Chapter 38

2.8K 122 7
                                    

Oh?! Tingnan mo nga naman,magaling na lalaki!

Napangisi si Prinsesa Maria Adrialyn matapos kuhanan niya ng larawan ang magkayakap na sina John Amonte at ang girlfriend ng ka-team nito gamit ang celpon ng lalaki.

Wala itong saplot sa ilalim ng kumot habang magkayakap na natutulog sa pahabang sofa.

Grabe,big revelation ito kapag nalaman ng lahat ang pagpatos niya sa nobya ng ka-team niya!

Patango-tango na iniisa ni Maia ang larawan na kinuha niya. May group chat ito ng buong team nito kaya isang pindot lang niya siguradong malaking problema ang kakaharapin nito.

Lumapit siya sa kinaroroonan nito. Nararamdaman niyang papagising ang lalaki. Nakangiti na lumapit siya sa bandang ulunan nito. Umuklo siya at itinapat sa papamulat palang mga mata nito ang screen ng celpon kung saan kinuhanan niya ito habang natutulog.

Napakurap-kurap muna ang lalaki hanggang sa nanlaki ang mga mata nito at tumingala sa mukha niya ang mga mata nito.

"Hmm,kanina ko pa gustong isend ito sa group chat niyo kaso need ko muna ng permission mo," matamis ang ngiti turan niyang saad rito.

"Oh shit!!!!" napabalikwas ito kaya nagising din ang babae at nanlaki ang mga mata ng babae sa gulat ng makita siya.

Nginisihan niya ang mga ito pero sa lalaki nakatuon ang atensyon niya.

"Makipagdeal ka sakin kung ayaw mong malaman ng ka-team mo ang ginawa niyo ng girlfriend niya," nakangisi niyang saad ng tumayo siya sa harapan ng mga ito. Gulantang at namumutla pa ang mga ito!

"Damn you! Don't you dare to send it!" galit na saad nito habang nagkukumahog na isuot ang boxer pantalon nito.

"P-parang awa mo na..a-ayaw ko ng gulo," naiiyak na saad ng babae habang kipkip ang kumot sa taas ng dibdib nito.

Nginisihan niya ito. "Ayaw ko rin naman ng gulo,Miss..pero sinasagad ng lalaking iyan ang pasensya ko,"mariin niyang saad na may ngiting panunuya na binaling niya ang mga mata sa lalaki.

Matalim ang mga mata nito sa kanya. " Anong gusto mong deal?"kuyom ang mga palad na saad nito.

"Iaatras mo ang reklamo mo laban sakin..babayaran ko na lang ang damage ng kotse mo o di naman kaya bilhan kita ng bago," aniya.

Send mo na lang para masaya!

Lalo tumalim ang mga mata nito sa kanya pero alam niyang natatakot ito sa hawak niya.

"I'm in love with Mathew Hilton at dahiL sa panibagong isyu na naman na kinasasangkutan ko napapahiya ako sa kanya..Oo,aminado akong mali ang ginawa ko pagsira sa sasakyan mo kaya I'm sorry for that..pero kung hindi tayo parehong patatahimikin ang isa't-isa..nasisigurado ako na..ikaw ang mas maagrabyado dahil..dito,"pahayag niya at winasiwas ang hawak na celpon sa harapan ng mga ito.

Napalunok ng ilang beses ang lalaki.

"Sige na,John..pumayag ka na! Ayokong malaman ito ni Dan!"untag ng babae sa lalaki.

Nginisihan niya ito habang hinihintay ang pasya nito.

" Okay..deal,"sagot nito pagkaraan ng ilang saglit.

Nilahad niya rito ang celpon na pag-aaari nito at agad naman na hinablot iyun ng lalaki.

"Shit! Ang dami mo naman kinuha!" galaiti nitong saad habang iniisa-isa burahin ang mga larawan sa gallery nito.

"Sinubukan ko lang kung magaling din ako maging photographer maliban sa pagiging modelo," nakangiti niyang tugon rito.

Awang ang mga labi na sabay na napatingin sa kanya ang dalawa.

"Bye,asahan ko ang usapan natin,loverboy!" mapang-asar niyang turan sa lalaki na tulala na lang napatingin sa kanya.

Akala ko pa naman magkakaroon ng action scene! Hmph!

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon