Special Chapter (4)

2.6K 138 22
                                    

SHO

I WOKE up in the middle of the night when I felt her freeing herself from my embrace. Nagpanggap akong tulog ngunit nakikiramdam.

Apat na taon na ang kambal kaya hiwalay na sila sa amin ng kwarto. Maging si Shaun na pitong taong gulang na ay may sarili na ring kwarto. Ngunit madalas ay sa kwarto ng kambal ito natutulog. Wala rin namang umiiyak sa mga bata kaya nakakapagtaka ang napapadalas na pagbangon niya ng ganitong oras. This wasn't the first time that she did this pero ito ang unang pagkakataon na hindi ko na matiis ang mga pagbangon niya. Ito na ang pang-anim na gabing ginagawa niya ito.

"Hmm-mm..." She hummed as if she's talking to someone.

Pakiramdam ko tuloy sa mga sandaling ito ay hindi sci-fi ang genre namin kundi horror. Dahil sa banyo ko narinig ang boses niya ay nagkaroon ako ng pagkakataong magmulat. Wala naman akong nakitang kahina-hinala maliban sa ikinikilos niya.

"Not yet... I'm doing that. Yeah."

Maingat na kinapa ko ang cellphone niya sa bedside table pero nandoon iyon. Sino ang kausap niya at paano niya nakakausap 'yon kung nandito ang cellphone niya?

"Why would I leave him?" Bigla ay tumaas ang boses niya.

Napahiga ako ng maayos. Nakaramdam ako ng kaba at takot sa narinig. Naririnig ko ang pagkabog ng puso ko. Mariing ipinikit ko ang mga mata.

I'm not the one that she's referring to. Hindi ako 'yon.

"Do you think leaving my husband is the answer?" iritadong wika niya.

Nangilid ang luha ko. Please, Sho. Don't conclude things. Hear her out first.

"Yeah. I will." malamig na wika niya na mas ikinasakit ng puso ko.

She'll leave me? Nagsawa na ba siya sa akin? Am I not enough?

Tumalikod ako sa pwesto niya para hindi niya mahalatang umiiyak ako. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng banyo. Naramdaman ko rin ang muling paghiga niya sa aking tabi at mas naiiyak lang ako nang yakapin niya ako.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag-iyak at pagdadasal na sana'y wag niya akong iwan.

Nagising ako sa mumunting halik sa buong mukha ko. I opened my eyes and saw my beautiful wife smiling widely at me.

"Good morning." She greeted.

Hindi ko nagawang sumagot at pinagmasdan lang ang buong mukha niya. This is the girl that I loved from afar. She's the lady who taught me things when zombreak happened. The woman who made my life complete. Alesia Montes-Del Madrid is my wife and she vowed that she's mine even in the afterlife. But what if she fall out of love?

"Mahal na mahal kita." I caressed her cheeks while looking at her straight in the eyes.

She didn't answer and it pained me more. Nakatingin lang siya sa akin at pinapanood ang mukha ko. Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo bago bumangon. Pagpasok ko sa banyo ay agad akong dumiretso sa shower. I let myself cry under the water.

"Don't conclude things, Sho. Mag-usap muna kayo." sagot ni Dana matapos kong ikwento ang nangyari. Si Clent lang talaga ang kakausapin ko dahil matino 'yon kaya lang ay hindi ko inaasahang si Dana ang magbubukas ng pintuan sa akin.

Sa Japan na namin piniling manirahan kahit na may mga asawa at anak na kami. Hindi rin nagkakalayo ang mga bahay namin.

"She's right, pre. Alam mo naman si Alesia, marami siyang nagagawa na hindi natin inaasahan. At sa tingin ko ay hindi kasama roon ang iwan ka, kayo. Tatlo kaya ang anak n'yo at mga bata pa." Inabutan ako ng Clent ng tubig bago maupo sa tabi ni Dana.

"Tss."

Namilog ang mga mata namin nang marinig ang boses na 'yon. Nakita namin si Alesia na nakatayo at nakasandal sa railings ng hagdanan. Masama ang tingin niya sa akin habang mabagal na naglalakad.

"So, kaya ka nanlalamig sa akin, Del Madrid?"

Napalunok ako sa kaba at nag-iwas lang ng tingin. Pagkatapos kong maligo ay hindi na ako nag-agahan pa. Hindi rin ako nagpaalam sa kanya na aalis ako. At hindi na rin ako nagtataka kung paano niya nalamang nandirito ako.

"Ah, Alesia---" Naputol ang sasabihin ni Clent nang samaan siya ng tingin nito.

"Hey! Don't look at my husband like that!" suway naman ni Dana.

"Pwede bang umalis muna kayo? Kakausapin ko lang ang asawa ko." wika niya na para bang kami ang nagmamay-ari ng bahay na 'to.

Kaysa makipagtalo ay sumunod na lang ang dalawa. Tinapunan pa ni Dana ng masamang tingin si Alesia. Nakaramdam ako ng kilig sa sinabi niya pero kailangan ko munang rendahan ang sarili. Kailangan muna naming mag-usap bago ko itapon ang sarili sa kanya.

"Sa bahay na lang tayo, mag-usap." Tumayo ako at naglakad na palabas.

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. Malapit lang ang bahay namin at nakakapagtakang tahimik ito ngayon.

"Naglalaro sila kina Mich."

Hindi ako nagsalita at dumiretso sa kwarto namin. Kinakabahan ako sa mga pwede niyang sabihin pero kailangan ko 'yong malaman. Naupo ako sa gilid ng kama at pinanood siyang isara ang pinto.

"Do you still love me enough to stay with me?" diretsahang tanong ko.

"Yes." mabilis na sagot niya. Kumunot ang kanyang noo at naupo sa tabi ko. "Ano bang nangyayari sa 'yo para maisip mong iiwan kita?"

She cupped my face and made me looked at her. She's reading the emotion in my eyes.

"Narinig mo ako kagabi." It wasn't a question. Siguradong-sigurado siya sa sinabi. "Aw, my baby boy is so cute."

She chuckled and pinched my both cheeks. Natigil lang 'yon nang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bumuntong-hininga siya.

"Sho, isa lang 'yong suhestyon na...pinag-iisipan ko." Tipid siyang ngumiti at pinunasan ang mga luha ko. "Pero hindi kita iiwan dahil sa dahilang iniisip mo."

Hindi ako nagsalita kahit gusto kong magtanong. Gusto kong kusa niyang ipaliwanag sa akin ang dapat kong maintindihan.

"Sho, mahal kita, okay? At hinding-hindi ako mafa-fall out of love sa 'yo." Pinisil niya ang ilong ko at bumuntong-hininga. "Pero...ibang usapan na 'to, Sho. Masyado itong seryoso at delikado. Kung aalis ako ay kailangang maiwan ka para sa mga anak natin."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Ang zombreak ay hindi ang huling laban ko, Sho. Dahil magsisimula pa lang ito. At...hindi kita maaaring isama dahil hindi ko alam, hindi namin alam, kung makakabalik pa kami."

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon