Chapter 3

3.1K 121 2
                                    

That jerk!

Nanggagalaiti sa inis ang kanyang wolf habang pinapanuod ang interview ni John Amonte tungkol sa nangyaring pananakit niya rito.

She look so calm outside pero nagpupuyos sa galit ang kanyang inner wolf.

"I was being a gentleman that time dahil nakita ko siyang pasakay ng kotse niya then I think minasama niya ata ang paghawak ko sa kanya..at alam ng lahat na may pagkabayolente nga siya but..I already forgiven her. Hinahangaan ko pa rin siya in a romantic way.."

Mapang-uyam na gumuhit ang ngisi sa mga labi ni Prinsesa Maria Adrialyn pagkatapos marinig ang mga sinabi nito. Bayolente pala huh?

Balikan natin ang unggoy na yan!

Calm down,wolf..huwag kang mag-aalala patutunayan natin sa kanya na bayolente nga tayo.

"Talaga siya pa ang lumabas na biktima huh!"agad na bungad ni Tita Emma ng sagutin niya ang tawag nito.

Napabuga siya ng hangin. Hindi na sana niya papansinin pa ang mga sinabi ng lalaking iyun pero inakusahan siya nitong bayolente?!

Isa siyang lapastanganan nilalang!

Humugot muna sya ng malalim na hininga bago siya nagkomento sa kabilang linya. " Hayaan na natin siya,Tita Emma..sa amin dalawa siya ang nasaktan kaya..cool ka lang,okay?"kalmante niyang saad.

"Hay Naku! Kapag nakita ko ang lalaking yun iirapan ko talaga siya!"

Natawa siya sa sinabi nito at nagpaalam na rito para magpahinga na siya.

Hindi ko papalagpasin ang sinabi ng unggoy na yun!

Kinabukasan,maaga siyang lumabas ng bahay suot ang isang jacket at jogging pants na kulay dilaw. Her color.

Tinungo niya ang tirahan ni John Amonte sa isang subdivision. Kakasikat lang ng araw kaya walang magiging saksi sa gagawin niya.

A little revenge.

Nakataklob ang hood ng jacket niya sa kanyang ulo. Nakangisi na tumapat siya sa sports car ng binata.

Nararamdaman niyang nahihimbing pa sa pagtulog ang lalaki sa loob.

Bring it on,princess!!!

Walang pagdadalawang-isip na walang anuman na sinipa niya ang gilid ng kotse dahilan para pumutok ang gulong kung saan parte tumama ang power kick niya.

Kasabay ng pagsipa niyang iyun ang pagkakaalis ng pagtaklob ng hood sa ulo niya pero hindi na siyang nag-abala pang itaklob ulit yun. Agad na nilisan niya ang lugar na yun bago pang may makakita sa kanya.

Nakangisi na nagjogging siya na parang wala lang nangyari. Mabuti na lang walang warning alarm ang kotse kaya walang kamalay-malay ang may-ari niyun ang ginawa niya sa kotse nito.

Sana binalibag na lang natin!

Nah..pinagbigyan na kita,wolf..

Alright,salamat,mahal na prinsesa...

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon