Abangan natin ang hudyong yun!
Marahas na napabuga ng hangin ang prinsesa. Kanina natakot siya sa magiging reaksyon ni Mathew. Alam niyang mali ang ginawa niyang iyun pero sana hindi niyun maapektuhan ang relasyon nila ng kanyang mate.
Huwag ka ng mag-aalala,prinsesa..Mathew loves you!
"Argh! Bakit ba ang daming tsismoso at tsismosa sa mundo?! Talaga bang hindi ka titigilan ng John na yun?!" naiiritang bulalas ni Tita Emma.
Kapapasok lang nito sa Van na sinasakyan niya.
"Lahat tuloy na taga-media dinumog ako dahiL narinig ng mga yun ang sinabi ng impaktong yun!"
Napabuntong-hininga ang dalaga.
"Sorry.." nahihiya niyang turan rito.
Marahas na napabuga ng hangin si Tita Emma.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na nakatanggap ka ng subpoena?"
"Ayoko lang dagdagan ang stress mo," aniya.
Tinaasan siya nito ng isang kilay. "Manager mo ako ,mabuti man o masama ang ginawa mo alam mong na na sayo ang side ko," tugon nito.
"Alam ko..kaso,it was my fault..kaya nais ko sana ayusin yun na hindi na kita naaabala pa," aniya.
Marahas ito napabuga ng hangin. Bago pa man ito makapagsalita muli may kumatok sa bintana.
Agad na tinulak pabukas ni Tita Emma ang pintuan.
Mabilis na gumuhit ang mga ngiti sa mga labi niya ng makita si Mathew.
"Pasensya na hindi agad naagapan sila,okay lang ba kayo?" agad na bungad nito kay Tita Emma.
"Okay lang ako,Mr.Hilton..pasensya na,nakaagaw pa kami ng atensyon," nahihiyang turan ni Tita Emma.
Masuyong tumingin sa gawi niya ang binata na nanatiling nakatayo sa pintuan ng sasakyan.
"Sasamahan kita kung kailan ang paghaharap niyo,hindi ko hahayaan agrabyuduhin ng lalaking yun,"matiim nitong saad sa kanya.
Mabilis na tumango siya.
"Salamat,Mr.Hilton.." turan ni Tita Emma.
"Pupuntahan kita pagkatapos ko dito,okay?" anito.
"Okay,hihintayin kita,"mabilis na tugon niya.
Sinara nito ang pintuan at umikot sa kabilang side kung saan siya nakaupo agad na binaba niya ang bintana.
"Pagkarating mo sa bahay magpahinga ka kaagad,dadating ako,okay," anito.
Isang matamis na ngiti ang tinugon niya rito na sinabayan ng pagtango.
Aww,he's so sweeeettt!!!
Inabot nito ang likod ng ulo niya at pinatakan ng halik ang kanyang nuo.
"Susunod ako,be safe..for me,hmm?"
"Okay,"maligayang tugon niya.
In heat alert!!!
Masayang kinawayan niya ang binata habang papalayo rito ang sasakyan. Tumango ito sa kanya ay nanatili roon hanggang sa mawala sa paningin nito ang sinasakyan niya.
" Tita Ems,bababa na lang ako sa pagliko,"seryoso baling niya rito.
Nagtatakang nag-angat ng mga mata si Tita Ems mula sa hawak nitong aparato. "Bakit?"
Ngumisi siya rito.
"Gusto mo bang mas lalo kang masadlak sa problema ?!" bulalas nito ng mahulaan ang gagawin niya.
Napanguso sya rito. "Don't worry,Tita Ems..trust me,okay?"
Napailing na lang ito. Alam nitong hindi siya nito mapipigilan. Kaya mahal na mahal niya ito dahil kahit problema ang idudulot ng pasya niya hinahayaan siya nitong gawin iyun.
"Sa tingin mo mapipigilan kita dyan," nakasimangot nitong saad.
Agad na bumaba siya sa hindi mataong iskinita. Suot ang itim na jacket itinaklob niya sa kanyang ulo ang hood niyun.
Faster,princess! Kanina pa ko nanggigil sa Amonte yun!
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
WerewolfPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...