Chapter 70

20 0 0
                                    

Harry's POV

Hello!

I feel so excited dahil unang araw ng pasukan namin sa CEU nina Yumi at Charles. Wala kaming usapan na sabay-sabay papasok that's why medyo magpapalate ako ng konti.

Kaklase ko kaya sila?

Napabuntong hininga naman ako bago ko tapusin ang pagkain ko. Nagtoothbrush na ako and then umalis na ng bahay. Medyo pa-late narin kasi. Nakakahiya naman kung first of school ay sobrang late ako diba?

Habang nagmamaneho ako, naisipan kong tawagan si Charles upang malaman kung anong nangyayari na sa buhay nun.

" Boi? "

" Oh? Why? "

" Where are you? "

"On the way pa lang. Bakit? "  napangiti naman ako. Bago ko iliko yung sasakyan ko papasok ng CEU.

Papasok kasi ang school ng CEU unlike sa FIS na bungad. Medyo mahaba ang lakarin kung trip mong maglakad papasok ng CEU.

" Same boi. I'll wait you sa parking lot. "

" Naks! Ge boi. " after that ay pinatay ko na ang linya at ipinark ko na ang kotse ko.

Marami pang estudyante ang nasa labas ganun narin ang mga kotse. Pero hindi naman ako nahirapang hanapin ang kay Yumi dahil kakaiba yung kotse nya.

Ang aga naman nun. Sa bagay, hindi na bago yun.

Pinagmasdan ko naman ang labas ng CEU habang nasa loob ako ng kotse at hinintay si Charles.

Hmm... Labas pa lang, may dating na. Maganda ang pagkakagawa ng arch saka malinis din ang parking lot nito. Mas malaki din ang space kaysa FIS.

Ang FIS naman kasi ay marami din namang pumapasok dun kaso hindi tulad dito na halos doble yata ng FIS ang napasok dito sa CEU.

Maya-maya lang ay nakita ko na ang kotse ni Charles na nagp-park kaya bumaba na ako. Agad naman nya akong nakita.

" Gwapo natin sa uniform ah! " sabi nya sakin sabay akbay.

Ako lang. HAHA!

" Sadya. Nga pala, kanina pang nandyan si Yumi. " sabay senyas ko sa kanya kotse ni Yumi.

" Sana magka-kaklase tayo nina boi 'no? " sabi pa nya nang makapasok na kami ng gate. Ramdam ko namang nakatingin samin yung ibang estudyante pero hindi ko na sila nilingon pa at sa daan na lang ako tumingin.

After naming makalampas sa malaking building ay nakita namin ang bulletin board. Kakaunti naman ang nandun kaya hindi kami nahirapan sumingit.

" Wow! Magkaklase tayo! HAHA! " masayang sabi nya habang may pag-apir pa sakin.

Bano talaga.

" Kita ko. " sabay smirk na sabi ko sa kanya. Ngumuso naman sya sakin.

Sabay kasi namin tiningnan ang enrollment lists at nakita rin namin na Section 10-C kami. Tinanong din namin dun sa teacher na nandun kung saan yun. Sinabi naman nya na sa third floor yun kaya dumiretso na agad kami dun.

" Nakakapagod 'to. " sabi nya nang paakyat na kami sa second floor. Masyadong tahimik sa building na ito kaya medyo nakakahiyang maglakad dahil nagsisimula na ang ibang section for the first day.

" Yeah. Third floor pa tayo. " naglakad lang kami sa may hallway ng second floor at muling umakyat ng hagdan patungong third floor.

Hays! Dulo pa ang amin. Saan kaya ang may Yumi?

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon