Paano natin maaakit si mate kung nakabuntot ang babaeng yun?!
Tinanaw niya mula sa kinaroroonan niya ang tent kung saan naroroon ang lahat na kasulukuyan nananghalian. Imbes na sumabay siya nagpaalam muna siya na maglalakad-lakad.
Napapaligiran siya ng naggagandahan bulaklak at nasisira ang mood niya dahil sa Ciara iyun!
Hmph! Ni hindi man lang umiwas ang Mathew yun kapag humahawak rito ang babaeng yun!
You've kiss him last night,ni hindi man lang ba siya naapektuhan? He's even acting there's nothing happen! That's hurt,princess!
Nagngingitngit ang kalooban ng prinsesa. Tuloy gusto niyang pag-initan ang mga bulaklak na wala naman kamuwang-muwang!
"Hindi ka ba nagugutom?"
Agad siyang napalingon sa nagsalitang iyun.
Nakalapit na naman ito sa kanya ng hindi niya namamalayan.
Paano busy tayo sa pag-eemote dahiL sa kanya! We're become weak because of him!
Gayunpaman,bigla na lang gumaan ang pakiramdam niya ng makita ito.
Napasulyap siya sa hawak nitong plato at isang boteng tubig naman sa kabilang kamay nito. Hindi na niya napigilan pang mapangiti.
Well,gentleman naman talaga siya.
"Maaga ko kayo pinagbreak..bakit ikaw nandito?" seryoso nitong paninita sa kanya na lalong nagpangiti sa kanya.
He's acting rude to her but he can't fool her! Alam niyang kinukubli lang niyun ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya. Kaya naman mas lalo lang siya ginaganahan na mapaamin ito.
"Ahm,para ba yan sakin?"
Humakbang ito palapit sa kanya at iniumang sa kanya ang plato na may laman pagkain.
Natawa siya ng makitang marami iyun.
"Marami ako nilagay...at kailangan mo ito para may lakas ka pa mamaya sa photoshoot mo," matiim nitong saad.
Naliligayahan na inabot niya iyun mula rito.
"Salamat,Mathew.." ngiting-ngiti pasasalamat niya rito.
Agh,Nasaan na yung prinsesa kanina na beast mode?!
"Come here,dito ka.."pukaw nito sa kanya.
Aww,sweet!
Napatitig ang prinsesa ilang saglit sa ginawa nito. Nilatag nito ang suot nitong jacket sa may damuhan.
" Maia.."
Agad na umupo siya roon bago pa man ito magbago ng mood. Nasa sweet mode na ito!
"Thank you!!!" pagtingala niya rito.
"Hindi ka man lang inaya ng boyfriend mo kumain?"maya-maya untag nito bakas sa mukha nito ang disgusto sa presensya ng dating panginoon.
Uy,nasa jealous mode na siya!
" Inaya naman tumanggi lang ako,"aniya sabay subo ng chicken sandwich.
Tumahimik ito kaya napatingala siyang muli rito. Mataman itong nakatitig sa kanya.
"Bakit?"
Napabuntong-hininga ito at saka lumuhod sa tabi niya.
Napasinghap siya ng dumantay ang daliri nito sa gilid ng mga labi niya.
"May naiwan mayonnaise," anas nito.
Nakatitig lang ang prinsesa sa gwapong mukha ng binata. Umihip ang hangin at tinangay ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa nuo nito. Awtomatikong umangat ang kamay ng prinsesa at hinawi iyun.
Napatitig sila sa isa't-isa. Parehong masasalamin sa kanilang mga mata ang paghanga atraksyon nila sa isa't-isa.
Humagod pababa ang mga mata ng binata sa mga labi ng prinsesa.
Dahan-dahan lumiit ang distansya nila sa isa't-isa.
"Mathew!"
Ano ba yan?!
Agad na natauhan ang binata at agad na tumayo.
Napabuga na lang ng hangin si Maia.
Kunti na lang eh! May round two na yung kiss!
"Kanina pa kita hinahanap! Anong ginagawa niyo dito?" pang-usisa ni Ciara sabay tingin sa kanya. Mapanuring tingin ang pinukol nito sa kanya na Sinamahan pa ng pagtaas ng kilay.
Nginitian ito ni Maia.
"Dinalhan lang ako ni Mathew ng food! Salamat ulit!" aniya at matamis na nginitian ang binata na tahimik lang nakatitig sa kanya.
Alam nilang pareho na may gusto silang mangyari pero dahil sa babaeng ito naudlot yun!
Tsk,tsk..next time hindi na niya tayo maiisturbo!
BINABASA MO ANG
TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)
Loup-garouPrincess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang Maia dahil sa propesiya. Napadpad sa mundo ng mga tao dahil sa propesiya. Nakasaad roon na sa mundo...