ALESIA
MY battle as one of the vessels hasn't started yet. Pero heto ako at may ibang labang inaasikaso.
"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ni Sho.
"Hindi pa. Ala una pa lang kaya ng madaling-araw." Napataas ang sulok ng labi ko. "Bakit? Pagod ka na?"
He just groaned and pulled me for a deep kiss. Madali lang 'yon dahil nasa ibabaw n'ya ako.
"Joke lang, Sho." Natatawang gumulong ako pahiga sa kanya. Napangiwi rin nang may kumirot sa akin. "Masakit pa rin, baby boy."
"Kasalanan mo. Ang hilig mong halayin ako." Ngumuso s'ya at niyakap ako sa ilalim ng kumot.
"Wow. Ngayon ka pa nagreklamo ha?" Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Kung kailan may kambal ka na, may Shaun ka pa?"
"Yong ibang babae nagrereklamo kasi mahirap manganak tapos ikaw naman ay heto at ikaw pa talaga ang nanghahalay." Biglang sumama ang tingin n'ya sa akin. "Saan mo natutunan 'yan? Nanonood ka ba?"
"Hindi a. Pinag-aralan natin sa science 'yan. Hindi man direkta pero ganoon na rin 'yon." Pinisil ko ang ilong n'ya. "Pero pwede rin naman tayong manood."
Itinaas-baba ko ang mga kilay na ikinaangil n'ya na naman.
"You're a seductress, baby girl."
"Sa 'yo lang, baby boy. Sa 'yo lang." Natatawang kinindatan ko s'ya at hinawakan ang kumot sa dibdib. "Nasaan ba 'yong damit mo? Kunin mo nga."
Dahil nasa gilid lang 'yon ng kama ay hindi na n'ya kinailangan pang tumayo. Nang maiabot n'ya ay agad ko 'yong isinuot. Napalingon ako sa may bintana nang makarinig ng kaluskos. Hinawakan ko ang kamay ni Sho at nagsulat sa palad n'ya. Walang ingay na nagsuot s'ya ng pang-ibaba at ganoon din ako.
"I'll go to the twin's room." bulong n'ya na tinanguan ko.
Kinuha ko sa ilalim ng unan ang baril na nakuha ko noon sa doktor. Nasa akin pa rin ito at gumagana pa naman. Ganoon din ang espada na nasa ilalim ng kama namin. Ibinigay ko kay Sho ang baril at sa akin ang espada.
Sabay kaming lumabas ng kwarto ngunit magkaiba ng direksyong tinahak. S'ya ay papunta sa kwarto ng kambal at ako naman ay pababa ng hagdan.
I saw four silhouettes moving from one place to another. Magkakahiwalay sila kaya nalilito ako. Napabuga ako ng hangin at ipinitik ang daliri pero walang nangyari. Napasimangot ako at dahil doon ay kilala ko na kung sino ang mga pangahas sa oras na 'to.
"Yui, Ayen, lumabas na kayo." bagot na wika ko at binuksan ang mga ilaw. Tumambad sa akin ang dalawang babae at dalawang lalaki na nakaupo sa sofa. Prente lang 'yong dalawang babae pero nahihiya 'yong mga lalaki.
"Hi?" Si Yui na nakanguso at nagpapacute sa akin.
Bago ako makasagot ay sumulpot sa itaas ng hagdan si Sho na buhat ang kambal at si Shaun na nakahawak sa damit n'ya.
"Sorry?" Si Ayen na nakokonsensya ang mga mata ngunit hindi ang tono ng pananalita.
"Saglit lang." Napailing na lang ako at lumapit sa mag-aama ko. "They are my friends, baby boy. Ibalik mo na sila kwarto nila. May pag-uusap yata tayo."
Dapat lang na mayroon dahil ginambala nila kami. Yumuko ako kay Shaun.
"Still sleepy, baby?" I asked gently. He nodded, so, I carried him back to his room and sang a lullaby to make him fall asleep again. "I love you, baby."
Hinalikan ko s'ya sa noo bago lumabas ng kwarto. Sunod kong pinuntahan ang kwarto ng kambal na katabi lang ng kay Shaun. Nandoon pa si Sho na isinasayaw-sayaw si Aleia samantalang si Shone ay tulog na ulit. Apat na taong gulang pa lang ang kambal at pito na si Shaun. Tabing matulog ang kambal at kung madalas ay tinatabihan sila ni Shaun maliban sa gabing ito.
"Are they... that persons?" makahulugang tanong ni Sho.
"Yep. Sila rin ang nakilala mo noon sa Barrio Nueve." Nakangiting kinuha ko si Aleia sa kanya. "Mama is here, Leia."
Just like with Shaun, I sang a lullaby to make her sleep. Inihiga ko s'ya sa tabi ng kuya n'ya at pareho silang hinalikan sa noo.
"We love you both." Napangiti ako nang yakapin ni Shone si Aleia. Bata pa lang ay protective na s'ya sa bunso namin kahit madalas ay nag-aaway sila. Nakikita ko kami ni Dale sa mga anak ko.
"Should I come with you?"
"Oo naman. You're my husband, Sho. You're my other half. At ayaw ko ng magsikreto sa 'yo." Nakangiting ginulo ko ang buhok n'ya. "Baka iba na naman ang isipin mo e."
Napanguso s'ya na mas ikinatawa ko. Natatawa pa rin ako sa tuwing naaalala ko na naisip n'yang ipagpapalit at iiwanan ko s'ya. I love him and our children more than anything and I can do everything for them.
Bumaba na kami at nandoon pa rin sila na naghihintay. Kaunting pagpapakilala lang muna bago magseryoso ang awra naming mga babae.
"Our battle as the vessels will start sooner than we've been expecting."
***
So, lahat 'to ay lines na makikita sa The Vessels. NO PARTICULAR ORDER.
(Just sneak peeks for the upcoming THE VESSELS.)⬇️⤵️⬇️
"Secrets can ruin relationship."
"Hindi ka lang naglihim, you even erased the bond."
"Kill them, Alesia."
"Why do you keep doing things alone?"
"Thank you for bringing happiness to my life."
"Forgive and forget? I have my own definition for that."
"Hindi ko na kasalanan 'yan kapag namatay ka."
BINABASA MO ANG
ZOMBREAK
Science FictionVessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this two, then congratulations! You can definitely survive as long as you can Because as day one started...