Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano pa ang magiging reaksyon sa mga malalaman niya mula kay Maia.
She look so...afraid...and hurt.
May kung anong pumiga sa puso niya habang nakikita ang ganun anyo ng dalaga.
"I'm sorry.." anas nito na hindi tumitingin sa kanya. Nakatutok ang mga mata nito sa paanan nito na natatabunan ng roba niya.
Marahas siyang napahigit ng hininga. Naninikip ang dibdib niya sa nakikitang emosyon sa mukha ng dalaga. Mariin niyang naikuyom ang mga palad.
"Maia.." paanas niyang sambit sa pangalan nito.
Mariin niya naipikit ang mga mata ng makita ang paghawak nito ng mahigpit sa magkabilang gilid ng roba.
Alam niya at nararamdaman niya ang pangamba at..takot nito.
Bakit? Para saan?
"May dapat akong malaman,tama..anong..anong totoong pagkatao mo ang dapat kong malaman?" untag niya rito.
She said it awhile ago habang kunwa'y nahihimbing siya.
Unti-unti nag-angat ng mukha ang dalaga. Napatitig siya rito ng makita na blanko ang emosyon sa mga mata nito.
"I..I can make you scared...at me," usal nito.
Mabilis na nagreplay sa isip niya ang nasaksihan niya pagsipa nito sa sasakyan na tila balewala lang rito ang impact niyun na kahit siya man sipain niya ang sasakyan iyun hindi kaagad-agad masisira iyun ng ganun kadali!
"Nasaksihan ko ang pagsipa mo sa sasakyan ng Amonte iyun..may kinalaman ba sa tunay mong pagkatao ang nakita ko?" aniya.
Napakurap-kurap ito. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito.
"Oo..nakita kita ng umagang iyun,Maia.." matiim niyang saad rito.
Umawang ang mga labi nito. Ang kaninang blanko emosyon sa mga mata nito ay napalitan ng pagkagulat.
"Yun sana ang itatanong ko sayo ng unang tayo magkausap pero..marami na ang nangyari kaya..ngayon,gusto ko..malinawan kung paano mo nagawa yun? Pati na rin ang pag-akyat mo sa bahay ko?"
Agad na nag-iwas ito ng mga mata sa kanya.
"Maia,look at me and tell me the truth!"pagtaas na ng boses niya. Hindi na niya nakontrol pa ang sarili.
" Magkaiba tayo ng pinagmulan..ng lahi..ng mundo..ng pagkatao,"tugon nito.
Tiim-bagang na napakuyom siya ng mga palad.
"Sabihin mo..anong pinagkaiba natin kung ganun?"
Tumingin ito sa kanya ng deretso at muli naging blanko ang mga mata nito. Napakseryoso nito. Tila bang hindi na ito si Maia Nuenzio. Ibang-iba..mapanganib.
"I'm Maria Adrialyn Nuenzio,the princess of Yellow wolves district..Isa akong lobo..kaya kong maging lobo at..maging si Maia Nuenzio na nasa harapan mo ngayon," anang ng dalaga na hindi inaalis ang titig sa kanya. May kalakip iyun ng awtoridad.
Hindi agad nagsink in sa utak niya ang sinabi ng dalaga. Isang mahinang tawa ang kumawala sa mga labi niya pagkaraan ng ilang segundo.
"Lobo? Kabaliwan.."
Nasaksihan niya ang pagguhit ng pagkadismaya sa mukha ng dalaga.
"Maniniwala pa ko kung mayroon kang lakas na kakaiba kaya mo nagawang masira ang kotseng iyun sa isang sipa lang.." natatawa pa rin niyang saad.
"Lobo? Imposible yun,Maia.."
Tumalim ang mga mata ng dalaga at doon siya natigilan.
She look dangerous now.
"Maia.." anas niya nagsisimula ng dunggulin siya ng kaba at takot sa anyo nito.
Damn,Mathew! Paano kung hindi siya nagbibiro?!
Natigil ang pagtatalo ng isip niya ng bigla na lamang nagbago ng anyo ang dalaga.
Shit!!!
Is he dreaming again?!
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
Hombres LoboPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...