Chapter 56

46 0 0
                                    

Yumi's POV

I feel so empty. Naiinis ako sa lahat. Nagsisisi ako kasi hindi ko man lang pinaghandaan na masaktan ulit ako. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak kaya nagkulong ako sa kwarto matapos malaman ang lahat kanina.

B-bakit? Bakit a-ako pa? Do I deserve all this pain?

Nagtalukbong ako ng kumot at dun umiyam ng umiyak. Inaamin kong sobra akong nasasaktan sa pangyayaring nabuntis ni Heyl si Cass. At sa pangyayaring magtagal nila akong niloko parehas.

Anong ginawa kong mali!? Para gawin nyo sakin yun! Sana sinabi nyo na lang ng maaga, para natapos na sana ang paghihirap ko.

Hindi ko alam ang pwedeng mangyari matapos ng lahat. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba sila o hindi. Mahal ko si Heyl pero sinasampal na sakin ng katotohanan na niloko lang nya ako at hindi naman talaga minahal.

A-alam mong mahal kita, pero bakit mas pinili mo akong s-saktan?

Galit at sakit ang namumuo sa kalooban ko. Gusto kong mamatay sa mga oras na ito pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Tinatakpan ko lang ang bibig ko habang binubuhos ko na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba silang makita? Parang ayaw ko ng pumasok sa school. Nawawalan na ako ng gana.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak kaya naman paggising ko, ang bigat sa pakiramdam at feeling ko nangangapal ang mata ko.

Tumayo ako at pumunta sa may salamin. Pugto ang mata ko at mahahalata mo talagang umiyak kaya naman muling sumikip ang dibdib ko at naiiyak na naman.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak na naman kaya napaupo na lang ako sa kama ng tulala.

Kaibigan kita e. Bakit mo nagawa rin akong lokohin?

Kaya ayun, tuloy tuloy na naman ang agos ng luha ko na para bang ayaw ng magpaawat. Nahiga na lang ulit ako. Wala akong ganang kumain.

Busog na kasi ako sa sakit.

***

Isang linggo matapos kong malaman ang nangyari. Isang linggo rin akong hindi pumasok at halos lagi lang akong nakulong sa kwarto. One time a day lang kung kumain ako, wala talaga akong gana.

Kasalukuyan akong nasa veranda ng kwarto ko. Nagpapahangin lang. Absent ako ngayon at bukas ko balak pumasok.

" Yumi, cheer up. Kaya mo yan. Ipakita mo sa kanila na okay lang sa'yo yung nangyari, na hindi ka affected. " huminga ako ng malalim at ngumiti sa taas habang tinitingnan ang ganda ng kalangitan. " Kaya ko 'to. Mas mabuti na lang na iwasan ko sila para makalimutan narin sila. "

Tama yan, wag kang padadala sa pag-iyak iyak lang.

Tumango tango naman ako.

" Kayo na po ang bahala sakin. " at tumungo na ako. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa side at tiningnan ang photos.
" Hays! " at dinelete ko lahat ng photos namin nina Heyl at Cass.

Ilang araw narin akong hindi nag-oonline kasi makikita ko lang ang pangalan nila dun, maiinis lang ako.

Aminado naman akong mahirap kalimutan ang nangyari kaya nahihirapan din akong mag-move on kahit hindi naman naging kami.

Kaya ko kayong pansinin pero hindi ko alam kung kaya kong magpatawad.

***

Maaga akong nag-ayos ng sarili ko. Naligo, nagbihis, at kumain.

" Kamusta na ang pakiramdam mo? " tanong sakin ni Ate Myla. Ang alam kasi nila ay trangkaso ako kaya absent ako ng isang linggo.

" O-okay na po. " pilit ang ngiting sagot ko.

" Mabuti naman. " nakangiting sagot nya din sakin. Tinuloy ko na ang pagkain ko at nagdrive papuntang FIS.

Binagalan ko lang ang pagmamaneho ko kaya naman safe akong nakarating sa parking lot. Hindi agad ako bumaba at nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago bumaba ng sasakyan.

Ramdam kong nakatingin sakin ang mga students ngayon pero wala akong pakialam. Lagi naman kasi silang ganyan.

Bago ako pumunta ng room ay pumunta muna ako sa garden para magpahangin. Nahiga ako sa ilalim ng puno, gamit ang bag ko. Ramdam kong may papalapit sakin at kilala ko na kung sino dahil scent ng pabango nito.

" What are you doin' here? " tanong ko sa kanya habang nakapikit parin.

" C-can we ta---"

" We are now talking. " at nagmulat na ako ng mata. Muntik pa akong matigilan dahil ang gwapo ng mukha nya ngayon.

Self. Forget him na. Okay?

" Y-yumi, please. S-sana maintindihan mo kami ni Cass. " hindi ko sya sinagot at tumingin na lang ako sa kawalan. Nag-iinit na kasi muli ang aking mga mata. " We decided to hide our relationship dahil alam kong masasaktan ka-----" inis akong tumingin sa kanya.

" At ano sa tingin nyo, hindi ako nasaktan nung pinatagal nyo pa? Heyl, una man o huli ko ng nalaman, masasaktan at masasaktan ako. Mahal kita at alam mo yun! Pero mas pinili mo akong saktan at lokohin para lang sa kaligayahan nyo. " at hindi ko na naman napigilan ang maiyak sa harap nya. Nakatitig lang sya sakin at makikita ang awa nya sa mukha.

Kingina naman kasi. Bakit may pagpunta pa dito!

" S-sorry. H-hindi ko naman sinasadya na magkagusto kay Cass, ganun din sya. Y-yumi, hindi naman kasalanan ang magmahal diba? "

" Pero kasalanan ang manakit  at manloko ng tao. " diin ko sa kanya kaya naman napatungo nya. Tumayo na ako para umalis. Nakakailang hakbang pa lang ako ay nagsalita sya kaya napatigil ako sa paglalakad.

" H-hindi kita masisisi kung ganyan ka. P-pero sana b-balang araw, matanggap mo kami at mawala na ang galit sa puso mo. "

Hindi ganun kadali ang hinihingi mo, heyl.

Tuluyan na akong umalis sa lugar na yun at nagdiretso na ako sa room namin. Gulat naman akong sinalubong ni Trixs.

" I miss you, Yumi. " she hugged me and I hugged her back. " Are you okay now? " pilit ang ngiting tumango ako. " Weh? "

" Yeah. I'm okay. " tumango naman sya.

Mukhang alam nya na kung bakit absent ako, siguro kumalat na ang katotohanan na buntis si Cass. Pero ang paalam ko kasi sa dean ay may trangkaso ako kaya ako absent.

" Alam mo na ba yu----"

" Yeah. I know. " pinutol ko yung sasabihin nya. Kaya parang napahiya pa sya. Hindi na nya binuksan pa yung topic na yun kasi alam nya namang ayaw kong pag-usapan yung mga ganung bagay na alam nyang involve ako.

" By the way, mapapa-aga daw ang vacation natin. Kaya next month na ang ating final exam. Kaya magiging busy daw tayo sa mga darating na araw. " sabi nya sakin. Napaisip naman ako.

Mabuti narin siguro yun, para hindi ko na sila masyadong maisip pa.

" Ah. Nice. " sabi ko na lang.

" And after exam, baka bakasyon na natin. " tumango-tango na lang ako. Ngumiti naman sya at sinenyas na babalik na sya ng upuan. Magta-time narin kasi.

Maya-maya lang ay dumating si Cass. Natigilan pa sya ng makitang nakaupo ako sa tabi ng upuan nya. Hindi ko sya pinansin kaya ramdam kong nakayuko syang umupo sa tabi ko.

Hindi ko alam kung kaya pa kitang patawadin, after you did.















Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon