Special Chapter (3)

2.7K 137 19
                                    

DALE

Sabi nila, walang sikretong hindi mabubunyag. Sabi ko naman, depende na lang kung gaano ka kagaling magtago ng sikreto.

There are secrets that were better not to unfold. They should be hidden from the depths to keep everyone safe and to keep her happy.

Nakakatuwang panoorin ang kapatid ko kasama ang pamilya n'ya. She's sitting on a blanket with her two year old babies. At nakasakay naman si Shaun sa balikat ni Sho.

Bilib din talaga ako sa animal na 'to e. Magdadalawang taon pa lang silang kasal pero ayan at nakadalawa agad.

Pasalamat s'ya at cute ang mga bata dahil kung hindi ay baka sinapak ko s'ya. My sister had a hard time delivering to their twins. Nahimatay pa nga ang gago nang malamang kambal ang anak n'ya. Kung hindi lang magagalit ang kapatid ko ay baka iniwan ko s'ya sa labas ng delivery room at hinayaang daan-daanan ng mga stretcher.

"Hi, Tito Dale!" bati ni Miguel, panganay nina Lysa at Migo.

Natatawa ako habang pinagmamasdan ang pagtalbog n'ya palapit sa akin.

"Hey, boy!" I shuffled his hair. "How are you?"

"Better, Tito!" He leaned at me to whisper something. "I'm gonna have a baby sister soon."

"That's a good news, boy!" Nag-apir kami bago s'ya tumakbo papunta kina Sho. Napailing ako. Third year college pa lang si Lysa ng mabuntis ni Migo. Isa pang animal na nakalimutang gumamit ng condom.

Tsk. Buti na lang at malusog si Miguel dahil baka matikman n'ya ang kapangyarihan ko 'pag nagkataon.

"Tito Dale!"

At nandito na ang anak ng mga kaibigan nila. Tumatakbo sila papunta sa 'kin na para bang ako ang magulang nila. Napasimangot ako sa isiping 'yon.

Si Aneth na tatlong taon pa lang at nag-iisang anak nina Dana at Clent. Sina Angelique at Angela na apat na taon pa lang at kambal nina Angelo at Michonne. Ang anak nina Rowena at George na si Georgina na dalawa't kalahating taon pa lang. Si Andrew na tatlong taon pa lang at panganay nina Andrei at Faye. At ang isa pang animal na si John Dale na may anak na rin, si Maril na apat na taon pa lang.

Akala n'yo ba'y matitino ang mga 'to? Nagkakamali kayo. Mga gumawa sila ng baby kahit hindi pa kasal at hindi pa tapos mag-aral!

One night stand ang nangyari kina Andrei at John Dale pero ngayo'y kasal na naman sila sa nanay ng anak nila.

Mabuti na lang din at galing sila sa mayayaman na pamilya kaya hindi problema ang maagang pag-aasawa.

"Namiss ka ng mga bata." puna ni Mommy matapos akong dumugin ng mga magaganda at gwapong bulilit. "Bakit kasi ngayon ka lang nagpakita?"

"Mom, I'm doing something very important." Inakbayan ko s'ya.

"At dahil d'yan ay nakakalimutan mo ng bigyan ako ng apo."

"Mom naman." Ngumuso ako pero kinurot lang n'ya ako. "Ang dami mo ng apo e. Dadagdagan ko pa ba?"

"Ewan ko sa 'yo. Basta, gusto ko ng apo mula sa 'yo, Dale ha." Inirapan n'ya ako. "Daig ka pa ng kapatid mo, nakatatlo na at parating pa."

"Ano, mommy?! Buntis na naman ang kapatid ko?!" Magkasalubong na ang kilay ko. "Malilintikan talaga sa 'kin ang animal na 'yon!"

"Magtigil ka nga!" Binatukan n'ya ako. "Hindi pa buntis ang kapatid mo pero masyado pa silang bata ni Sho kaya makakagawa pa ng kasunod."

"Mommy!" May mariing pagtutol sa boses ko. "My sister is not a pig!"

"Tantanan mo ako sa kadramahan mo, Kuya."

"Alesia naman."

"D'yan nga muna kayong magkapatid. Kausapin mo nga 'yang kuya mo at ng tumino naman." Iniwan na kami ni mommy.

"Bakit ngayon ka lang, Kuya?" Yumakap s'ya sa 'kin.

"May ginagawa ako e." sagot ko at kinurot naman n'ya ako. "Aray naman, Sia ah! Hindi ka ba marunong mag-nail cutter?!"

"Ano ako? Bata?"

"Oo, nakakabatang kapatid."

"So corny, kuya. Pero ano ba ang ginagawa mo at palagi kang wala? Susulpot ka lang kapag may okasyon e."

Totoo 'yon. Dalawang buwan matapos ang zombreak ay umalis na ako at bumabalik lang kapag may ganitong okasyon.

"Naghahanap ng aanakan."

"Kuya!"

"Sinagot ko lang ang tanong mo."

Nakayakap pa rin s'ya sa akin at ako naman ay nakaakbay sa kanya. Natahimik kami ng ilang segundo.

"Kuya, hindi na kita maramdaman. Hindi ko maramdaman kung nasa panganib ka o kung nasasaktan ka. Parang…nawawala 'yong bond natin?"

Napalunok ako at pinakalma ang sarili.

"Nararamdaman mo lang 'yan kasi lumalayo ako. Saka 'wag mo akong isipin masyado, intindihin mo ang mga bata." Sinuklay ko ang kapatid n'ya. "May bond man o wala, magkapatid pa rin naman tayo."

"Pero 'yon ang tanging bagay na nagpaparamdam sa 'kin kapag nanganganib ka at kailangan ng tulong." Umiyak s'ya na ikinagulat ko. "Yon lang kasi ang inaasahan ko para masigurong buhay ka pa."

"Aw, my baby is crying. Don't worry about Kuya too much. Mas alalahanin mo ang sarili mo dahil balak yata ng asawa mong gawin kang palahian." Pinunasan ko ang luha n'ya. "Wala kang dapat ipagalala sa 'kin kasi kaya ko ang sarili ko. I have my power with me at wala naman ng kukuha sa atin diba?"

Natapos ang pag-uusap na 'yon na hindi sa kuntento. Kahit nagkakasiyahan na ay panay pa rin ang sulyap sa 'kin na para akong mawawala anumang oras.

I'm sorry that I have to keep everything from you. Gagalingan ko lang ang pagtatago ng mga ito para hindi mo malaman agad. Someday, you'll find out these secrets at alam mo na rin ang mga dapat gawin.

Inihahanda ko na ang lahat para hindi ka na mahirapan. Your battle with the zombreak may be ended but your war as one of the vessels is just getting started.

And I'll do my best to help you win again. Even if it cost my life.

~*~

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon