Ito ang huling araw nila sa resort. Abala ang lahat sa paglangoy sa dagat at ang iba naman sumubok ng mga activities na inooffer ng resort. Siya naman nakahiga lang siya sa reclining chair habang umiinom ng mango juice sa ilalim ng niyog. Mas gusto niya magmunimuni habang inaalala ang ginawa niya ng nakaraan gabi.
Hindi man nangyari ang plano ni Maia na tuluyan bumigay si Mathew sa totoo nitong nararamdamn para sa kanya bago matapos ang photoshoot nila nakahalik naman siya rito.
Yeah,for real! Hindi ka na nakapaghintay pa,mahal na prinsesa! Kapag nalaman yan ng Hari,lagot tayo!
Hindi lamang yun nagising ang mate niya!
Muntik na nga tayo mahuli,uh,hindi, nahuli talaga pero akala ni mate nanaginip lang siya!
Natawa siya sa sariling kalokohan.
Naudlot man ang moment nila ni Mathew dahil kay Ciara hindi niya hinayaan na hindi mangyari yun kahit sa pagkakataon iyun siya ang humalik! Nagniningning ang mga mata niya sa saya at natatawa siya ng mahina kapag inuulit-ulit niya ang ginawa niya ng nakaraan gabi nasa ganun tagpo siya ng lumapit sa kanya si Mathew.
Agad na lumawak ang pagkakangiti ng mga labi niya.
"Morning!" bati niya rito.
Seryoso ang anyo nito.
Ooops! Badmood ata si mate?!
Pinatili niya ang ngiti sa mga labi kahit nakaramdam siya ng bahagyang pagkadismaya.
"Can we talk?" seryoso nitong tanong.
Agad na binigyan niya ng espasyo sa kinahihigaan niya ang binata para makaupo ito sa tabi niya. Umupo naman ito.
"Anong pag-uusapan natin?"
Hala,baka talagang nahuli niya tayo!
Pinatili ni Maia na kalmante at may ngiti sa mga labi kahit na tinutubuan na siya ng kaba.
Ito ang unang beses na kinabahan tayo,prinsesa!
"Are you and Zei is still in a relationship?" maya-maya tanong nito. May kung ano siyang nababasa sa mga mata nito na tila may nalalaman ito na hindi niya alam.
"Uhm,bakit mo natanong?"
Tumiim ang mga mata nito sa kanya. "I saw him last night,Maia..with someone,"sagot nito.
Si Zei ba ang tinutukoy niya? Sinong someone? Si Valerie ba?
Napakurap-kurap siya at dumilim ang anyo ng binata ng hindi siya nakaimik agad.
" He's cheating on you,Maia..do you aware that?"nanunuot ang titig nito sa kanya,nanantiya sa magiging reaksyon niya!
Ahm,paano natin lulusutan yan?
Bago pa man makatugon si Maia sumulpot bigla sa harapan nila si Zei. Sabay na napaangat sila ng mukha ng binata rito.
"Zei.." usal niya. Alam niyang mahihimigan nito ang paghingi niya ng saklolo sa kalokohan niya!
Tumayo si Mathew at hinarap nito ang dating panginoon.
Oh no! Baka bigla niyang sapakin si Zei! Galit ang mate natin!
Papagitna na sana siya ng dumating bigla si Valerie.
"Dad!"
Agad na napabaling si Mathew kay Valerie. Nakita niya ang biglang pagbabago ng emosyon sa mukha ng binata. Mula sa madilim nitong anyo nahalinhan iyun ng hindi pagkapaniwala at pagtataka.
"Oh,hi! Mathew Hilton,rigth?!" magiliw na saad ni Valerie sa mate niya.
Nakatitig lang rito ang binata.
"Isa nga pala ako sa tumatangkilik sa inyo!" magiliw pa rin turan ni Valerie samantala panay ngisi lang ang dating panginoon.
Saka lang nakabawi sa sarili ang binata ng magtanong ito.
"Mag-ama kayo?" maang nitong tanong sa dalawa.
Natawa na si Zei. Hindi rin napigilan ni Maia na mapangiti sa nakitang reaksyon ng binata.
"Yes,he's my father," si Valerie ang sumagot.
Bumaling sa kanya si Mathew kaya agad na sinupil niya ang naglalarong ngiti sa mga labi niya. Painosenteng tumingin siya rito.
"She's that woman that I saw last nigth with your boyfriend,"sabi nito sa kanya.
Alanganin na napangiti siya sa binata at nakita niya na nagpipigil na tumawa ng malakas ang mag-ama.
Uh-oh! Lusutan mo yan,princess! I can't help you...me,pretending sleeping.
Napakagat siya sa kanyang pang-ibaba labi saka tumingin sa binata.
" Hindi ko naman boyfriend si Zei..wala naman ako sinabi di ba?"
Naningkit ang mga mata ni Mathew. "What?"
"Ahm,namisterpret mo lang siguro,Mr.Hilton," pagsabad ni Valerie.
Nanatili nakatitig sa kanya ang mga mata ni Mathew.
"Damn it..." biglang usal nito sabay mabilis na umalis sa harapan nila.
"Sundan niyo,mahal na prinsesa,ramdam kong bibigay na yan!" udyok ni Valerie sa kanya.
Nag-aalangan na sinundan naman niya ang binata hanggang sa maabutan niya ito papasok na ng iniokupa nitong cottage.
"Mathew.."
Agad na humarap sa kanya si Mathew na nasa loob na ng silid nito at sya naman nasa labas ng pintuan nito.
"Ano ba ang ginagawa mo sakin?! Bakit ba apektadong-apektado ako dahiL sayo?! Bakit ginugulo mo ang isip ko! Bakit ako nagseselos dahil sayo?!"may diin at mataas ang tono ng boses nito.
" Dahil gusto mo ko.."simpleng pagsagot niya sa mga tanong nito.
Natigilan ito sa sinabi niya.
Doon na niya pinakawalan ang ngiti sa mga labi niya.
"Gusto mo ko di ba?"
Walang ibang naging tugon ang binata kundi ang mapapikit ito ng mariin.
"Gusto mo din ako," muli niyang pagsasabi nun.
"Damn.."pabulong nitong anas na hindi tumitingin sa kanya.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Maia. Niyakap niya ito na kinabigla nito.
"Gustong-gusto din kita,Mathew!"
Success ang plano natin na pabigayin siya!
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
WerewolfPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...