Chapter 18

3.2K 138 10
                                    

Panay ang tawa ng mahina ng dating panginoon sa pinapagawa niya rito. Ang pagselosin si Mathew Hilton. Ngayon nga ay magkatabi sila sa isang malapad na bato sa gilid ng dagat.  Katatapos lang ng last photoshoot niya para sa araw na yun. Sa buong durasyon ng photoshoot niya kitang-kita at damang-dama nila ni Zei ang pagkabadtrip ni Mathew Hilton.

Masungit at seryoso ang anyo nito. Napangisi siya ng maalala ang hitsura nito kanina habang hindi siya hinihiwalayan ng dating panginoon.

Tatlong araw sila resort na yun para sa iba't-ibang tema ng pagpopose niya kaya naman sisiguruduhin niyang bago matapos ang photoshoot bibigay na ito sa kanya.

"Hanga ako sa mahal na Prinsipe,nakaya niyang tiisin ang tunay na nararamdaman niya para sayo," untag ni Zei.

"Mahal na prinsipe.." usal niya sa sinambit nito. Namamanghang napangiti siya na marinig iyun.

Ang kanyang prinsipe.

"Salamat sinakyan mo ang kalokohan ko," aniya sa natatawang tono.

Pinatong nito ang kamay sa ibabaw ng ulo niya.

"Nakakatuwa nga eh. Alam mo bang parang pareho ang naging takbo ng pagtatagpo niyo ng prinsipe noon sa Mahal na Hari at Mahal na Reyna?" magiliw nitong saad.

Agad na napangisi siya ng maalala ang love story ng kanyang mga magulang.

"Yes,kung gaano nga raw ka-annoying si ina kay ama," natatawa niyang saad.

"Pero ang prinsipe ang may pagkakapareho sa ugali ng Hari..nakakatuwa,sa palagay ko magkakasundo sila," anang ni Zei.

Nasisiyahan siya na malaman yun. Labis niyang hinahangaan ang ama kaya ganun na lang ang saya niya na may pagkakapareho nga ang lalaking itinakda sa kanya sa Hari.

"Ms.Nuenzio," pukaw ng boses na iyun sa kanya.

"Ang prinsipe," pabulong na saad ni Zei.

Inalalayan siya makaapak sa buhangin ni Zei. Seryoso at blanko ang emosyon sa mukha ni Mathew.

"Mathew.." nakangiti niyang saad. Naningkit ang mga mata nito marahil sa unang pangalan lang niya ito tinawag.

"Mr.Hilton," pagbati naman ni Zei rito.

Tinanguan lang nito ang dating panginoon.

Infairness,ang cute niyang tingnan ha..denial king.

"Bakit?" pigil ang sarili na mapangiti sa nakikita niyang anyo nito.

"Kailangan pag-usapan ang sunod na photoshoot mo bukas," bossy nitong saad.

"Hmm? Hindi ba settled na?"

Malamig ang mga mata nitong sumulyap sa katabi niya.

"Kailangan baguhin.."anito saka tumingin sa kanya.

" Ahh,ganun ba.."aniya.

Napalingon siya kay Zei ng hawakan siya nito sa siko.

"Mag-iikot muna ko,prinsesa.." nakangiti sabi ni Zei.

Nakita niya ang pagkuyom ng mga palad ni Mathew.

"Sige..see you around,"naaaliw niyang tugon.

Naiwan sila ni Mathew na tahimik lang ito.

" Tara?"

"Is he your boyfriend?"bigla nitong pagtatanong.

Gotcha!

"Bakit mo tinatanong?" nakangiti niyang tanong din dito.

Napabuga ito ng hangin at umiling.

"That's none of my business,anyway..basta hindi siya makakaabala sa trabaho mo," malamig nitong saad sabay talikod na sa kanya.

Imbes na maoffend siya sa sinabi nito napangisi siya.

Kuhang-kuha niya talaga ang ugali ng Mahal na Hari!

Nangingiti na sumunod agad siya rito ng lingunin siya nito sa malamig na anyo pa rin.

Pero talagang siya pa ang sumundo sayo pwede naman niya ipahanap ka na lang..pahard to get pa kasi..

Nahihiya lang siguro siya..

Baka kaya torpe?

Aww,that's cute,Wolfie..bibigay din yan..soon.

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon