Chapter 39

2.6K 102 4
                                    

Agad na tinungo ni Mathew ang library room ng kanyang bahay kung saan naroroon ang screen monitor ng pinakabit niyang CCTV sa silid niya. Naupo siya sa likod ng desk at inisa-isa niya ang mga videos mula ng ipakabit niya iyun.

Nagsisimula ng kumabog ang dibdib niya. Ayaw niyang isipin ang hinala niya pero..

Pinindot niya ang Play ng unang araw ng pinakabit niya CCTV..nang araw na iyun walang tao dahiL nasa resort sila hanggang sa pindutin niya ang pangalawang araw at pangatlong araw..hanggang sa makita siya sa video kakarating lang niya noon. Matiyaga siyang naghintay hanggang sa makita na natutulog na siya.

Ipa-fast forward sana niya ang video ng makita niya na may anino nahagip sa camera. Isang anino ng tao.

Damn!

Halos pangapusan na siya ng hininga sa pag-aabang na maging malinaw kung sino ang may-ari ng bulto iyun. Tila ba nanunuod lang siya ng horror movie dahil tumataas na ang level ng kabog ng dibdib niya.

Hindi nagtagal napaawang na lang ang mga labi ni Mathew ng makita ang bulto na suot ang polo niya.

"Maia..." anas niya.

Lumapit ito sa gilid ng kama niya at lumuhod sa kung saan nakagawi ang mukha niya. Nangalumbaba ito habang nakatitig sa kanya. Naikuyom niya ang mga palad.

Bakit?

Paanong nakapasok roon ang dalaga?

Bakit?

Naguguluhan siya?

Agad na rumihistro sa alaala niya ang nasaksihan niya noon. Ang pagsira nito sa kotse ni John Amonte na siya pala ang may-ari niyun.

Lalong napakuyom ng mga palad si Mathew.

Maang na napasandal siya sa sandalan ng swivel chair niya. Nakatitig pa rin sa screen kung saan naroroon pa rin ang dalaga.

Ibig sabihin dalawang beses na ito pumapasok sa silid niya? Kailan yung unang beses?

Bakit hindi mo siyang tanungin sa bagay na yan,Mathew? Anang ng isip niya.

"Sino ka ba talaga?" usal niya sa kawalan.

Nanatili siya sa library room hanggang sa lumalim ang gabi. Gusto niya magbakasakali na baka maaktuhan niya ang dalaga sa pagpasok nito sa silid niya.

Hindi na bale na mapuyat siya ang mahalaga mas mapatunayan ang ginagawa ng dalaga sa silid niya.

Tanging tiktok ng orasan sa silid na iyun ang maririnig habang matyaga pa rin nag-aabang si Mathew sa pagdating ni Maia.

Lumipas ang mga oras pasadong alas dos na ng mapukaw ang diwa niya ng makita sa camera ang pagkilod ng isang anino.

Maia..what are you doing?

Halos pigil-pigil niyang muli ang hininga habang hinihintay na makita sa camera ang kabuoan ng aninong iyun.

Napaawang ang mga labi niya ng makita ang dalaga. Wala ni anong saplot.  Biglang natuyuan ng lalamunan si Mathew habang sinusundan ang dalaga. Ang mahaba nitong buhok ay natatakpan ang mga dibdib nito. Nakaside-view ito sa camera kaya hindi gaano nasisilayan ang buong kahubdan nito.

Pero...fuck!

Bakit wala itong saplot?!

Kaya pala nawawalan siya ng polo?

Ang daming pumasok na Bakit sa isip niya.

Naipikit niya ang mga mata. Naguguluhan siya. May tinatago bang ibang katauhab ang dalaga.

Gaya ng ano,Mathew?

Is she a psycho?

Mapait siyang natawa sa naisip na yun.

Kailangan niyang malinawan dahil mababaliw siya kung hindi masasagot ang mga tanong na yun!

Bakit?

Bakit kailangan pang gawin yun ng dalaga?

Sa balkonahe,doon ito dumadaan !

Naisip niya na nasa pangalawang palapag ang silid niya.

Paano ito nakakaakyat roon?

Fuck!

Mababaliw na siya sa kakaisip!

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon