"Hinayaan na kitang huwag matuloy yung photoshoot with that swimwear,Mathew! Ngayon,ako naman ang masusunod,baka nakakalimutan mo kasama yun sa ilalaunch natin ngayon!" naiiritang saad ni Tiara kay Mathew.
Hindi alam ng mga ito na naririnig niya ang pinagtatalunan ng magpinsan dahil nasa labas ng dressing room nag-usap ang dalawa.
Naiwan siya sa loob kasama ang manedyer niya na si Tita Emma at ang make-up artist niya.
"May problema ata," untag ni Tita Emma. Hindi man nito naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito agad naman nahalata nito na may problema.
Napabaling siya rito.
"Seloso ata yang Mathew mo,huh?" turan nito.
"Ha?"kunwa'y di niya gets ang ibig sabihin nito.
Tinaasan siya nito ng kilay. " Hula ko kasi baka ayaw ka niyang pagsuutin ng swimsuit..?"
"Ganun?"
"Hindi niyo ba napag-usapan yun?" anito.
Agad na naalala niya ng sabihin ni Mathew ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang photoshoot sa yate suot ang swimsuit.
He's possessive!
Agad na winaksi niya ang ngiti na gumuguhit sa mga labi niya.
"Come on,Mathew! She's a model! Ano? Mamili ka,magbaback-out ako o itutuloy ang pagsuot sa swimsuit?" panghahamon ni Tiara.
Napabuga siya ng hangin.
Kausapin mo na si Mate!
Parehong madilim at iritado ang anyo ng dalawa ng buksan niya ang pintuan.
"Maia," si Tiara. Kalmante man pero ramdam niyang kumukulo ang inis nito para sa pinsan.
"Can you please talk to him,ayaw niya ipasuot sayo yung swimsuit!" anito sabay talikod sa kanila.
"Mathew," untag niya rito.
Madilim pa rin ang mukha nito na bumaling sa kanya.
"Don't worry,sandali lang naman yun eh.." aniya.
Lalong dumilim ang anyo nito. Agad na niyakap niya ito ng buong lambing.
"Ayaw kong magkaroon kayo ng alitan ni Tiara..masasayang ang pinagpuyatan at pinaghirapan niya kung..hindi makikita ng lahat ang pinaghirapan niya di lang siya pati na rin ng iba pa.." pangungubinsi niya sa kasintahan.
Hindi ito umimik. Mabilis na hinalikan niya ang nakatikom nitong mga labi.
"Pumayag ka na,please?"aniya.
Muli niyang pinatakan ng halik ang mga labi nito. Humigpit ang pagkakahapit nito sa beywang niya.
" Damn.."anas nito at hinagip ang mga labi niya.
Oh-uh! Sunog!!!!
"Payag ka na?"
Napipilitan na tumango ito bilang tugon.
"Thank you!"
Tama na,prinsesa! Come on!
Agad-agad na bumitaw siya sa kasintahan.
"Kailangan ko ng maghanda,okay?" aniya sabay mabilis na pumasok ulit sa dressing room.
"Ohh? Saan ka galing? Bakit pawis na pawis ka?!" nanlalaki ang mga matang bungad ni Tita Emma sa kanya.
Natatawang umupo siya muli sa harapan ng salamin agad naman lumapit sa kanya ang make-up artist niya.
"Paypayan mo nga yan!" utos ni Tita Emma sa babae.
"Ayos lang..mainit sa labas saka,uh,ninerbiyos ako e," pagdadahilan niya.
Nakikini-kinita niya na napatirik ng mga mata ang lobo niya.
So lame...
Pinigilan niyang mapasimangot. "Pahingi ako tubig,Tita Ems," aniya.
Agad naman siya inabutan nito ng tubig.
"Baka naman may ginawa kayo ni Mathew?"
Muntik ng masamid ang prinsesa sa sinabi nito. Natawa naman ang make-up artist pero pigil iyun.
Nanlalaki ang mga mata niya na inikot niya ang upuan paharap sa nakataas na kilay na manedyer. Pagdududa ang makikita sa mga mata nito.
"For real,Tita Ems? Saan naman namin gagawin yun?"
"Nasabi ko lang naman," anito.
Napailing siya. "I'm hurt,Tita Ems..feeling ko iniisip mo na easy to get ako," nagdadrama niyang saad.
"Hay naku! Nasabi ko lang,syempre kilala kita noh,mahawakan ka lang nanunuhod ka na eh..well,baka exception si Mr.Hilton!"
Tinawanan niya ito.
Manyak ba tayo?
"Don't sorry,Tita Ems..I'm still virgin," aniya na kinamaang nito.
Nginisihan niya ito. Hindi naman na napigilan pa ng make-up artist na matawa.
Yeah,yeah...pure and virgin! But not innocent!
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
WerewolfPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...