Napabuga ng hangin si Mathew,hindi dahiL sa frustrated siya kundi dahiL kay Maia na kanina pang sinusundan ng tingin ang bawat galaw niya habang pinagluluto ito ng almusal.
Yeah,matapos ang komprotasyon ay dito sila humantong.
"Mas lalo kang gumagwapo dahil marunong kang magluto!" namamangha nitong pukaw sa kanya.
Nakangiti ang mapupulang labi nito habang nakangalumbaba ang isang kamay nito.
Nilapag niya ang isang plato na may hotdog sa harapan nito. "Hindi ko yun alam," saad niya. Pilit na sinusupil ang ngiti sa mga labi.
Damn,Mathew! Nagkaaminan na nga lahat-lahat reserved ka pa rin sa sarili mo?!
"Ngayon alam mo na! Suplado ka kasi kaya siguro may mga babae na hindi ka mapuri," anito.
Bumuga siya ng hangin at umupo sa kaharap nito. "Kasalanan ko ba kung takot sila sakin?"
Napangisi ito at inalis na ang kamay sa ilalim ng baba nito. "Sungit mo talaga.."
Bago pa man nito makita ang ngiti na sinusupil niya pinaglagyan niya ito ng pagkain sa plato nito.
"Thank you ," anito.
"Kumain ka na," utos niya rito.
Agad naman ito sumubo ng fried rice.
"Pasensya na..hindi ko naisip na itanong ng derekta sayo kung nasa relasyon ka ngayon.." maya-maya untag niya.
"Bakit mo naman naisip na may nobyo ako?"
Tumingin siya rito. "Maia..hindi posible na magkaroon ka ng kasintahan..you..you're really beautiful ,you know that,"
Napangisi ito sa sinabi niya.
Damn! Bakit ba pakiramdam niya kinakahiya niya ang sarili..na puriin ito?!
Hindi ka lang sanay,Mathew.
Ito ang unang beses na nagkagusto ka sa isang babae.
"TaLaga? Maganda ako? Pero sabi mo ayaw mo sakin?" may panunudyo sa tono nito sa huling sinabi.
Naipikit niya ang mga mata. "Stop teasing me about that,Maia..I'm busted now,alright?" may panunungit niyang tugon rito pero tinawanan lang siya nito.
Napailing na lang siya.
"The more you hate the more you love!"pakanta nitong saad na kinangiwi niya sa sobrang pagkapahiya niya.
Mas malalala pa pala ito kaysa sa pinsan niyang mang-asar!
"Kumain ka na,Maia..ilang oras na lang tayo dito bago tayo umalis,"aniya sa seryosong anyo.
Nangingiting sumubo naman ito agad.
"Tayo na ba?"
Nasamid siya sa kinakain ng bigla na lamang ito magtanong sa kanya. Agad naman siya nito inabutan ng tubig na nasa gilid lang ng plato niya.
Awang ang mga labi ni Mathew ng titigan ang dalaga pagkatapos umayos ang lagay niya. Tumatawa ito ng mahina.
"That's not funny,Maia.." sita niya rito.
Agad naman tumigil sa pagtawa ang dalaga at apologetic na ngumiti sa kanya. "Sorry po..naexcite lang ako kung tayo na ba?"
Napakurap-kurap siya saka siya umiling. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit sinabihan niya ito na hindi niya gusto ang dalaga.
She's so fuvking adorable! Masiyahin pala ito at...mapang-asar!
"Hindi mo man lang ba hihilingin na...na ligawan muna kita?" wika niya at hindi maiwasan na makaramdam siya ng pagkailang.
Damn it..dahiL sa babaeng ito parang hindi na niya kilala ang sarili!
"Liligawan mo ko?" may kasiyahan nitong usal at bakas sa anyo nito ang excitement.
Wala bang nanliligaw dito?
"You seem so excited? Imposibleng walang nanligaw sayo?" maang niyang tanong rito.
Ang ngiti sa mga labi nito ay napalitan ng pagnguso. Agad na natuon ang mga mata niya roon. Bigla gumitaw sa alaala niya ang napanaginipan. Nang magkalapat ang kanilang mga labi ng dalaga.
Pero parang totoo nga yun!
Lihim siyang napasinghap ng tila naramdaman niya muli sa mga labi niya ang mainit at malambot nitong bibig.
Damn!
"Meron naman nanligaw,marami sila pero..agad ko sila binabasted,"sagot nito.
Matiim niya ito tinitigan.
"Ikaw lang ang lalaking hinihintay ko..ang..mate ko..ang itinakda sakin," anito na may ngiti sa mga labi.
Mate? Like soulmate?
"I'm not a romantic so...bear me," maya-maya komento niya.
"Ayos lang kahit walang roses and chocolates! Basta sakin ka lang!"
Napangiti siya sa pagiging possessive nito at aaminin niyang nagugustuhan niya iyun.
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
WerewolfPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...