"Trending ngayon worldwide ang ginawang pananakit ng highest-paid model na si Ms.Maia Nuenzio sa rumor boyfriend na si John Amonte na isang kilalang soccer player matapos mavideo-han ang eksena iyun ay agad na umugong ang iskandalo sa pagitan ng modelo at ng soccer player..Marami ang nag-aabang sa paliwanag ng magkabilang side at marami ang umalma sa ginawa ng sikat na modelo lalo na ang mga taga-suporta ni John Amonte.."
Napangisi siya ng bigla na lamang mamatay ang TV. Nakapameywang na humarang sa harapan niya ang manager niyang si Emma. Ang kuwarenta y añoz na feeling teenager dahil napakahilig nitong manamit ng di naaayon sa edad nito at ngayon nga ay nakasuot ito ng miniskirt na pinaresan ng redtube na pang-itaas. Dinaig pa siya nito pagdating sa fashion.
"Nawala ka lang saglit kahapon may ganito na naman iskandalo?" paninita na nito.
Inabot niya ang isang baso na may laman na mango juice at kalmante lang na uminom roon. Saka nagkibit-balikat rito.
"It's a self-defense,Tita Emma," balewala niyang sagot.
Nanlaki ang mga mata nito. "Self-defence? Ganyan din ang dinahilan mo sakin last time,Maia Nuenzio!"
Ang ngisi sa mga labi niya ay nauwi sa pagngiwi ng magtaas ito ng boses. "Tita Emma..calm down,okay? Matatapos din yan saka kasalanan ko ba kung nasaktan ko ang manyakis na yun," aniya na sinamahan na niya ng pagsimangot.
Hindi niya nagustuhan ang pananantsing nito sa kanya kahapon habang pilit na inaalalayan siya na makasakay siya sa sarili niyang sasakyan at dahil dun walang pagdadalawang-isip na tinuhod niya ito sa pagkalalaki. Napangisi siya ng maalala iyun.
That's slay we are,right,princess?! Saad ng kanyang wolf.
"Sana sinampal mo na lang kaysa tinuhod mo! Marami tuloy nagalit sa nangyari lalo pa nga at may laban ang team niya bukas!"
Marahas siyang napabuga ng hangin. "It was his fault,Tita Emma..saka hindi ba kita kakampi? Binastos niya ang alaga mo!" may pagtatampo niyang saad rito na agad naman ito kumalma.
Marahas ito napabuga ng hangin at tumabi sa kanya. "Of course,ako ang kauna-unahan tao na kakampi mo sa lahat ng bagay,okay? Pero nag-aalala lang ako..masyado kang bayolente eh," anito.
Natawa siya sa huli nitong sinabi. "Maikli lang ang pasensya ko,alam mo yun,Tita Emma..lalo na sa mga tulad niyang mapangahas," aniya.
"I know that..hay naku,wala akong choice ngayon kundi bigyan ka ng break..kailangan palamigin ang isyu," pagsuko nito.
Napangisi siya at niyakap ito. Sa mundo ng mga tao. Ito na ang tinuring niyang pangalawang ina na pinakilala sa kanya ni Zei.
"Thanks,Tita Emma..you know,I need to rest after my modelling in London," aniya.
"Yeah,about that..marami ang kumontak sakin designer na nakabase sa London. They want you to work with them but knowing you,ayaw mo ng pressure sa trabaho kaya tinanggihan ko sila on behalf of you," anito na sinamahan ng pag-iling-iling.
"Yeah,ayoko matoxic sa trabaho,remember,maiksi lang ang pasensya ko!"
"Yeah..but there's one thing," pahabol nitong saad.
"Hmm?"
"Kinontak ako ng isang kilalang designer na si Tiara Hilton ng M- Hilton Fashion," anito na mauulinigan ang excitement sa boses nito.
"And?"
Ngumisi ito. "I'm one of her fan..lahat ng damit ko mula sa design niya!"
Tumango-tango siya. Kilala nga ang M-Hilton Fashion. Pero kahit modelo siya hindi siya namimili ng brand na isusuot. Para sa kanya dapat inaappreciate ang lahat na magaganda at ng patas kaya di siya nag-i-stick sa isang brand name lang.
"So?"
"She want you to model her new design on her launching next month!"
"Then,what?"naiinip na niyang saad na agad naman napuna nito.
"Ahm,nakipagsettled ako ng business dinner sa kanya," anito sabay ilap ng mga mata sa kanya ng taasan niya ito ng kilay.
"I thought,you give me a break for awhile?" akusa niya rito.
Napabuga ito ng hangin at nagmamakaawa na pinukulan siya ng tingin."Please,this is a big opportunity..saka makakadiscount ako eh,"anito.
Napailing na lang siya. Bakit pa siya magtataka na minsan gamitin siya nito para makamura sa luho nito.
"Please?"
"Do I have choice? Nakasettled na eh.."
"Kaya love na love kita eh!"
Napangiti na lang siya rito.
Boring kaya na walang ginagawa...
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
WerewolfPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...