"Sinadya ang sunog,"saad ni Joel. Ang kaibigan abogado na siyang nanguna sa pag-imbestiga sa nangyari sa pagkasunog ng M-Hilton Bldg. Wala naman nasaktan empleyado maliban sa mga mahahalagang dokyumento na nasama sa nasunog.
"Sino naman ang gagawa nito?"puno ng kaseryusohan saad ng pinsan si Tiara.
Napaisip siya kung sino ang gagawa niyun. Wala naman siyang natatandaan na may nakaaway siya. Lahat naman ng nakakahalubilo niya kilala ang ugali niya.
Naikuyom niya ang mga palad na nasa ibabaw ng mesa. Ilang araw na mula ng simulan ang pagrerenovate sa gusali kaya naman mas naging abala siya.
" Babalitaan ko kayo agad kapag may nakuha ng lead sa CCTV,"untag ni Joel at nagpaalam na din.
Sinamahan ito ni Tiara palabas ng opisina niya na siyang hindi masyadong naapektuhan ng nasunog maliban sa labas ng opisina niya.
Frustrated na napahilamos siya sa kanyang mukha at pagod na napasandal sa sandalan ng swivel chair niya.
Ang dami niyang kailangan gawin dahil dun ilang araw na din na hindi sila nagkikita ng kasintahan. Isa pa sa iniisip niya ang pagsasabi nito kung sasama ba siya rito sa mundo na pinagmulan nito.
Pero...paano ang maiiwan niya rito?
Mahalaga sa kanya ang business na iniwan sa kanya ng magulang. Marahas na napabuga ng hangin si Mathew kasabay ng pagpikit ng mariin ng kanyang mga mata. Mahapdi na yun dahil ilang gabi na rin na hindi siya masyadong nakakatulog dahil sa nangyari sunog.
Damn! Bakit ngayon pa sumabay ang problema ito sa relasyon nila ni Maia?!
"Limitado lang ang pananatili ko rito..hindi ako babalik na hindi ka kasama..o kayo? Nangako ako sa iyong ina na sabay-sabay tayo babalik sa mundong-Colai.." untag ng ama sa prinsesa.
Magkaharap sila kumakain ng tanghalian ng Hari.
"May aasahan ba tayo sa kanya?" untag nitong muli ng hindi umimik ang prinsesa.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Maia bago nag-angat ng paningin sa ama na matiim na nakamasid sa kanya. Isang pilit na ngiti ang pinukol niya rito.
"Ayokong sumabay sa problema niya ngayon,ama..baka...imposible na," aniya sa pilit na pinasigla ang boses.
Isang iling at buntong-hininga ang tinuran ng Hari.
"Kung ganun..magpaalam ka na sa kanya," seryoso nitong saad.
Isang mabilis na tango agad ang tinugon ng prinsesa sa Hari.
"Gagawin ko,mahal na Hari," aniya kasabay ng paglukob ng lungkot sa buo niyang pagkatao.
Walang Mathew sa silid nito ng puntahan ni Maia ng gabing iyun ang bahay ng kasintahan.
Sobrang busy niya nakalimutan na din niyang matulog..at tayo..untag ng wolf niya.
Nalulungkot at dismayadong napatitig na lang sa bakanteng kama ang prinsesa.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Maia ng makitang natutulog sa desk nito sa opisina ang kasintahan. Nagkalat ang mga papeles na ang ilan ay may sunog na.
"Namimiss na kita...pero mas mamimiss kita kapag...nasa mundong-Colai na ko," usal niya at hindi na napigilan pang tuluan ng ilang luha mula sa kanyang mga mata.
"Mahal na mahal kita,Prinsipe ko..sa tingin ko hanggang dito na lang tayo," lumuluhang saad niya.
Maingat na hinalikan niya sa gilid ng nuo nito ang kasintahan na mahimbing pa rin na natutulog.
I hate this goodbye!
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
WerewolfPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...