Chapter 16

3.2K 146 15
                                    

Oh come on,cheer up,princess!

Masama ang pakiramdam niya dahil sa sinabi ni Mathew sa kanya. She feel so ashame to herself.

Kung hindi lamang ito ang lalaking itinakda sa kanya baka naumbagan na niya ito. Isa siyang prinsesa at wala sinuman ang pangahas na tatratuhin siya ng ganun pero..hindi naman niyang kayang gawin yun sa mate niya. Saktan na niya ang ibang tao wag lamang ito. Hindi niya magagawa yun sa lalaking kukumpleto sa buhay niya.

Yun nga lang ang sama niya sayo,prinsesa!

Napabuga siya ng hangin na agad naman napuna ni Vin,ang photographer niya.

"Hey,you okay? Naiinitan ka na ba?" may pag-aalala nitong saad sa kanya.

Pilit na nginitian niya ito. "Hindi,ayos lang..uhm,okay na ba?"

"Oo..very fantastic ng lahat ng kuha mo,para kang anghel na bumaba mula sa langit,"puno ng paghanga nitong saad.

Oh-oh! He likes you!

" Salamat,"aniya sabay talikod rito.

Kung si Mathew lang ang nagsabi ng mga yun,hay...ngayon pa lang ang hirap ng makuha ang atensyon nito! Paano pa kaya kapag nalaman nito ang totoo niyang katauhan?

Na sana matanggap niya agad tayo..gaya ng mga naunang prinsesa!

Muli siyang napabuga ng hangin. Agad na napangiti ng salubungin siya ni Tiara.

"Don't smile with a force,babe..I know you're not,"bungad nito sa kanya.

"Ngayon pa lang palpak na ko na i-impress siya," tugon niya na hindi na itinago ang totoong nararamdaman.

"Hey,huwag kang mag-alala may nalaman ako na tiyak na ikatutuwa mo," anito sa kanya.

"Talaga?"

Ngumisi ito. "I know it's like betraying my own cousin pero alam mong suportado kita," pangbibitin pa nito.

"Tell me now.."

Luminga-linga muna ito bago tumugon sa kanya.

"He's jealous,"saad na nito.

Unti-unti napaawang ang mga labi niya. Ang puso niya na tila huminto saglit at tumibok ng ubod ng bilis.

" F-for real?"

"He's denying..but I know him with all my life,he's jealous,kaya kung anuman ang sinabi o pinakita niya sayo kanina..dahil yun nagseselos siya kay Vin," anito na tila kinikilig na.

Napakurap-kurap siya.

Hindi nga...?

Maya-maya pa ay nabanat ang mga labi niya. Napangisi siya sa nalaman iyun. Bakit nga ba hindi niya naisip ang bagay na yun?!

"Kaya naman..may naisip akong idea," anito na sinamahan pa ng pagkindat sa kanya.

"What idea?"

Ngumisi ito. "You make him more jealous para bumigay na sya. I know him kapag hindi na siya nakapagpigil pa bigla na lang yun bibigay gaya kanina ng makausap ko siya.."

Bago pa man siya makapag-isip natanaw niya sa malayo ang bulto ng dating panginoon.

"Zei.."

"Huh?" anang ni Tiara at nilingon ang tinitingnan niya kung saan.

"Ohh..who's that hot guy?!" puno ng paghanga saad ni Tiara na titig na titig kay Zei.

Wearing a white shortsleeves polo na hindi nakabutones ang harapan kaya naman nakabalandra ang tan abs nito at  tinernuhan pa ng boardwalk shorts na tila isa din itong modelo na naglalakad sa gitna ng mga taong napapatingin rito.

"Damn! Who's that?!"si Tiara muli. " Ayy..may girlfriend na?"bigla pagkadismaya saad nito na kinatawa niya.

"He's my friend..and that woman beside him is his daughter," aniya na kinamulagat nito.

Mahirap na baka ipilit siya nito ilakad kay Zei. May pagkamaldita pa naman ito!

"No way!"

Tinawanan niya ito na tigagal na tigagal ang hitsura.

May naisip na siya. Zei will help her..for sure!

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon