23: Kingdom of Draco

776 54 51
                                    

"Wala naman sainyo ang may sugat diba?"

Nilingon namin si Radu na ngayon ay hindi mapakali sa inuupuang oversized chair na kulay pula. Habang ako ay nakahiga sa malaki niyang kama katabi ang isang natutulog na Arius na naka dragon form, sina Tartarus at Killian naman ay nasa bandang bintana. Yung isa, nakaupo mismo sa pasimano ng bintana habang yung demonyo naman ay nakatayong umiinom ng alak. Si Kaimana ay nakaupo sa harapan ng salamin, hindi parin tapos sa paghahanap ng mga alahas na babagay ngayon sa suot niya. Nakaupo sa harapan ni Radu at kumakain ng ubas si Day. Si Vlad, hindi ko alam kung bakit nakatayo ng parang guard sa pintuan.

Hinaplos haplos ko ang mainit at magaspang na likod ni Arius. Pagod sa hindi ko alam na dahilan. Pagdating kasi namin dito sa Draco, humiga kaagad ito sa kama at natulog. "Wala ako" ika ko kay Radu sabay tingin naman sa katawan ni Arius. "Wala 'din si Arius"

Everyone was suddenly checking their bodies as if they, themselves weren't aware of their own injuries and wounds. Muntik na akong matawa ng makita kong tinignan ni Killian pati ang kanyang mga pakpak. Kahit si Vlad, who hadn't had a moment of being dense, ay tinignan 'rin ang buong katawan. Even our healer checked himself.

Hindi ko alam kung anong mayroon sa mga gagong 'to ngayon pero mukhang sa sobrang stress nila, nagiging lutang na sila. Ano kaya pinagawa sakanila ni Midnight?

Hirap kasi kung wala ang isang 'yon.

"I think I cut myself somewhere here..." Parang tangang umikot si Tartarus. Mukhang asong hinahabol ang sariling buntot. He halted when he realized something. "Kaya ko nga palang mag regenerate" 

Tinignan siya ni Radu na para bang si Tartarus na ang pinaka stupidong demonyo na nakilala niya sa buong buhay niya. "Stop drinking. Naapektuhan na utak mo"

Tartarus made a face. "Suntukan o"

"Tartarus can handle his own alcohol. You, Radu, need to relax" Binaba ni Kaimana ang suklay at hinarap si Radu. "I have none, by the way"

"Ako 'din" Taas kamay na sagot ni Day sabay kain ng ubas. "Anong mayroon kung may sugat nga kami?"

Radu looked like he was about to puke from the question. "My family is a group of blood-sucking immortals. Even a drop of blood can make them go wild"

Oh. Except for Radu, I've never really encountered any more of these vampires. "I'm going to be nosy. Bakit ikaw hindi matakaw sa dugo?"

"Maarte kasi" Si Tartarus ang sumagot para sa bampira. Inikot ikot pa ang hawak hawak na baso. "Dugo lang ni Zagreus ang iniinom niyan"

Tumalim ang paningin ni Radu sa kaibigan.

Si Arius ay biglang gumawa ng malalim na tunog na nagsasabing sang-ayon ito kay Tartarus. Mahina kong pinitik ang noo nito. Dinantay niya lamang ang ulo saaking tyan pagkatapos.

"Midnight is providing you blood?" The curiosity was suddenly gnawing at me. I sincerely didn't know Radu was getting blood from Midnight. Hindi ko naman kasi nakikitang umiinom ng dugo si Radu.

"Only when His Majesty feels like it" Si Killian mula sa bintana. "And every dinner"

Hindi namin sinasadyang magkatinginan ni Radu. He gave me a shrug. "Hindi naman kasi ako palainom 'rin ng dugo. I only drink enough to sustain my needs, and have you tasted Zagreus's blood?" Biglang umiba ang ekspresyon sa pagmumukha niya, parang lumiwanag na na-amaze na ewan, "Shit is the real one"

I've long lost my fondness for drinking blood since the day I least craved it. There wasn't really a reason for it. Cravings weren't an exception to the change. Once in a while, when I also feel like drinking one, I'd drink one.

LUNA: The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon