Ilang gabi na rin mula ng umalis si Mathew at ilang gabi na rin sa bahay ng binata natutulog ang prinsesa. Kahit man lang malanghap niya ang amoy ng lalaking itinakda sa kanya ayos na sa kanya sa kabila ng kagustuhan niyang puntahan ito kung nasaan man ito naroroon.
Saka lamang siya aalis sa silid ng binata kapag sumikat na ang araw.
Nagmulat ng mga mata si Maia. Katahimikan at sikat ng araw muli ang namulatan niya ng umagang iyun.
Another day without seeing him...
Napipilitan na bumangon na siya ng kama para sa pag-alis na sana at umuwi sa sariling bahay ng matigilan siya.
May tao...
Baka ang housekeeper..
Parang hindi...parang...parang..
Mabilis na narating ni Maia ang ibabang palapag ng bahay at maang na nakatitig sa lalaking abala sa harapan ng kalan.
Napalingon ito sa kinaroroonan niya at gusto niyang tumakbo dahiL ayaw niyang makita sa mga mata nito ang takot..sa kanya.
Hindi siya dapat nagpadalos-dalos at nagpakita rito. Bago pa man makakilos ang prinsesa para sana lisanin ang kinaroroonan ng lalaking na siyang dahilan kung bakit nawalan ng buhay ang masaya niyang buhay.
"Nagluto ako ng almusal mo..your favorite,omelet with onion and pepper.." sabi nito na kinatigil niya sa pag-alis.
Wow! I miss that! Huhu!
Pero nanatili siyang nakatalikod rito. Paulit-ulit na lumalarawan sa alaala niya ang takot sa mga mata nito ng gabing iyun. Mariin naikuyom niya ang mga palad na nasa magkabilang gilid niya.
Napaigtad ang prinsesa ng may mga brasong pumulupot sa ibabaw ng dibdib niya. Masuyo nitong hinila siya para mapasandal sa katawan nito.
"I'm sorry...naging duwag ako,Maia..."puno ng kasinseridad nitong anas sa tapat ng tainga niya.
" I'm sorry...kung..kinatakutan kita,"dagdag nito sabay higpit sa pagkakayakap ng braso nito sa kanya. "I'm really sorry..hindi kita dapat kinatakutan. Alam kong..masakit sayo ang naging reaksyon ko. Patawarin mo ako,Maia.." madamdamin na nitong sabi. Pagka-guilt at sinseridad ang mahihimigan sa bawat salita nito.
"I'm sorry...I'm sorry.." paulit-ulit nitong saad.
Namalayan na lamang ni Maia na may mainit na luha ang umagos sa magkabila pisngi niya.
She's cried again because of him!
Her weaknesses. Her mate.
"Mahal kita,Maia.."
Lalong bumuhos ang mga luha sa mga mata niya ng marinig ang dalawang salitang iyun.
Pumihit siya paharap sa binata at kita niya sa mga mata nito ang lambong ng kasinseridad ng sinabi nito.
Pinunasan ng magkabilang daliri nito ang mga luha niya.
"Patawad,Maia..patawarin mo ko.." nagsusumamo nitong saad habang titig na titig sa mga mata niya. "Patawad kung naging duwag ako,"puno ng pagsisisi nitong saad pa.
Umangat ang mga palad niya at sinapo ang mukha ng binata. Ngayon lang niya napuna na nangingitim ang ilalim ng mga mata nito.
"Hindi ka ba natutulog?" usal niya habang masuyong hinahaplos ng magkabilang hinlalaki niya ang ilalim ng mga mata nito.
Umiling ito. Napa buntong-hininga ang prinsesa.
"Di bale, gwapo ka pa rin naman," aniya na may ngiti na sa mga labi.
"I'm forgiven now?"
"You are my mate,Mathew..Oo,nasaktan ako sa naging reaksyon mo pero..hindi ko magagawang magalit sayo dahiL para ko na rin sinaktan lalo ang sarili ko..ikaw ang kalahati ng buhay ko.." masuyo niyang sabi rito.
"Ang itinakda sayo.."dagdag nito na lalo kinangiti niya.
"Yung bote na binigay ni Zei...you are princess..ibig sabihin ikaw ang makakapagbukas niyun,"naalala nitong saad.
" Hmm,ang inumin ng pagtanggap.."aniya.
Tumango ito. "Then,let's open it,princess.."
Puno ng kasiyahan na niyakap niya ang binata.
"Mahal kita,Mathew!"
"I love you more,my princess.."
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
Manusia SerigalaPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...