Special Chapter (1)

3.5K 124 1
                                    

ALESIA

"Kingina, Sho! Magtigil ka nga!" suway ko.

Tumigil na sa pagsabog ang Sitio Seven at nasa border na kami ng magsimulang bumigay ang tulay. Maging ang kalahati ng kagubatan ay lumubog din. Madaling-araw na pero hindi pa rin kami umaalis dito. Ayaw kong umalis hangga't hindi nawawala ang buong lugar.

"Baka kasi nahihilo ka pa---"

"Hindi na nga!" angil ko sa kakulitan n'ya. Ganyan s'ya kapag kaming dalawa na lang ang magkasama. Tumalikod na ako at naglakad na. Sumunod naman s'ya sa 'kin.

Gusto n'ya akong buhatin kahit hindi na naman kailangan. Natutunan ko ng kontrolin ang abilidad ko sa pinakamalakas na kaya nito kasabay ng itinurok sa akin ni Mommy noon.

"I'm worried..." mahinang wika n'ya at tumingin sa 'kin. "Kahit kasama na kita ngayon, nag-aalala pa rin ako."

Bumilis ang tibok ng puso ko kaya nag-iwas ng tingin sa kanya. Mabuti na lang at madilim-dilim pa kaya hindi n'ya makikita ang pamumula ng mukha ko.

"Wala ka naman kasing dapat ipag-alala." sabi ko at nilingon ang dagat. Kalmado ito tulad ng nararamdaman ko. Masaya na ako na wala na ang Sitio Seven. Kampante na akong mamumuhay ng walang humahabol sa 'kin.

"Pagdating sa 'yo, hindi ko maiwasan." wika n'ya. "Hindi ka sanay magpakita ng nararamdaman at namimisinterpret ka dahil do'n."

"Anong pinupunto mo?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap s'ya. Ganoon din s'ya sa 'kin.

"Hindi ka madaling basahin." Unti-unti s'yang humakbang palapit sa 'kin at hindi naman ako umatras. "Alam mo bang kakaiba ka sa lahat?"

"Alam ko. Normal kayo, ako hindi." Inirapan ko s'ya para maitago ang kaba sa dibdib ko.

Ngumiti lang s'ya at kinuha ang kamay ko. Inilagay n'ya 'yon sa tapat ng puso n'ya. Ramdam ko ang mabilis na tibok no'n na kasabay ng akin.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Ngumiti s'ya na nakapagpalambot ng tuhod at puso ko. Abot iyon sa mga mata n'ya na parang ako lang ang nakikita. "Ikaw lang ang kaisa-isang babae na kaya akong baliwin ng ganito."

A-ano? Napaawang ang labi ko at hindi ako nakapagsalita lalo na ng lumuhod s'ya sa harapan ko. Hawak n'ya ang dalawang kamay ko.

"Alam kong bata pa tayo para rito pero---"

"Diretsahin mo na lang ako." seryosong wika ko at kinagat ang dila para pigilan ang pagtawa. Bahagya s'yang sumimangot at ngumuso.

"Can you be my baby girl?"

"Pag-iisipan ko."

"Tss. Si Kuya na ulit ang gusto mo." Ngumuso s'ya at tumayo na. Nagsimula na rin s'yang maglakad at parang iiwan pa yata ako. Napatawa ako sa inaasta n'ya.

Tumakbo ako at hinabol s'ya. Agad akong sumakay sa likuran n'ya.

"Aw, selos ang baby boy ko."

"Tss." pagsusungit n'ya.

Bumaba ako sa likuran n'ya at pumunta sa harapan n'ya. Nagulat ako ng makitang umiiyak s'ya. Nakonsensya ako agad. Bumuntong-hininga ako at niyakap s'ya.

"Nagustuhan ko ang kapatid mo---"

"Pakialam ko!"

