Yumi's POV
" Exam na natin bukas! " masayang usal ni Roxie samin habang nagr-review kami. Ako naman nananatili lang tahimik sa upuan ko.
" Shh! Nagsisimula ka na namang mag-ingay! " saway ni Veronica.
" Hulaan ko kung sino yung highest bukas! "
" Sino? "
" Edi sya! " sabay sabay na turo nila sakin kaya napataas ang kanang kilay ko.
" Sa bagay, Inspired yan e. Yiiie! " asar sakin ni Franzelle. Napailing na lang ako at kunwaring nag-review
Oo naman, first monthsary na namin bukas e.
Nangiti ako sa aking naisip. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, basta ang alam ko lang, excited ako para bukas.
Aayusin ko na mamaya yung explosion box na ginawa ko. Hehe!
Dahil sa sobrang ingay ng Potato Squad, naisipan kong lumipat na lang ng upuan para naman makapag-concentrate ako sa pagr-review.
" Paupo ako. " paalam ko kay Chamayra na kasalukuyan ding nagr-review.
" Oo naman. Ano ka ba? haha! " nginitian ko sya bago ako umupo sa kanang bahagi nya.
" Kamusta na kayo? " napalingon naman ako sa kanya nang magtanong sya. Binigyan ko naman sya nang nagtatanong na tingin. " Kayo ni Smith. " sagot nya. Nangiti naman ako at ibinaba ang reviewer ko.
Siguro, bukas na lang ako nang madaling araw magr-review. Hehe!
" Okay na okay. Alam mo ang swerte ko sa kanya. " proud na sabi ko habang naka-cross arm sa harap nya. Ibinaba naman nya ang reviewer nya.
" Alam mo, swerte din sya sa'yo. "
" b-bakit naman? "
" Ano kaba! Tingnan mo kaya ang sarili mo, kahit sino hahangadin ang tulad mo. " napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Dahil mahahalata mo sa kanya na hindi sya plastic. Na totoo sya sa mga sinasabi nya.
" Bakit ganun? Hindi nya man lang ako magawang awayin? "
" Kasi naman, wala syang dahilan para awayin ka. At isa pa, alam kong magtatagal kayo, dahil sabi mo nga, hindi ka nya inaaway. Kaya walang dahilan para hiwalayan ka nya. " paliwanag nya habang seryosong nakatitig sakin.
Ibig sabihin, maaaring ako ang makipag-break sa kanya, if ever na may makita akong hindi maganda.
" At halata sa kanya na mahal na mahal ka nya. " dagdag nya pa.
" Sana nga magtagal kami. Kasi ako? Wala rin akong nakikitang dahilan para makipag-break sa kanya----"
" Kaya nga bagay kayo ehh. Sa totoo lang, parang kahawig mo si Smith. Girl Version. Hahaha! " agad na napataas ang kilay ko sa sinabi nya.
E-eh?
" A-ang layo k-kaya! " asik ko sa kanya. Tumawa naman sya na parang may pagka-seryoso.
" Hindi ha! Para nga kayong magkapatid. " diin nya pa kaya napahawak pa ako sa batok ko.
Bakit ang seryoso mo? Huhu! K-kamukha ko ba talaga yun? At anong k-kapatid? Hindi ako papayag! H-hindi ko dapat sya kadugo kasi kami ang magkakatuluyan sa huli. Hehe!
Nang matapos ang chitchat namin. Bumalik na ako sa upuan ko dahil uwian na rin.
Ang saya nya pala kausap. Hindi nakakaboring.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...