Chapter 52

3.1K 140 19
                                    

Isang dismayadong iling ang pinukol ni Mathew kay Ciara ng makaharap niya ito kasama ang magulang nito na labis-labis ang pakiusap na huwag sampahan ng kaso ang dalaga.

"Why did you do that,huh?!"galit na untag ng pinsan si Tiara na agad naman pinakakalma ng kaibigan si Joel na katabi nito.

Nanatiling nakayuko si Ciara. Hiyang-hiya naman ang magulang ng dalaga.

" N-nakikiusap kami sana huwag niyo ng ituloy ang kaso para sa anak namin..kahit isipin na lang natin na napakinabangan natin ang isa't-isa,"anang ng ama ni Ciara.

Naikuyom niya ang mga palad sa sinabi ng ama ng dalaga.

"Mawalan galang na po sa inyo..Paano na lang po kung may nadamay na empleyado sa ginawa ng anak niyo?" nagtitimpi ng turan ng pinsan.

Hindi kaagad nakaimik ang mag-asawa.

"Wala ka bang sasabihin,Ciara?" maya-maya untag na niya sa dalaga na nagpaigtad dito.

"Huwag kang manahimik dyan kung gusto niyo matapos ang usapin ito makipagcooperate ka," sabad ni Tiara.

Nag-angat ng mukha ang dalaga at bakas ang guilt sa mukha nito.

"N-nagawa ko lang naman yun..kasi..kasi..n-nagseselos ako. Mahal kita,Mathew. Pero ng makita ko kung gaano ka kasaya kainlove sa Maia yun..n-nagawa ko yun," pag-amin nito.

"Makakapatay ka sa pagseselos mo!" asik ni Tiara rito.

Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan niya.

"Babayaran na lang namin ang mga damages..kahit magkano..huwag niyo lang ipakulong si Ciara," naiiyak ng saad ng ginang.

Isang ismid ang tinuran ng pinsan.

Sumulyap siya kay Joel na nakatingin na din sa kanya. Tumango ito at nilapag sa harapan ng mag-asawa ang papel na hawak nito kanina pa.

"Termination contract...mga damages na kailangan niyang bayaran at...hindi na siya makakabalik pa sa pagmomodelo to teach her lesson," seryoso saad ni Joel sa mga ito.

"Tss,masyadong magaan ang parusa na binigay niyo," reklamo ni Tiara.

Wala siyang balak na palakihin pa ang problema ng malaman niya ito ang salarin agad na naisip niya na kahit papaano ay napakinabangan niya ang dalaga at hindi rin niya gugustuhin na makulong ito dahil sa kanya kaya nito iyun nagawa.

"Pipirmahan niya ito!" agaran na dinampot iyun ng ina ng dalaga.

Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod sa agos ng usapan.

"Ganun lang yun?! Wow! Ang babait niyo huh!" reklamo pa rin ng pinsan ng makaalis ang mag-anak.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

"Sumunod lang ako sa utos ng pinsan mo," depensa naman ni Joel ng balingan ito ng matalim na tingin ng pinsan.

Napailing na lang siya. Napukaw sila ng may kumatok sa pintuan.

"Zei?!" agad na nakilala ni Tiara ang pumasok roon.

"Nakaabala ba ko?"

"Naku,hindi naman!" masiglang turan ng pinsan na kinasimangot ni Joel.

"Mabuti naman kung ganun.."

Bumaling sa kanya si Zei.

"Pwede bang makausap ka?"

Agad na tumango siya rito.

Agad naman iniwan sila ng kasama nila sa loob ng opisina niya.

"May pinabibigay lang sakin ang prinsesa," untag nito sa kanya.

Agad na pumasok sa isip niya ang kasintahan.

Shit!

Sumulyap siya sa kulay dilaw na papel.

Damn!

Bigla niyang namiss ang kasintahan. Kailangan niyang bumawi rito. Agad-agad.

"Goodbye letter yan mula sa mahal na prinsesa,hindi na siya nakapagpaalam sayo ng maayos dahil sa kinakaharap mong problema," pukaw nito sa kanya na siyang nagpausbong ng kaba sa dibdib niya.

Goodbye letter?

"What do you mean?" maang niyang saad.

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon