Chapter 23

2.9K 111 4
                                    

Sa tanang buhay niya hindi pa siya inaantok sa oras ng trabaho niya ngayon lang at kasalanan iyun ng Maia iyun!

Fuck! She kiss him last night!

Pero aminin mo nagustuhan mo,Mathew! Hindi ka nga nakatulog eh!

Damn it!

"Are you okay? Parang kanina pang madilim ang mukha mo?" pukaw sa kanya ni Ciara.

Napabuntong-hininga siya. Sumama ito sa kanila. Ayon rito nabobored daw ito kaya sumama sa kanila. Agad na palihim na kinontra iyun ni Tiara pero wala na ito nagawa pa dahil napakaunproffesional kung gagawin nila iyun lalo pa at nakatrabaho nila ito.

"I'm fine.." tugon niya rito.

Mataman siya nitong tinitigan. "Hmm,okay..ahm,dito ka ba hanggang sa matapos sila?"

Agad na hinayon ng mga mata niya ang kinaroroonan ni Maia. Napapaligiran ito ng nanggagandahan bulaklak..at Sheyt lang! Mukha talaga itong dyosa ng kagubatan!

"Oo..kung naiinip ka na pwede kita ipahatid pabalik sa resort,"sulyap niya rito.

Agad na sumimangot ito. " Nope,it's okay..dito na lang din muna ko,"anito.

Hindi na siya umimik pa. Nang sumulyap muli siya sa kinaroroonan ng dalaga nagtama ang mga mata nila.

May kung anong meron sa mga mata nito.

Parang may inis siyang nakikita sa mga mata nito.

Naipilig niya ang ulo.

"Kamusta...?"

Agad na napabaling siya sa nagsalitang iyun.

Agaran siyang nakaramdam ng disgusto sa presensya nito. Kasama ito ni Maia at talagang nagse---

Stop!

Nakangisi ito na sumulyap sa kanya at bumaling sa katabi niyang si Ciara na halatang nabighani rito.

"Zei.." pakilala nito kay Ciara na agad naman natauhan.

"Oh,hi! Ciara!"agaran na pagtanggap nito sa pakikipagkamay nito rito.

" I saw you with Ms.Nuenzio..are you in a relationship?"tahasan na pagtatanong ni Ciara na kinatiimbagang niya.

Napatingin sa kanya ang lalaki pero deretso lang ang tingin niya. Kahit hindi niya nakikita ang sarili madilim ang anyo niya.

Bago pa man niyang marinig ang isasagot nito nagring ang kanyang celpon na nasa likod ng bulsa ng pantalon niya. Mabuti na yun para hindi na niyang marinig ang isasagot  nito..dahil maiirita lang siya!

Hindi..dahil nagseselos ka talaga!

"Hello?"pasinghal niya pagsagot sa kabilang linya.

" U-Uh,Sir.."tugon ng nasa kabilang linya.

Fuck!

Napahilot siya sa sintido niya. "Pasensya na.." kalmante na niyang turan.

"Ayos lang,Sir..pasensya na po sa abala pero tumawag po ako para sabihin sa inyo tapos na po yun pinapagawa niyo," anang ng housekeeper niya.

"Okay,salamat..." tugon niya.

Ngayon may nakainstall ng CCTV camera sa kwarto niya malalaman na niya kung paano siya nawawalan ng gamit na hindi niya namamalayan.

Marahas siyang napabuga ng hangin.

"Mathew!" paglapit sa kanya ni Ciara sabay kapit sa braso niya.

"I'm hungry.." anito. "Samahan mo naman ako kumuha ng pagkain,please?"

May buffet na nakahanda sa tinayo nilang tent. Hindi na siya nakatanggi ng hilahin na siya ni Ciara patungo roon. Mabilis na sinulyapan niya si Maia.

Seryoso na ang mukha nito habang inaayusan ito. She look different. Tila may isang bagay itong hindi nagugustuhan.

Baka pagod na siya?! Pagpahingahin mo muna siya,Mathew!

Alright!

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon