Chapter 37

2.7K 99 5
                                    

May pagtataka na wala sa kabahayan si Maia ng makapasok siya sa loob. Binigyan siya ng duplicate key ng dalaga kaya kahit anong oras pwede siyang makapasok sa bahay nito.

Samantala,hindi naman niya makontak ang manager nito dahil busy ang line nito.

"Maia?" muling pagtawag niya rito. Hanggang ngayon namamangha pa rin siya sa kulay ng bahay. Moderno ang mga kagamitan pero mas nakakakuha ng atensyon niya ay ang kulay dilaw na pintura ng pader. Masarap sa mata ang paligid dahil sa kulay niyun.

Pinangahasan na niyang ikutin ang buong bahay dahil nagsisimula na siyang mag-alala para sa dalaga.

Baka nakatulog lang ito. Malamang nasa silid nito kaya naman hinayon niya ang hagdanan nasa palagay niya ay kung saan naroroon ang silid ng dalaga.

Agad na hinanap ng mga mata niya ang hallway. May dalawang pintuan na magkatapat lang ang meron roon. Agad na lumapit siya sa kanang pinto. Hindi siya sigurado kung alin sa dalawang pinto ang silid ng dalaga pero kumatok pa rin siya.

"Maia?" pagtawag niya muli sa dalaga. Pinihit niya ang doorknob at namanghang hindi iyun nakalock. Tinulak niya pabukas ang pintuan at agad na sumalubong sa pang-amoy niya ang amoy ng dalaga.

It's her room.

Agad na tinalunton ng mga mata niya ang kama pero wala roon ang dalaga. Humakbang na siya papasok sa loob. Nakabukas naman ang pintuan ng banyo kaya wala roon ang dalaga.

"Damn,where the hell is she?" bulalas niya.

Muli niya dinukot ang celpon sa bulsa ng pantalon niya.

Hindi pa nakakauwi ang dalaga at nag-aalala na talaga siya!

"Shit!" bulalas niya ng hindi pa rin makontak ang manager ng dalaga.

Ngayon lamang niya natanto na wala nga pala siya kontak sa dalaga. She don't use any gadget even that cellphone,fuck! Bakit ba wala itong celpon?!

Nakapameywang na idinial na niya ang numero ng pinsan. Baka magkasama lang ang mga ito!

Nagriring na ang nasa kabilang linya ng mahagip ng mga mata niya ang dalawang polo na pamilyar sa kanya.

Nakahanger ang mga iyun at nakasabit sa hawakan ng sa tingin niya closet ng dalaga.

Kunot ang noo na agad na nilapitan niya ang kinaroroonan ng mga yun. Baka magkapareho lang ng polo niya na nawawala sa closet niya!

Agad na inabot niya ang isang polo at napaawang ang mga labi ng makita ang initial name niya na nakaukit sa butones na nasa dulo ng sleeves.

What the fuck?!

"Hello? Napatawag ka may nakalimutan ba?" tugon na ng pinsan sa kabilang linya.

Pero nasa polo pa rin ang atensyon niya. Ang isa naman ang inabot niya at gaya ng huli pag-aaari din niya iyun!

Imposibleng magkaroon ng ganoon ang dalaga dahil personal na pinagawa niya  iyun sa pinsan lalo na ang mga butones sa cuffslock!

Paano napunta ang mga ito sa dalaga?!

"Mathew? Are you there?!"pukaw sa kanya ng pinsan na nasa kabilang linya pa rin.

Damn!

Pinatay niya ang tawag na hindi sinasagot ang pinsan. Gusto niya makasiguro na tama ang hinala niya. Nagmamadaling nilisan niya ang bahay ni Maia.

Ang pinakabit niyang CCTv sa kwarto niya ang siyang magpapatunay sa hinala niya.

Darn it!

Bakit?!

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon