"Mahal kong Prinsipe,
Alam kong hindi madali para satin ang pagkakaiba ng ating pinagmulan pero pinag-isa at tinadhana ang ating mga puso. Mahal na mahal kita,Mathew. Pasensya na kung hindi na ko nakapagpaalam sayo ng personal. Ayaw kong makadagdag sa problemang kinakaharap mo ngayon at iyun ang huling bagay na hindi ko magagawa sa pinakamamahal kong Prinsipe. Mag-iingat ka palagi,prinsipe ko. Lagi mong tatandaan ,mahal na mahal na mahal kita,magkaiba man ang mundo natin,ako ay para sayo at ikaw ay para sakin. You are my mate,my Prince Mathew Hilton.
Your princess,Maia Nuenzio.(The Princess of your Heart and Soul
Maingat na tinupi ni Mathew ang dilaw na papel na maraming beses na niyang paulit-ulit na binabasa sa tuwing naaalala at nangungulila siya sa dating kasintahan.
Maraming buwan na ang dumaan mula ng bumalik ito sa tunay na mundo nito at mula nun inabala niya ang sarili sa pagpapatakbo ng M-Hilton Fashion at ngayon ay may dalawang branch na siyang naipatayo sa ibang bansa.
"Excuse me,Sir Mathew.."
Agad na itinabi niya ang papel sa may drawer ng desk niya at saglit na natigilan ng makita ang larawan ng dalaga.
"Ahm,Sir..?"
Nang matauhan ipinatong niya sa larawan ang dilaw na papel.
"Yes,Sec.Cruz?" pormal niyang tugon rito.
"Your dinner meeting at 7pm, Gabbie's Rose-taurant.."paalala sa kanya ng sekretarya.
Tumango siya at agad na umalis ang sekretarya. Sinulyapan niya ang relo-pambisig. May isang oras pa siya bago ang dinner meeting niya.
May oras pa siya para dumaan sa lugar na palagi niyang pinupuntahan.
Sinuyod ng mga mata niya ang kabuoan ng bahay. Ang dilaw na kotse na kinamamanghaan niya ay nakaparada sa garahean at nanatiling malinis iyun. Alam niyang si Zei ang umaasikaso sa bahay na ito.
Sa iisang lugar lang siya nanatili. Sa silid ng dalaga. Nalalanghap pa rin niya ang mabangong amoy ng dating kasintahan.
Nahiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata at tahimik na ninamnam ang katahimikan ng silid.
Palagi niyang iniisip na posible bang makabalik muli sa mundong ito si Maia?
Hindi na niya itinanong pa kay Zei ang tungkol sa bagay na yun dahil natatakot siya sa magiging sagot niyun.
Oo..masakit sa kanya na natapos ang lahat sa kanila na wala man lang siya ginawa. Ang dating kasintahan ang nagsakripisyo sa kanilang dalawa. Para sa kanya. Napakatanga niya at naging makasarili siya.
Napukaw siya ng pagring ng kanyang celpon. Patamad na bumangon siya at sinagot ang tawag mula sa pinsan na si Tiara.
"I can't go with you,Cuz..may emergency kasi sa pamilya ni Joel and I need to be with him, papunta na kami sa province nila," agad na bungad ng pinsan.
Mabuti pa ang pinsan niya. Masaya na ito sa piling ng kaibigan niyang abogado na ngayon ay malapit ng ikasal.
Nagpakawala siya ng mahabang hininga. "It'a alright,mag-iingat kayo..ako na bahala makipag-usap sa bagong investor natin," tugon niya.
"Salamat,Insan! Good luck! Panibagong successful na naman ito kapag nakuha natin ang tiwala ni Ms.Maria Adrialyn Mateo!" maligayang saad ng pinsan.
Tumango siya sa sinabi ng pinsan.
Nang matapos ang pag-uusap nila ng pinsan agad na lumabas na sya para puntahan ang meet-up place nila ni Ms.Maria Adrialyn Mateo.
That name is make him heart beat so fast. He don't know why?!
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
WerewolfPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...