Chapter 11

3.1K 108 4
                                    

She's sweating and panting.

Bumagsak ang kanyang mga paa na walang sapin sa maalikabok na kalsada. Walang ingay ang kanyang bawat yabag habang papalapit sa isang villa house na pag-aaari ni Mathew Hilton.

Mula ng matagpuan ni Prinsesa Maria Adrialyn ang lalaking itinakda sa kanya may kakaiba ng nangyayari sa kanya. Tila nag-aapoy ang buong himaymay ng kanyang ugat at si Mathew lamang ang nakapagdulot niyun sa kanya.

Madilim ang paligid at tanging ilaw lang sa labas ang tanglaw ng bahay nito na hindi ganun kaliwanag. Hindi magkakalapit ang mga bahay kaya hindi siya nababahala na may makakita sa kanya roon na walang kahit anong saplot pagkatapos niyang magbalik sa dating anyo mula sa pagiging anyong lobo niya.

Tiningala niya ang balkonahe sa pangalawang palapag ng bahay. Doon niya naaamoy at nararamdaman ang kanyang mate.

She want to see him. Hindi siya mapapakali hanggat hindi niya nakikita ito.

It's like her mate the only way to calm her down. Ang makakapatay sa apo na nararamdaman niya.

Are you sure,princess..? Doing this?

Why not? He's our mate..saka ikaw nga itong reklamo ng reklamo sa nararamdaman natin eh.

Pwede naman natin itanong kay Zei o kay Valerie ito? Baka..ahm,may sakit tayo? Ganun!

Don't worry. Kung mahuhuli man niya tayo ako lang naman ang mananagot eh,okay?

I want to see him,Wolfie!

Ugh,not that word! I'm not a puppy!

Napangisi siya sabay lundag sa balkonahe na walang kahirap-hirap.

Agad na napaawang ang mga labi niya ng mas lalo niyang nalanghap ang natural na amoy na nagmumula sa mate niya.

This is not good! Mas lalo lang tayo nagliliyab! Ugh!

Awang ang mga labi na sinubukan niyang buksan ang sliding door. Napangisi siya ng magbukas iyun.

Dahan-dahan niya iyun binuksan sapat na magkasya siya papasok. Madilim ang buong silid pero sa taglay ng talas ng mga mata niya agad na nakita niya ang natutulog na si Mathew.

Lumapit siya rito at tumayo sa gilid ng kama nito.

Kahit sa pagtulog napakagwapo nito!

Nakagat niya ang pang-ibabang labi habang sinusuyod ng mga mata niya ang kabuoan nito. Kahit pala sa pagtulog nito mukha pa rin itong bossy!

Let's go! Kailangan na natin lumayo sa kanya!

Nope..dito lang ako..tayo.

No way!

Nagliliyab pa rin ang pakiramdam niya pero titiisin niya. Gusto niya panuorin ito matulog.

Agad na naghanap siya ng maisusuot hanggang makita niya ang isang malapad na salamin na sa palagay niya ay ang closet nito. Hindi nga siya nagkamali. Namangha siya ng kusang nagliwanag sa loob at bumulaga sa kanya ang napakaraming damit na maayos na nakahanger. Sa gitna bahagi naman ay ang iba't-ibang kulay at desinyo ng neck tie at mga mamahalin relo.
Sa isang bahagi naman ay mga nakahilerang mga sapatos.

Wow!

Naiiexcite na kumuha siya ng isang masusuot. Isang puting long sleeves polo ang inabot niya. Umabot lang iyun hanggang sa kalahati ng hita niya.

Napangiti siya ng makita ang sarili sa harap ng full length mirror sa gilid.

She look so sexy...and hot on it!

Nang makuntento lumabas na siya para balikan ang natutulog pa rin na si Mathew. Nasa kabilang bahagi na nakagawi ang ulo nito.

Umupo siya sa carpeted floor at sumandal sa pader. Doon ay tahimik na pinanuod niya ito.

You killing us!

Ipinatong niya ang baba sa braso niya na nakayakap sa binti niya. Mainit pa rin siya pero alam niyang mawawala din yun.

Siguro nga kailangan niyang itanong ito kay Zei. Ang nagliliyab na pakiramdam na bumabalot sa kanya.

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon