Chapter 8

3.5K 127 10
                                    

It's bothering him. Nang maglapat ang mga palad nila ni Maia Nuenzio. May kung ano itong ginising sa kaloob-looban niya.

Paulit-ulit din umi-echo sa isip niya ang sinabi nito na gusto siya nito. Sinabi nito iyun na tila sigurado talaga ito!

Damn! Lantaran pa itong makatitig sa kanya habang nagmimeeting sila. Wala man lang pag-aanlinlangan ito kahit may dalawang pares na mata ang kanina pang nakatingin rito at susulyap sa kanya.

"I think,Maia like you,"pukaw sa kanya ni Tiara.

May ngisi na panunudyo ito ng lingunin nya ito habang pabalik na sila sa opisina.

"I don't know you're talking about," maang-maangan niyang saad. Pinatiling blanko ang emosyon sa kanyang mukha.

Kahit hindi niya ito lingunin alam niyang nakangisi pa rin ito.

"Eh ano yung nadatnan ko kanina sa opisina mo? She's smiling at you while you,uh,look like,hmm..tulala?"

Marahas na humarap siya rito na kinatawa nito sa inakto niya. Isang masamang tingin ang pinukol niya rito.

"Pinagbigyan na kita sa gusto mo,Tiara..hindi ko gusto ang pinatutunguhan ng mga sinasabi mong yan..i..I still don't like her," seryoso niyang saad pero di niya napigilan na mapahinto sa huling salita na binitawan niya.

For real,Mathew? You don't like her?

Napanganga sa kanya ang pinsan lalo na at nakita nitong seryoso na siya at naiirita na.

"Marami pa kong papeles na babasahin," saad niya pagkaraan at iniwan itong hindi na nakaimik sa kanya.

Napatiim-bagang na lang siya at agad na winaksi ang babae.

She like you,man!

Shut up,mind!

Hindi na niya namalayan ang oras kung hindi pa siya kinatok ng sekretarya niya para magpaalam na baka hindi pa niya malalaman na lagpas na ng office hour nito. Pero nanatili pa rin siya sa opisina niya hanggang sa maisipan niyang umuwi na.

Pinagpapasalamat na lang niya nawaglit na sa isip niya ang modelong yun pero alam niyang magugulo na naman ang sistema niya sa oras na magsimula na ang pagtatrabaho nito sa kanila.

Marahas siyang napabuga ng hangin at pagod na nahiga sa kanyang kama. Ipinikit ang mga mata pero agad din napadilat ng gumitaw sa isip niya ang mala-anghel na mukha ng modelong yun.

Kasunod naman niyun ang nasaksihan niyang ginawa nito. Ang pagsipa nito sa kotse kung sino man ang may-ari niyun.

She's really that violent? Naghahanap ng gulo?

And why is she do that,anyway? Sino naman kaya ang may-ari ng kotseng iyun?

Marahas siyang napabalikwas sa mga iniisip niya.

"Damn..bakit ko ba iniisip ang mga yun?" bulalas niya.

Kung ganun nga kabayolente ito dapat lang na mag-ingat siya. Tamang gawin..umiwas dito. Imposible man pero pipilitin niya na hindi mapalapit dito.

Lalo na ngayon lantaran nitong sinabi na gusto siya nito.

But admit it..nagustuhan mo rin yun!

"Fuck!"

Lumabas siya ng kanyang silid at tinungo ang mini-bar niya at nagsalin ng alak.

Hindi niya napigilan pa na titigan ang kanyang palad kung saan nahawakan niya ang kamay ng modelo.

Mainit iyun. Hindi normal na init kaya agad na binitawan niya ang kamay nito dahil para siyang napaso?

Don't exagged,man!

Static..static yun,man!

Napalagok na lang siya sa alak na iniinom at muling nagsalin.

That woman,damn her!

I'm fuck up now!

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon