Chapter 82

15 0 0
                                    

Yumi's POV

Kinginang yan!

Galit na pagkakasabi ko sa isip ko kaya hindi ako makapag-concentrate sa exam namin ngayon sa Math.

Inis akong tumingin kay Kyla. Naiinis ako dahil sinabi nya kay Janwren na may gusto sakin si Smith.

Mag-aaway sila nang dahil sakin! Kingina!

Hindi talaga ako mapakali sa upuan ko hanggang sa natapos kami.

" Okay ka lang, Yumi? " tanong sakin ni Veronica. Hindi ko naman sya pinansin at dumiretso na ako sa kabilang room kung saan ang room ng cookery.

" Yumi? Punta ka nga muna sa room ko, kunin ko yung attendance sheet ko. " utos sakin ng teacher ko sa Cookery. Wala naman sa sariling sumunod ako.

" Yumi? Saan ka pupunta? Sama naman! " tumango na lang ako kay Veronica at pumunta na kami sa room ni Ma'am Maylene.

Sana walang away na naganap.

Pagkarating namin sa room ay agad kong inexcuse yung kapwa ko president. Pero imbis na matuon yung sasabihin ko sa kanya, ay sa sinabi ng mga kaklase nya ako natigilan.

" Ikaw si Yumi, diba? " tumango ako. " May nag-away dyan kanina e, pinag-aagawan ka. " agad na nanlaki ang mata ko at umalis na. Si Veronica na lang ang kumuha ng attendance sheet ni ma'am.

Kasalanan ko 'to e!

***

Makalipas ang isang oras, naging tahimik na ako. Alam na rin nina Franzelle ang dahilan at ganun na lang din ang pagkainis na kanilang naramdaman para kay Kyla.

" Sana hindi ka nya pinangunahan. " sabi sakin ni Franzelle. Wala naman sa sariling tumingin ako sa may labas ng pinto nang dumaan si Janwren galing sa baba.

U-umiyak ba sya?

Para naman akong nasaktan sa nakita ko sa mata ni Janwren. Makikita dun ang sakit na nararamdaman nya dahil sa nangyari. Kaya naman lalo akong na konsensya.

S-sorry, Janwren.

Nang matapos ang klase namin, hindi sumabay samin si Kyla pero ako, nagpasundo na ako sa driver namin sa may Parking lot ng CEU.

Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse dahil iniisip ko parin yung dalawa. Kasi nang dahil sakin, nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Janwren, bakit hindi mo pinanindigan yung sinabi mo?

After 30 minutes, nakauwi na ako. Hindi na ako kumain pa at dumiretso na ako sa kwarto ko at nag-lock ng pinto. Hindi muna ako nagbihis dahil agad akong nag-online sa facebook.

Rhyden Smith ( active 16 hours ago )

Nag-away kayo!?

Chinat ko sya kahit hindi sya online dahil mababasa rin naman nya yun kapag nag online sya later.

Kailangan kong gumawa ng paraan para magkabati sila.

After an hour, saka lang sya nag- online kaya naman nakachat ko sya.

Rhyden Smith ( active now )

Oo sorry

Hays! Akala ko ba walang
away na magaganap?

Si Janwren ang nauna

Anong nangyari, after that?

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon