Halos lahat na madadaanan sanga at puno ng kulay dilaw na lobo sa gitna ng kagubatan ay di alintana nito ang pagkabuwal ng mga iyun.
Patuloy lang sa pagtakbo ang lobo hanggang sa makarating ito sa hangganan ng gubat. Isang matarik na bangin. Buong tindig na tumayo sa dulo niyun ang lobo at kumawala ang isang alulong na puno ng pait at kabiguan.
Nagbalik sa dating anyong tao ang lobo. Niyakap ni Prinsesa Maria Adrialyn ang magkadikit na mga tuhod habang wala ni kahit anong saplot sa katawan.
Tumulo ang mga luha niya. Hindi maalis sa isip niya ang nakitang takot sa mga mata ni Mathew para sa kanya bago pa man siya pagtabuyan nito agad na nilisan niya ang silid nito. Ang tahimik na pag-iyak niya ay unti-unting lumalakas iyun.
Alam niyang mangyayari ito pero masakit pa rin talaga kung talagang harapan na katakutan ka ng lalaking itinakda sayo.
Tahan na,Mahal na prinsesa! Hindi na dapat siyang iyakan pa! Kung siya talaga ang itinakda sayo tatanggapin ka niya...pero kung hindi kahit na siya pa ang mate natin...wala na tayong magagawa roon.
Duwag siya!!!
Unti-unting nahimasmasan ang prinsesa. Tama ang wolf niya. Bakit pa niya iiyakan ito? Hindi siya isinilang sa mundo ito para lamang maging mahina dahil lang sa isang lalaki!
Isa siyang prinsesa ng mga lobo at wala siyang karapatan na ngumawa dahiL lang sa nabigo siya!
Nagpahid ng mga luha ang prinsesa at tumindig.
"I'm the princess of yellow wolves district...kaya kong gampanan ang pagiging prinsesa ko kahit wala siya sa tabi ko,"bulalas niya sa hangin. Taas-noo niya iyun sinambit sa hangin.
" Thank you so much..trending na ngayon ang mga designs ko!"tuwang-tuwa pagpapasalamat ni Tiara sa kanya ng puntahan niya ito sa opisina.
Isang tipid na ngiti ang itinugon niya rito na agad naman nito napansin.
"You okay?" puna nito.
"Oo naman," agad na tugon niya.
"Kung hindi mo mamasamain,nag-away ba kayo ni Mathew? Nagpaalam siya sakin kanina umaga na mawawala ng ilang araw..uhm,nagsabi ba sayo?"
Umiling siya. Masakit na nga ang nangyari ng nakaraan gabi nadagdagan pa ngayon na wala man lang ito pasabi na mawawala.
Bakit pa? Hindi ba nga natakot satin?
Inabot nito ang kamay niya at puno ng simpatya na pinisil nito ang palad niya.
"Kung anuman yan pinag-awayan niyo,maaayos din yan! Alam ko kung saan siya nagpunta," anito.
"Ayos lang..kailangan muna siguro namin ng oras," aniya.
"May kinalaman ba dito yung isyu niyo ng Amonte yun?" hinuha nito.
"Naayos naman na yun..hmm,okay lang ako,Tiara..salamat sa pag-aalala," aniya.
Bumuntong-hininga ito.
"Okay pero kung gusto mo..nasa bulacan lang siya. Sa probinsiya ng Mama niya," anito.
Tumango na lamang siya rito. Madali niya ito mahahanap kung tutuusin pero..maninindigan siya na hindi na dapat na siya maghabol pa na ayaw sa kanya.
Hindi siya martir para makita muli na katakutan siya nito.
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
WerewolfPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...