Chapter 21

3.1K 133 5
                                    

That woman!

May halong inis at pag-aalala sa dibdib ni Mathew ng makitang walang sapin sa paa ang dalaga na nasa ilalim ng lamesa na inukopa nila ng dalhin niya ito sa resto ng Hotel. Kunti na lang ang kumakain doon.

Nag-aalala siya na hindi pa pala ito kumakain gaya niya at dahiL din dito kung bakit hindi niya sinipot ang dinner nila ni Ciara. Mabuti na lamang nakapagdahilan siya at hindi na siya inabala pa ng huli.

"Sir,ito na po yung pinapakuha niyo," pukaw sa kanya ng isang babaeng cashier roon. Agad na kinuha niya rito ang isang pares na feather sleeper.

"Dadalin na po sa table niyo yung order niyo,Sir.." anang nito na panay ang sulyap sa kinaroroonan ni Maia,may pagkamangha na makikita sa mukha nito.

Bakit hindi? Kilalang modelo ang dalaga at marahil isa ito sa humahanga rito.

"Okay,salamat.." agad na binalikan niya ang dalaga na tahimik lang nakaupo roon. Tila isa itong batang paslit na iniwan roon. Kumukuyakoy pa ang magkakrus nitong mga paa sa ilalim ng lamesa. Hindi niya tuloy maiwasan hindi mamangha rito.

Agad ito napasulyap sa kanya at buong tamis na ngumiti sa kanya. Bigla..parang nagslow motion ang buong paligid niya habang papalapit rito.

Kasabay ng pagbagal ng pagbagal ng paligid niya ang siyang ubod ng bilis ng pagtibok ng puso niya.

Damn! Ano ba ang ginagawa nito sa kanya?!

She's so damn beautiful...isang napakagandang anghel na bumaba mula sa langit.

Damn,Mathew! Wake up!

Agad na natauhan siya mula sa kung anong mahika na bumalot sa kanya ng tuluyan siyang makalapit rito. Huminto siya sa gilid nito.

"Suutin mo 'to..bakit lumabas ka ng kwarto mo na walang sapin sa paa?"sita niya rito.

Napalabi ito sa tinuran niya. Parang isang bata na napagalitan ng ina. Marahas siya napabuga ng hangin. Damn her! Bakit ba ang dali nitong baguhin ang nararamdaman niya?!

Lumuhod siya sa gilid nito."Come on,"untag niya rito.

Agad naman ito pumihit paharap sa kanya para ilabas ang nakayapak nitong mga paa sa kanya. Hinawakan niya ang isang bukong-bukong nito para maisuot niya rito ang hawak niyang feather sleeper.

Damn,even his feet is so damn sexy. Kulay pink ang malinis na kuko at mamula-mula ang talampakan nito.

And so warmth.

Nang maisuot niya ang mga iyun rito nag-angat siya ng mukha rito.

" Thank you,Mathew.."nakangiti nitong saad. Kumikinang ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

Mula sa magaganda nitong mga mata bumaba ang paningin niya sa mapupula nitong mga labi.

Lihim siyang napalunok. Damn! May kung anong nagtutulak sa kanya na halikan ang mga labi nito.

To taste her red lips!

Napukaw lang siya ng dumating ang inorder niyang dinner nila.

Hell! Gaano bang katagal na nakatitig lang siya rito?!

Tumikhim siya at tumayo na mula sa pagkakaluhod. Umupo siya sa upuan na kaharap lang nito.

"Eat up," komando niya rito.

Agad naman ito tumalima. "Thank you talaga,Mathew..you are so generous," nasisiyahan nitong sabi.

May kung ano saya siyang naramdaman ng makita ito kung gaano ito nasisiyahan sa simpleng ginawa niya rito.

Hey,she's smile at you..a genuine smile!

Agad na iniiwas niya ang mga mata rito ng matantong mapapatitig na naman siya sa maganda nitong mukha.

She's so fucking beautiful!

Inabala niya ang sarili sa pagkain niya pero ang atensyon niya ay nasa dalaga hanggang sa hindi na niyang napigilan pang hindi ito sulyapan.

Maganang-magana itong kumakain,subo lang ng subo. Hindi ito nahihiyang ipakita kung paano itong kumain. Walang kapoise-poise!

Damn,she looks so adorable!

Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya habang pinapanuod itong kumain.



TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon