Masuyong hinawi ni Mathew ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa magandang mukha ni Maia. Mahimbing pa rin ito natutulog sa bisig niya. Agad na natigilan ng gumalaw ito at lalo pang nagsumiksik sa katawan niya na nagpangiti sa kanya. Tila isa itong baby na umaamot ng init mula sa ina. May ngiti sa mga labi na hinapit niya ang dalaga at sinubsob ang mukha sa mabango nitong buhok.
He sighed. Hindi niya malilimutan ang mainit na pag-iisa nila ng kasintahan. Naging agresibo sila sa pag-angkin ng isa't-isa.
"Morning," paos na usal ni Maia.
"Hey..morning,princess," agad na pagtugon niya rito.
Matamis na ngiti ang nasilayan niya ng tingalain. Mabilis na pinatakan niya ng halik ang tungki ng ilong nito.
"Hmm,hindi ba kita nasaktan kagabi?"
Napangisi siya sa tanong nito na kinapula ng mga pisngi nito.
"Nah..I'm feeling good,actually.." nakangisi pa rin niyang turan.
Nahihiyang tumawa ito at sinubsob ang mukha sa hubad na dibdib niya at agad na niyakap niya ito ng mahigpit.
"Mathew.."
"Hmm?" nakapikit ang mga matang saad niya.
Ilang sandali bago muli ito nagsalita habang masuyo niyang hinahaplos ang buhok nito.
"Kung sakali ba na babalik na ko sa mundo na pinagmulan ko...sasama ka ba sakin?"
Natigilan siya sa paghaplos rito at dahan-dahan na dumistansya para makita ang mukha ng dalaga.
Pinakatitigan niya ang dalaga. Nasasalamin sa mga mata nito ang pag-asam at kaba roon.
"Sa mundo niyo?"
Tumango ito. "Oo..sa oras na matagpuan ko na ang lalaking itinakda sa akin nangako ako sa aking magulang na babalik ako...na kasama ka,"anito sabay baba ng paningin.
Hindi siya kaagad na nakaimik. Marami agad ang pumasok na posibilidad na mangyayari kung sasama siya rito at iwan ang lahat na meron siya rito.
"Pero ayos lang naman kung...babalik ako roon na hindi ka kasama," mahina nitong saad.
Tila may kung anong pumiga sa puso niya ng may mahimigan siyang lungkot at kabiguan sa tono nito.
Ipinikit niya ang mga mata.
"Maia..ayos lang ba na...pag-isipan ko muna?"
"Walang problema sakin..hindi ko gusto na ipressure ka," anito na nag-angat ng mukha sa kanya at pinukulan siya ng pilit na ngiti.
Mariin na pinakiramdaman niya ang sarili at isip.
Nagtatalo ang isip at puso niya.
Mahal mo siya kaya dapat kung saan siya dapat nandun ka! Anang ng puso niya.
Paano ang maiiwan mo rito? Kung mahal ka niya dapat siya ang nasa tabi mo kung nasaan ka..anang naman ng isip nya.
Mariin na naipikit niya ang mga mata at humigpit ang yakap niya sa dalaga.
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
Hombres LoboPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...