Tumingala ako at mas hinigpitan ang yakap sa kanya. "Nagustuhan ko man ang kapatid mo pero ikaw lang ang minahal ko ng ganito. And yes, I can be your baby girl, baby boy."

Inilayo n'ya ako sa kanya at tinitigan. Hindi s'ya nagsasalita at nakatitig lang.

"Kung nagdududa ka ay papa---" naputol ang sasabihin ko ng halikan n'ya ako. Marahan 'yon at puno ng pag-iingat. Ramdam ko ang pagmamahal n'ya sa halik na 'yon.

"Mahal kita." Ipinagdikit n'ya ang mga noo namin.

Ako naman ay naluluha habang nakatitig sa kanya. "Mahal din kita."

Saglit na idinampi n'ya ang mga labi sa 'kin. Ramdam ko ang ngiti sa mga 'yon. Nagulat ako ng buhatin n'ya ako.

"Ayokong mapagod ang girlfriend ko." wika n'ya na may matamis na ngiti sa labi.

"Sure ka? Malayo-layo pa ang lalakarin natin."

"I'm sure, baby girl. Have some rest."

Dahil sa sinabi n'ya ay naramdaman ko na ang pagod ko.

"I love you." 'Yon ang huling sinabi ko bago magpakain sa antok.

"SINO kayo?" boses ni Sho ang narinig ko.

Nagmulat ako ng mga mata at hinayaang mag-adjust sa liwanag ang paningin. Nakita ko ang nakatalikod na si Sho at may kausap na dalawang babae.

Teka, babae?

Napabalikwas ako ng bangon at nakitang nasa loob na ako ng isang kotse. Sa backseat ako nakapwesto.

"Kaibigan n'ya kami." sagot ng pamilyar na boses ng isang babae. Si Yui!

Agad akong lumabas at akmang sasabunutan ang dalawa ng pareho nilang mahuli ang mga kamay ko.

"Oh, better luck next time, Lesia." pang-aasar ng isang babae. Si Ayen!

Ngumisi ako at pinakilos ang mga paa. Nagkaroon kami ng maliit na pag-aaway na agad ding natigil ng yakapin ako ni Sho. May yumakap din sa dalawang babae. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay na tumawa.

"I know them, Sho." nakangiting wika ko kaya pinakawalan n'ya ako. Sinugod naman ako ng yakap no'ng dalawa.

"We heard what happened." panimula ni Ayen.

Hinila nila akong dalawa sa isang mesang pabilog na may mga upuan. Nasa Barrio Nueve na pala kami. Walang nagtataasang building dito maliban sa Nueve Mall.

"What's your plan?" tanong ni Yui.

"Pahinga muna." makahulugang wika ko. "Ipagpapatuloy namin ang pag-aaral. At syempre, tuloy ang buhay."

Ilang oras din kaming nag-usap para alamin ang kwento ng isa't isa. Ang mga lalaki naman ay ganoon din.

"Anyway, namiss ko talaga kayong dalawa pero kailangan na naming umalis." wika ko. "Kailangan ko pang maligo."

Tinawanan nila akong dalawa bago sumang-ayon. Doon lang din namin naisipang ipakilala ang mga lalaking kasama namin.

"Si Sho, boyfriend ko."

"Boyfriend o fiance?" taas ang kilay na tanong ni Ayen habang nakatingin sa kamay ko. Tiningnan ko rin at nakita ang isang singsing.

"Engage na kayo?" tanong ni Yui.

"Not yet." sagot ni Sho. "Its just a promise ring. A promise that I will fulfill soon."

"Congrats!" wika no'ng dalawang lalaki na tinapik pa ang balikat ni Sho. Napailing ako at napangiti.

Parang engagement ring na rin.

Kaunting paalaman pa bago kami maghiwa-hiwalay. Nirentahan pala ni Sho ang kotse at ito ang gagamitin namin para puntahan sina Dale.

"Let's go, baby girl. We're going home."

~*~

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon