Chapter 17

2.9K 113 2
                                    

"Grabe nakita mo ba yung guy na nakaputing polo? Sobrang gwapo! Para syang Greek God!" impit na tili ng isang babaeng empleyado sa reception area ng hotel ng mapadaan siya roon.

At sino naman ba ang pinagkakaguluhan ng mga ito maliban sa photographer na yun?!

Bakit ba init ng ulo,Mathew?

"Hi,Mathew.."

Agad na natigil siya sa paglalakad ng salubungin siya ni Ciara.

"Nalaman ko na dito pala kayo nagphoto shoot nagkataon naman na madadaanan ito sa pinanggalingan ko kaya huminto na ko rito," nakangiti nitong saad.

Lihim na napabuga na lang siya ng hangin. Hindi na nga maganda ang mood niya mukhang madadagdagan pa ng isa.

Hell,Mathew! Ikaw lang nagpapakomplikado sa sarili mo! Aminin mo na kasi!

"Ohh..sorry,hindi mo ata nagustuhan ang paparito ko,"pukaw sa kanya nito na may himig na hinanain.

Napabuntong-hininga na lang siya.

" May nakuha ka na bang cottage?"aniya. Kahit papaano kailangan pa rin niya ito pakitunguhan ng maayos.

Agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito.

"Wala pa nga eh," anito.

Tumango siya at agad na iginiya ito sa may reception area na agad naman nagsiayusan ang mga empleyado roon ng makitang papalapit siya sa mga ito.

"Good afternoon,Sir Mathew!" bati ng mga ito.

Seryoso lang na tinanguan niya ang mga ito.

"Same cottage for Ciara,"businesslike niyang saad sa mga ito na agad naman nagsitalima.

" Yes,Ma'am..here's your key,"agad na bigay ng isang empleyado kay Ciara ng susi sa cottage na lagi nito ginagamit.

"Pakisamahan siya," utos niya sa mga ito. Nang bumaling siya kay Ciara. Dismayadong napahalukipkip na lang ito.

"May gagawin pa ko kaya hindi na kita masasamahan,enjoy your stay," aniya.

"Okay..pero sabay tayo mag-dinner ha?"

"Titingnan ko," aniya.

Napasimangot na ito ng tuluyan sa kanya. Hindi na siya kumibo. Alam naman nitong ganun niyang pakitunguhan ito. Hindi siya mapipilit nito.

Palapit na siya sa may elevator ng may lumapit sa kanyang lalaki.

"Mathew Hilton?" anang nito.

Nangunot ang nuo niya.

Puting polo? Mukha daw Greek God?

Nakaputing polo kasi ito.

Madali siya makatanda ng mukha ng isang tao sa paligid niya at ngayon lang niya ito nakita. Malamang sa malamang ito ang pinag-uusapan kanina ng nasa reception area.

"Do I know you?" pormal niyang tanong rito.

Ngumisi ito.

Agad na napuna niya ang mga babaeng nakakakita rito. Napapatitig na may paghanga sa lalaking na nasa harapan niya.

"Zei.." pagpapakilala nito sa kanya.

Inabot naman niya ang pakikipagkamay nito.

"May nais lang sana akong ibigay sayo ng personal," anito sabay taas ng bitbit nito sa kabilang kamay. Isang paper bag.

"Isa itong espesyal na regalo,pagpapasalamat para sa pagkuha niyo na maging modelo ng M-Hilton si Maia Nuenzio," anito.

Agad na nakuha ang atensyon niya sa sinabi nito.

Kaano-ano ito ni Maia?

Damn!

Oh-oh!

Hindi niya sana iyun tatanggapin dahil hindi niya gusto ang malaman na may iba na naman lalaki na nakakakilala kay Maia. O mas malapit rito? Nobyo?

But in second thought. Ano ba ang pakielam niya kung sino pa ito sa buhay ni Maia Nuenzio?

"Salamat," aniya ng abutin niya iyun rito.

Ngumisi itong muli.

"Masaya ako na makilala ang lalaking itinakda sa kanya," mahiwaga nitong saad.

Bago pa man siya makapagtanong sa sinabi nito may tumawag sa kanya at napalingon siya roon. Ang sekretarya niya.

Pagkaharap niya muli sa kausap wala na ito.

The hell?

"What is it?"agad na tanong niya sa sekretarya ng makalapit ito sa kanya.

" Pinapasabi po ni Ma'am Tiara kung sasama kayo sa next photo shoot?"

Of course,sasama siya! Siya ang boss kailangan makita niya na maayos ang pagtatrabaho ng mga ito!

Siyanga,Mathew? Dalawa na silang babantayan mo

Napatiim-bagang siya.

Jea--

Shut up,mind!

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon