Muling pinagmamasdan ni Maia ang nahihimbing na si Mathew sa pagtulog nito. Nakaluhod siya sa gilid ng kama nito kung saan nakabaling ang mukha nito. Suot ang isa sa mga polo nitong muli.
Alam na siguro niya na may kumukuha ng polo niya?
Sa dami niyun baka hindi na niya mapansin,Wolfie. Saka ibabalik naman natin kapag sawa ko ng amuyin..pilya niyang tugon rito.
Yeah,parang obsess lang ganern..
Tayong dalawa.
Okay,wala na ko sinabi..
Napangiti siya sa pagsuko ng wolf niya.
She heave a deep sigh.
"Bakit kaya kahit tulog siya ang gwapo pa rin niya?" anas niya habang nakangalumbaba ang mga palad niya sa gilid nito.
Tanging liwanag ng buwan lang ang tanglaw sa silid nito na sumisilip sa bahagyang nakabukas na balkonahe nito sa kung saan siya dumadaan palagi.
Tama lang na gwapo ang itinakda satin,princess..sa ganda ba natin nababagay lang tayo sa gwapong mukha na yan..
Napangiti ang prinsesa sa sinabi ng wolf niya. Agad na rumihistro sa isip niya ang nangyari halikan nila ng binata. Agad na nag-init na naman ang pakiramdam niya.
Muntik na tayo kanina,prinsesa! Kulang na nga lang may lumabas na usok sa katawan natin!
Napabuntong-hininga ang dalaga. Hindi kailanman niya maaaring balewalain ang dinadanas niya. Ito lamang ang makakapawi ng in heat niya.
Eh kung samantalahin na kaya natin habang tulog siya?
"Hindi magandang ideya,wolfie..hindi...enjoy?" aniya sabay nag-init ang mga pisngi niya. May naglalaro na rin eksena sa isip niya.
Aahhh! Stop it,princess! Kung anuman yan iniisip mo,stop it! I'm so innocent here!
May umalpas na tawa sa mga labi niya at agad na natakpan niya ang bibig ng isa niyang palad ng biglang gumalaw ang binata.
Huwag kang maingay,prinsesa..mahuli na naman tayo niyan!
Napakagat na lang sa pang-ibabang labi ang prinsesa at muling pinagmasdan ang tulog pa rin na si Mathew.
"Matatanggap mo kaya ako kapag nalaman mo na kung sino taLaga ako at kung ano ako?" anas niya habang matiim na nakatitig sa mukha ng binata.
Nanatiling tahimik na ang wolf niya.
Pareho nilang hindi alam ang mangyayari at kung ano ang magiging reaksyon nito sa oras na malaman na nito ang tunay na pagkatao niya.
"Kung sakali man na hindi mo ako matanggap...mahal pa rin kita,"wika ng prinsesa sa tunay na damdamin niya Para sa lalaking itinakda sa kanya.
Alam niyang ng itakda ng propesiya o bago pa ay alam niyang sa kaibuturan ng puso niya ay nakaalay na rito ang puso niya..ang pagmamahal niya na para lamang sa lalaking itinakda sa kanya.
Para kay Mathew Hilton.
" Mahal kita,Mathew.."muli niyang sambit sa dalawang salitang iyun.
Sana ganun din ang damdamin niya para sayo,mahal na prinsesa..
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
LobisomemPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...