Chapter 2

3.5K 152 9
                                    

"Everything is settled now,Sir Mathew.." untag ng secretary niya ng matapos ang isang oras na meeting nila para sa gaganapin na bagong launching ng mga design ng pinsan niyang si Tiara na siyang responsable sa mga pagdedesign with her team.

"Good.." maikli niyang tugon habang nanatili ang atensyon niya sa binabasang papeles.

"Hello!"pagkatok ng pinsan niya sa nakabukas na ng pintuan ng opisina niya. Pagkaraan batiin ito ng sekretarya niya agad nito sila iniwan.

Agad na tinuon niya ang atensyon rito at umupo naman ito sa harapan ng desk niya.

" I'm so excited for our launching day!"masigla nitong saad.

Tumango siya. "Nakapagsettled ka sa magmomodel ng design mo?" agaran niyang pagtatanong.

"Yes! Tomorrow night kami magkakausap," may pananabik nitong saad.

Tumango siyang muli. Malaki ang tiwala niya sa pinsan. Agad na inaaprobahan niya ang mga bagay na gusto nito mapadesign man o sa pagpili ng magiging modelo nito.

"Hindi mo bang tatanungin kung sino ang modelo ko ngayon?" untag nito sa kanya.

"Bakit? Hindi ba si Ciara?"tanong niya. Ciara Austin,ang matagal ng model ng clothing line nila ng pinsan.

Agad na napaismid ito. " Tss,pagkatapos kong malaman na may pagnanasa yun sayo sa tingin mo kukunin ko siya ulit?"

Napaawang ang bibig niya sa tinuran nito at agad din niya pinukulan ito ng masamang tingin. "You are just being unprofessional now,Tiara.."

"What? Alam mong ayokong ginagamit ako para lang makuha ang gusto nila at hindi niya itinanggi sakin na kaya siya nakipag-close sakin dahil sayo!"

Marahas siya napabuga ng hangin at napasandal sa sandalan ng swivel chair niya.

"I don't know what are saying.."

Inikutan siya nito ng mga mata. "Eh paano manhid ka kasi pagdating sa mga babae na nagpaparamdam sayo!"

Napailing na lang siya sa tinugon nito. Wala siyang panahon para pumasok sa isang relasyon. Hindi niya alam marahil dahil mas gusto niyang pagtuunan ng atensyon ang iniwang negosyo ng kanyang magulang na ilang taon ng namatay dahil sa plane crash.

"So,who is it now?" pagbabalik niya sa naunang topic.

Napangiti ito at base sa kislap ng pagkakangiti nito mukhang nakahanap na ito ng perfect model nito.

"Here she is!" nilapag nito sa harapan niya ang isang folder at agad naman niya iyun inusisa.

"Maia Nuenzio?"sambit niya sa pangalan ng modelo na nasa larawan.

He know her. The highest-paid model in Asia! Sino ba ang hindi makakakilala rito dahil suki din ito sa paggawa ng iskandalo at hindi lingid sa kaalaman niya ang huling iskandalo na kinasangkutan nito.

"No..maghanap ka ng iba," agad na pagtanggi niya at binalik rito ang folder.

He admit it,Maia Nuenzio is a goddess of beauty. Pero ang ayaw niya sa lahat ang maugnay sa isang tulad nito.

"But why?!"

"Ayokong maugnay ang kompanya natin na suki ng paggawa ng iskandalo,Tiara," simpleng niyang dahilan rito.

Nanlaki ang mga mata nito at sa huli natawa ito na tila nagbibiro siya.

"So what?! Eh obvious naman sa video na binastos siya ng soccer player na yun!" pagdepensa nito sa modelo.

"Binastos man siya o hindi..still I don't like her,"mariin niyang tanggi pa rin.

Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya ang pinsan. " I can't believe of you! Siya ang gusto kong model for my new design,Mathew!"pagpoprotesta na nito.

Seryoso niya ito pinukulan ng tingin na hindi siya papayag sa gusto nito. "Find another one but not her.."

Napamaang muli ito sa kanya.

"This is so absurd!" anito ng makabawi.

Bumukas ang pintuan at pumasok roon ang matalik niyang kaibigan na si Joel. His company lawyer. Agad na napangiti ito ng makita ang pinsan niya. Lihim kasi nito hinahangaan ang pinsan niya pero hindi makaporma dahil palagi ito sinusungitan ng huli.

"Uhm,mukhang naistorbo ko ata kayo,"nanantiya nitong saad sa kanila.

Padarag na tumayo ang pinsan.

" Look,kung hindi siya ang magiging model ko..mabuti pang icancel na lang natin ang launching,"panghahamon nito sa kanya.

"Tiara..stop being childish,sa tingin mo madali icancel iyun?" nagtitimpi niyang saad rito.

Nanghahamon na humalukipkip ito sa kanya. "Take it or leave it. I want Maia Nuenzio as my model,that's my final decision," mariin nitong saad sabay talikod sa kanya at inismidan naman nito ang kaibigan niya ng daanan ito.

Napakamot na lang sa ulo ang abogado niya.

Marahas niyang naihilamos ang palad sa kanyang mukha.

He hate complication lalo na kung settled na ang lahat! Damn it!

"Maia Nuenzio is a very beautiful model.." untag ni Joel na nakatitig sa larawan na nasa loob ng folder.

"Tss..a scandalous-seeker.." saad niya na kinatawa ng kaibigan.

"It's not her fault,dude..lapitin siya ng mga lalaking patay na patay sa kanya," anito na ngayon ay nakaupo na sa harapan niya.

Marahas siyang napabuga ng hangin. "I don't care about her sakeness..ayoko lang maugnay sa isang takaw-iskandalo gaya niya.."

"Hey..where's the professional on it?!"

Sinamaan niya ito ng tingin. "Huwag mo ng dagdagan ang problema ko" asik niya rito na tinawanan lang siya.

"Okay..sorry naman," anito.

Naipikit niya ng mariin ang mga mata at agad na napadilat ng sumulpot sa isip niya ang magandang modelo na si Maia Nuenzio.

Damn!

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon