Tahimik lang si Mathew habang nakatitig sa nitso ng kanyang mga magulang. Isang pribadong sementeryo na walang gagambala sa pagbisita niya roon. Ilang araw na mula ng pabalik-balik siya sa libingan ng mga magulang. Tahimik lang siya hanggang sa abutin siya roon ng hapon.
Hindi siya klaseng tao na naglalabas ng saloobin pero...namalayan na lamang niya na kinakausap na pala niya ang puntod ng mga magulang.
"Mahal ko siya..pero..ang hirap tanggapin..hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya paniwalaan," anas niya. Mga salitang iyun na paulit-ulit niyang sinasambit.
Nang masaksihan niya ang pagbabago ng dalaga at hindi talaga iyun isang panaginip. Aaminin niya. Natakot siya sa dalaga. Nakaramdam siya ng takot!
Pero...nahihiya siya. Naging duwag siya!
Tama ba na katakutan niya si Maia?!
Marahas na napabuga ng hangin si Mathew. Tahimik na muli siya. Ilang araw na siyang nagmumuni-muni sa lugar ito pero paulit-ulit pa rin bumabalik sa alaala niya ang eksena ng gabing iyun.
Hindi siya makapaniwala talaga. Naging totoo ang panaginip niyang iyun.
Totoo siya!
Ang malaking nilalang na yun..si Maia.
Naikuyom niya ang mga palad at agad na natigilan ng may biglang naglapag ng kulay dilaw na rosas sa tapat niya. Sa nitso ng kanyang mga magulang.
Mabilis na nag-angat siya ng mukha upang mapasino kung sino iyun.
"Pasensya na ngayon lang ako nakadalawa sayo," anas nito habang matiim na nakatunghay sa puntod ng magulang niya.
Agad na tumayo siya dahiL nanatiling nakatayo lang sa gilid niya ang lalaki.
Hindi niya ito kilala pero base sa anyo nito mukhang hindi nalalayo ang edad nito sa kanya.
Bumaling sa kanya ang lalaki at napatitig siya sa mga mata nito. Parang nakita na niya ang mga matang iyun.
Same with her. Mga mata ni Maia!
"Mathew Hilton,tama?" sambit nito sa pangalan niya.
"Ako nga.." tugon niya na may pagtataka pa rin kung sino ito.
Tumango ito muling bumaling sa puntod.
"Nababanggit niya ba ko sayo?"tanong nito na hindi sumusulyap sa kanya. Nakapamulsa ito at base sa tindig nito tila naging isa itong modelo..o isang modelo nga talaga?
" Depende kung malalaman ko kung sino ka?"tugon niya rito.
Tumango ulit ito. The way his act. Hindi ito palasalita at intimidating.
"Patrikk Nuenzio,naging manager ko ang iyong ina," sagot nito na kinamaang niya.
Sumulyap ito sa kanya. Tulala siya nakatitig rito.
Patrikk Nuenzio?
Ang ama ni Maia Nuenzio?!
Imposible!
Bakit ang bata pa nitong tingnan?!
"I'm the father of Maia Nuenzio,I know you already knew that,"pagsawika nito na nasa isip niya.
Hell!!!
"I-impossible..." tuliro niyang saad.
"There's no impossible in this world,young man..posible din magkaroon ng tulad namin mga lobo," matiim nitong sabi sa kanya na lalong nagpagitla sa kanya.
He's a wolf,too?!!!
"Hindi ko hihilingin na tanggapin mo ang mga tulad namin,Mathew..kahit na ikaw pa ang mate niya o ang lalaking itinakda sa prinsesa ng mga dilaw na lobo hindi ko hahayaan na saktan mo siya,"anito at mahihimigan ang babal sa tono nito.
"Kung hindi mo kayang tanggapin ang tunay niya pagkatao,ayos lang..hindi niya kailangan ang isang tulad mo...hindi ka nababagay sa kanya na...isang duwag," mariin at puno ng talim nitong sabi na siyang tumatak sa isipan ni Mathew.
Tulirong nakatanaw sa kawalan ang binata kahit kanina pa na umalis si Patrikk Nuenzio.
Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari!
Hindi pa nga niya lubusan maisip ang malaman ang totoong pagkatao ni Maia dumagdag pa na makaharap niya ang ama nito na isa din lobo.
Alam ba ng mama niya ang tunay ng pagkatao ng huli?
Malamang hindi!
Mariin niyang naipikit ang mga mata.
Duwag ka..
Hindi ka nababagay sa kanya...
Isang duwag...
Tiim-bagang na napamulat ng mga mata si Mathew.
Tama si Patrikk Nuenzio,duwag siya!
Mahal mo pero duwag ka naman panindigan yun!
Duwag ka,Mathew!
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
WerwolfPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...