Hindi mo sinabi ang epekto niyun,prinsesa!
Natawa si Maia sa sinabi ng wolf niya. Siyang-siya siya habang pinapanuod si Mathew na inuubos ang laman ng bote.
"Sasabihin ko rin naman," nakangiti niyang saad.
Nakikini-kinita niya na napatakip na lang sa mga mata ang wolf niya.
Aaminin ni Maia na nakakaramdam siya ng excitement. She's not innocent about the mating.
Agad na natigilan siya ng maramdaman ang isang presensya mula sa labas ng bahay.
Tss! May panira ng moment..
Bago pa man makapagdoor bell ang babae binuksan na niya ang pintuan at gulat na gulat na napatitig sa kanya si Ciara.
"Morning," friendly niyang bati rito.
Napaawang ang bibig nito ng humagod sa kabuoan niya ang mga mata nito.
"Hmm,si Mathew ba?"painosente niyang untag rito.
Tumalim ang mga mata nito sa kanya.
" Kayo na ba? Bakit suot mo ang damit niya? Dito ka ba natutulog sa bahay niya?"tahasan at sunod-sunod nitong tanong sa kanya.
Nanatili ang friendly smile sa mga labi niya kahit gusto na niya itong suplahin.
Panalo na tayo sa puso ni mate eh!
"Sinong kausap mo dyan,Maia?"
Lalong napamaang ang babae ng yakapin siya mula sa likuran ng binata.
Hala! Umepekto na!!!
Agad na kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngiti.
"Ciara?"
"Mathew.." maang nitong turan.
Nanatili lang nakayakap sa kanya si Mathew.
"Ikaw pala...napadaan ka?"
"Ahm,o-oo..anyway,aalis na rin ako..ayokong makaabala," anito Ngunit bago ito tumalikod isang matalim na tingin ang pinukol nito sa kanya.
Ha-ha! Kung nakakamatay lang yun baka kanina pa tayo nakabulagta!
Napukaw siya ng humigpit ang yakap sa kanya ng binata. Nagsisimula na rin mag-init ang pakiramdam niya.
Not now! Patirik na ang araw!!!
"Maliligo lang ako..biglang uminit pakiramdam ko," halos paos ang boses nitong saad.
"Okay.."
Hindi ito kaagad bumitaw sa kanya. Sinubsob nito ang mukha sa leegan niya.
"Why I'm feeling so hot now.." anas nito sa balat niya.
Control!
"Sige na..may..pasok ka pa sa opisina," aniya.
Humugot ito ng hininga bago sya pinakawalan.
Nagdidilim ang mga mata nito ng lingunin niya ang binata.
"Alright," anito.
Nang makatalikod ang binata. Agad na pinunasan ni Maia ang gilid ng kanyang nuo ng may mamuong pawis roon.
"Ligo din kaya ako," aniya habang pinapaypayan ang sarili.
Ano? Sasabay ka sa kanya?
She laughed. "Ayaw mo naman eh!"
Not now..
"Hmm,pahard to get ka pa," buyo niya sa kanyang wolf.
Sumbong kita sa Hari!
Muling natawa ang prinsesa. Anytime soon. Magaganap na ang pinakahihintay niyang moment!
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
WerewolfPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...