Mundong Colai

4.6K 147 7
                                    

(COMPLETED ON DREAME)
A/N: CallmeAngge

Natigilan sa paghakbang si Haring Patrikk sa pagpasok sa silid ng kanyang prinsesa na si Prinsesa Maria Adrialyn ng maulinigan ang pagdedebatihan ng kanyang mag-ina. Napabuga tuloy siya ng hangin at tahimik na pinakinggan muna ang pagtatalo ng Reyna at ng Prinsesa.

"Seryoso ako,mahal na Reyna..pwede naman siguro iksian kahit naman po kaunti ang mga damit ko?"pangungubinsi ng anak sa Reyna.

" Hindi.."mariin na tugon ng kanyang kabiyak na si Reyna Avril.

Nakaligtaan niya na naging modelo siya sa mundo ng mga tao kaya hindi siya magtataka kung bakit nahihilig ang Prinsesa sa mga kasuotan at ipadesinyo iyun na ayon sa gusto nito. Nang hindi na makatiis sa pakikinig agad na lumapit siya sa mga ito.

"Ama!" agad na paglapit sa kanya ng prinsesa at malambing na yumakap sa braso niya.

"Nais ko po sana magpatahi muli ng bagong damit..hmm,yung medyo moderno na?"

Sumulyap muna siya sa kanyang kabiyak na nakataas ang kilay sa kanya. Nagbabanta ng kung ano sa oras na pumayag siya rito.

Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng anak. Napakaganda nito. Malaanghel na mukha gaya ng ina nito.

"Pwede mo yan gawin ang nais mo o kahit na ano ang isuot mo pa..sa mundo ng mga tao.."

Natigilan ang anak sa sinabi niya. "Anong ibig mo pong sabihin?"

Lumapit na ang Reyna sa kanila at hinaplos ang mahabang buhok ng kanilang anak.

"May nakasulat na sa propesiya..kailangan ka namin ipadala sa mundo ng mga tao para matagpuan ang lalaking itinakda sayo.." Saad niya na may halong lungkot sa paghiwalay pasamantala ng anak sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ng Prinsesa ng matanto ang ibig sabihin niyun. Alam nito ang naging istorya ng pagtatagpo nila ng Reyna.

"Gaya niyo po..isa din tao ang aking mate?" nagagalak nitong saad.

"Oo,anak..kaso..mag-iingat ka dun. Hindi lahat ng lalaki roon ay katulad ng iyong ama," anang ng Reyna na kinangiti niya.

Kinindatan naman siya ng Reyna. Napailing na lang siya. Tanda-tanda niya ang pagiging makulit nito noong pinagtagpo na sila ng tadhana.

"Opo,lagi niyo naman po pinaalalahanan sakin yan," anang ng prinsesa.

Manghang-mangha na nilibot ni Prinsesa Maria Adrialyn ang paningin sa buong paligid. Ibang-iba sa mundong-Colai. Maaliwalas at napakangandang tanawin. Gayunpaman,maganda pa rin ang mundong-Colai.

"Kinagagalak ko kayo makita,mahal na Prinsesa ng mga dilaw na lobo!"

Agad na napabaling siya sa nagsalitang iyun. Isang napakagwapong nilalang.

"Zei?"

Ngumisi ito na lalong nagpatingkad sa kagwapuhan nito. Kinuwento sa kanya ng Hari at Reyna kung sino si Zei at kung ano ang naging parte nito sa buhay ng kanyang magulang.

"Kamusta?"

"Hindi nabanggit nina Ama at ina na ubod ng gwapo ang dating panginoon ng mga lobo," tahasan niyang saad.

Natawa naman ang dating panginoon. "Mukhang namana mo ang pagiging bubbly mo sa Reyna," anito sabay kindat sa kanya.

Napangisi na rin siya sa sinabi nito. Ang pagiging bubbly nga daw ng ina niya ang muntik ng magpasuko sa Hari. Makulit daw!

"Hmm,naalala ko nasabi ni Ama na si ina ang dahilan kung bakit naging paborito mo si Spongebob?"

Natawa itong muli. "Tama ka,mahal na Reyna..at iyun ang kahinaan ko ngayon dahil tinutukso sakin ng tatlo kong kambal ang tungkol dun," natatawa nitong saad.

Natawa siya sa nalaman niyang iyun. Kitang-kita sa dating panginoon ng mga lobo na masaya at kuntento ito sa napili nitong buhay kapalit ng pagsuko nito bilang panginoon. Napakaswerteng babae ang napaibig sa dating panginoon.

Siya kaya? Magiging maganda o magiging kasingsaya ng kulay niya ang pagtatagpo nila ng lalaki itinakda sa kanya ng propesiya?

"Heto..tanggapin niyo,mahal na Prinsesa..nandyan ang lahat na kakailanganin niyo habang naririto kayo sa mundo ng mga tao,"anito sabay abot sa kanya ng isang parihabang kahon na kulay dilaw.

" Salamat,Zei!"nagagalak niyang saad. Nasasabik na siyang manirahan sa mundong ito. At ito na ang pagkakataon niya na gawin ang gusto niya na hindi niya nagagawa sa mundong-Colai.

Ang maging tulad ng kanyang ama.

She want to be a model like his father before and dress whatever she want!

Muli niya nilibot ng paningin ang kagubatan nasasabik na siya makita ang labas ng kagubatan kung saan siya maninirahan.

💓💓💓💓💓
hello to Maria Adrialyn Alto,here's your request!

I hope you like it!

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon