, parang di magkapatid.
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
General FictionLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...