Habang naghihintay si Maia sa salas nahagip ng mga mata niya ang isang gintong bote na may takip na kulay dilaw.
Ang espesyal na inumin!
Manghang nilapitan iyun ng dalaga kung saan nakapatong ang bote. Dinampot niya iyun at manghang pinakatitigan.
Ibinigay na pala ni Zei ang inumin yan sa mate natin..
"Gusto mo bang tikman natin? Binigay yan sakin ni Zei," untag ni Mathew.
Agad na nilingon niya ito na hawak pa rin ang bote.
Uh-oh! Oras na ba para buksan yan?
Kukunin na sana nito sa kanya ang bote para marahil buksan yun ng may kumatok sa pintuan.
Whew! We're safe again! Galing talaga ng dating panginoon! Laging timing!
Agad na nilapitan niya ang pinto na bitbit ang bote.
"Ako na magbubukas!"
Nakangising Zei ang bumungad sa kanila. Agad na nasa likuran na niya si Mathew.
"Magandang umaga!" pagbati nito sa kanila.
"Zei!"
Isang tango naman ang tinugon ni Mathew rito.
Agad na natuon ang atensyon ng dating panginoon sa hawak niyang bote.
"Maia..may kailangan saglit si Valerie sayo..okay lang ba?"
Agad na tumango siya. Alam niyang gusto nito makausap ang binata.
Nakangiti na nilingon niya si Mathew. Mabilis na hinalikan niya ito sa pisngi.
"Kita na lang tayo sa labas," paalam niya rito at inabot kay Zei ang bote.
Whew!
Nanatili siya malapit lang sa kinaroroonan ng mga ito.
"Nakaligtaan kong sabihin sayo ang tungkol dito sa inumin," umpisa ni Zei pagkaraan ng ilang minuto.
Hindi man niya nakikita alam niyang tumango ang binata.
"Hindi ito mabubuksan kung ikaw ang magbubukas," paglalahad na ng dating panginoon.
"What do you mean?" agad na pagtugon ni Mathew.
Bakit ba bigla akong kinabahan?!
"Ang babaeng nakatakda lang sayo ang makakapagbukas nito.." patuloy ni Zei.
Walang tugon mula kay Mathew.
I'm so nervous now!
"Hindi kita maintindihan? Isang ordinaryong bote lang naman yan," maya-maya tugon na ng binata.
Bigla parang nakaramdam ng pagkadismaya ang dalaga sa sinagot ng binata.
Of course,weird naman talaga yun sa isang tao tulad niya,prinsesa!
Tama ang wolf niya.
"Malalaman mo sa tamang oras na hindi lang basta ordinaryong bote lang ito.." may seryoso ng saad ni Zei.
Agad na napalingon si Maia mula sa kinakukublihan niya ng maramdaman ang dating panginoon na palapit sa kanya.
"Mukhang nagulo ko ang isip niya," untag nito sa kanya.
"Mas gugulo pa sa oras na aminin ko sa kanya kung ano ako at ano ang ugnayan namin dalawa at ng boteng iyun,Zei.." may pangamba ng wika niya.
Agad na gumaan ang pakiramdam niya ng haplusin ng dating panginoon ang ibabaw ng ulo niya.
Paanong sa simpleng haplos lang nito napapakalma na siya nito?
Remember,dati siyang panginoon! Marami siyang kayang gawin kahit imposible!
"Sa ngayon huwag mo muna isipin ang bagay na yan..huwag mong madaliin. Mag-enjoy muna kayo..nag-uumpisa pa lang ang paglalapit niyo ng lalaking itinakda sa inyo,mahal na prinsesa ng mga dilaw na lobo," masuyo nitong saad na siyang lalong nagpakalma sa kanya kalooban.
"Salamat,Zei..."
"Nandito lang kami..ni Valerie..agad kami rerescue kung kinakailangan," anito.
Nakangiti na tumango-tango siya.
"Salamat talaga!"
"Walang anuman,mahal na prinsesa.."
Labis ang kagalakan niya na may isang Zei na gumagabay sa kanya.
Tama ito nagsisimula pa lang ang love story nila ni Mathew.
Aww..
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
Про оборотнейPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...