Aftermath: Our Angel

5.7K 73 1
                                    

Chapter Four: Our Angel

"You're finally laughing. At last, bumabalik ka na din sa dating ikaw." sita ni Jess sa akin ng nakitawa ako sa biro ni Gerald. Nangiti na lang ako. No more doubts and regrets on my heart. Wala na kong dinadala na napakabigat kaya ano pa ang rason para hindi ako maging masaya?

"Nga pala, pasalubong naman dyan." Siniko pa ako ni Axel. Ang bi talagang 'to! Hilig sa libre.

"Oo nga, kahit t-shirt lang na may tatak ng Boracay." Nagtaas baba ang kilay ni Gerald. Hindi ako nakasagot dahil dumating si Lynne dala ang baby cart. May nakasunod pa sakanyang driver na pinapayungan siya laban sa init.

Pinaupo namin siya sa kabilang silya sa tabi ko at nagthanks siya sa driver na naghatid. Nasa labas kami ng coffeeshop nakatambay dahil puno na sa loob. Maraming mahilig magkape sa panahon ngayon.

"Naks! Ganda ng entrance mo, mars! Yayamanin!" biro ni Jess. Kaya 'mars' ay dahil kumare sa binyag ni Claude. Ayaw daw nila ng kumare dahil pang matanda.

"Luka, maganda lang talaga ko kaya pinagtinginan." biro pabalik ni Lynne at maarteng tinawag ang napadaang waiter para umorder siya. Napapalakpak si Axel at nagkatawanan kami.

"Tignan nyo! Ang lakas maka-doña!" halakhak ni Jess. Napangiwi na lang si Lynne at binaling saglit ang atensyon sa anak na mahimbing na natutulog sa baby cart.

"Mayaman naman kasi talaga. Kaya nga ang Rod nasa trabaho. Gustong higitan ang kayamanan ni Doña Alliah para ng sa ganon ay maikasal na sila at payagan ni Madam Karylle at Doñ Russell." sabay tawa ni Axel sa sinabi. Napailing ako ng natatawa dahil hindi naman totoo. Sadyang ayaw lang nung dalawang magpakasakal pa. Hindi ko alam kung bakit, kung sino ang may ayaw.

"Puro kayo kalokohan. Sa bahay ako na nga ang punterya ng magaling kong kapatid. Pati ba naman dito?" napasandal siya sa upuan na tila napapagod. "My gosh. Let me rest. Nakakastress kaya."

Nagtawanan lang kami at sa akin na naman napasa ang usapan. Lahat sila ay naglista sa tissue ng coffeeshop kung ano ang gustong ipauwi. Nakaanim din akong tissue. Sa lahat ba naman ng pagsusulatan, sa tissue pa! Bigla tuloy akong naalala, ito nga pala ang coffeeshop na madalas naming puntahan ni Clade nung friends palang kami. Napangiti ako. Sometimes it's great to reminisce. The good memories, syempre.

-

Nagbakasyon kami ni Clade sa Bora ng dalawang linggo. We need to rejuvenate so we did. We both enjoyed.

Bago umuwi ay namili kami ng pasalubong. Sa dami ng mga kaibigan at kapamilyang gustong magpauwi ay inabot kami ng hapon sa kakapamili. Syempre, ayoko naman ng simpleng pasalubong lang. Dapat nga ay sasama sila, kapag sila na ang nasabi ko. It means kasama ang pamilya ko, pamilya ni Clade at ang mga kaibigan naming mga baliw. Hindi naman big deal sa amin ang pagsama nila, mas masaya pa nga kung sakali. Ang problema lang ay may mga kanya-kanyang pasok sa trabaho. So malas nila. Libre pa naman dapat ni Clade.

"We're home!" sigaw ko ng makarating sa main door ng bahay na nakabukas. Nagtatakbo naman si Lynne at bineso ako.

"Yes! You're here na din! Nabili mo ba ang pinabili ko?" tanong niya. Tumango ako kaya napangisi siya at hinampas sa dibdib si Rod na kadadating lang. Napahawak naman ito sa dibdib niya, nasaktan!

"Ano na naman 'yan?" tanong ni Rod, pabalik balik ang tingin sa amin ni Lynne.

"Wala. Hindi mo na kailangang malaman." she grunted. Nawala sa mood ng may humawak sa bewang ko at hinila na palayo si Rod.

"Get rest." Clade whispered. Nilingon ko siya at pinisil ang ilong. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bossy."

Nagtatakbo na ko papuntang hagdan. Kita sa mukha ni Clade ang pag-aalala. Tumawa ako ng hinabol niya ko paakyat. OA much.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon